Friday, August 16, 2019

The Girl From The Coffee Shop 3 Chapter 9

MAY ilan pang pahabol si Greg kay Benjamin bago pa nito tuluyang iwan ang boss nito doon sa lobby ng tinutuluyan nilang hotel na iyon sa Palawan. Ang araw na iyon ang pinakahihintay na paglulunsad ng The Marina at pupunta roon si Maya. Makakasama niya ito, nang silang dalawa lamang. Walang Nicole, walang Noel. Tiningnan niya ang oras sa malaking grandfather clock doon sa may entrada ng lobby – quarter to six. Tumingin siya sa paligid, hinahanap ang nag-iisang mukha na gusto niyang makita at nang mapadako ang mga mata niya sa may reception area, naroon si Maya.

She was wearing a white strapless summer dress, vintage sunglasses and striped black and white sunhat, which made her look divine just standing there. Kausap nito ang ilang members ng design team ng firm. Gusto niyang lapitan ang dalaga pero pinigil niya ang sarili. May tamang oras at lugar para kausapin niya ito, at handa siyang maghintay. Marami pa rin naman siyang dapat asikasuhin at sa tingin niya, kapag nilapitan niya ngayon si Maya, hindi na niya nanaisin na umalis pa sa tabi nito.

Hinarap ni Benjamin ang lahat ng dapat niyang gawin nang araw na iyon – meeting with some clients, some last-minute chat with his staff and the event planners. And before he knew it, it’s time for the launch. Everybody was there – his Dad, his Tito Victor, his business partners, everyone from the industry and a lot of tourists and famous personalities from different parts of the globe. Pero wala sa mga iyon ang gusto niyang makita.

“There you are,” sabi niya nang makita si Maya sa madilim na bahagi ng bar ng clubhouse. Pero ni hindi siya nilingon nito. “Ano’ng ginagawa mo rito?”

“Umiinom, ini-enjoy ang katahimikan,” sagot ng dalaga nang hindi pa rin tumitingin sa kanya. 

Hindi agad nakita ni Benjamin ang hawak nitong baso ng Jack Daniel’s Whiskey. Napailing siya. “I think you’re drunk.” 

Tinabihan niya si Maya at um-order rin ng sariling scotch on the rocks. Sa tingin ni Benjamin ay lasing na si Maya. Halata iyon sa mga mata nito at hindi na rin normal ang paraan ng pagsasalita nito. Her hair that was in a tight bun was  already a bit disheveled but it best suited her sleeveless little black dress. Overall, she looked amazing, as always. 

”Maya, hindi ka marunong uminom, come on,” sabi niyang muling um-order si Maya ng isa pang baso ng alak. 

“Sino’ng may sabi?”

“Ako.”

“Well, hindi mo pa ako kilala, Engr. Contreras.” Inilayo ni Maya ang braso nito nang piliting hawakan at alalayan ni Benjamin. 

“Really? Ano pa ba’ng hindi ko alam sa’yo, Ms. Evangelista? A painter, barista, designer, and usually a pain in the neck. What else should I know about you?” natatawang tanong ni Benjamin pagkatapos uminom ng scotch.

Tinawanan rin iyon ni Maya. “Ito. Na marunong akong uminom.” At muli, inubos nito ang laman ng baso at humingi ng isa pa. “Na gusto mong mag-travel…I love photography and I’m a frustrated writer.”

Nakinig lang si Benjamin sa mga sinasabi ni Maya at ilang sandali pa ay tila saglit nilang nalimutan ang kumplikado nilang sitwasyon, na para bang nang mga oras na iyon ay nabaon sa limot ang lahat ng mga problema’ng pinagdaraanan nila, na para bang hindi sila sina Benjamin at Maya na may hinanakit sa isa’t-isa. 

“At marunong na rin akong magluto ngayon…pero slight lang.”

“Yeah, that I know.”

At muli, pareho silang natawa. 

“Risk taker rin ako…implusive…na alam kong alam mo na rin.”

Tumango si Benjamin. “I know that, by heart.” Tiningnan niya si Maya nang bigla itong natahimik. Hawak lang nito ang baso’ng puno pa ng alak. At nang lumingon ito sa kanya ay hindi niya napigilan na pakatitigan ito sa harap niya. Noon na lamang niya ito muling nalapitan nang ganoon kalapit, at noon na lang uli niya ito natitigan nang ganoon, nang hindi siya nito iniirapan. 

“S-sige, aakyat na ako,” biglang sabi ni Maya sabay tayo. At kung hindi pa agad naalalayan ni Benjamin, malamang ay natumba na ito.

“Ihahatid na kita.”

“H-hindi na, k-kaya ko na,“ at muli, muntik na itong matisod sa upuan sa harap nito. Kaya wala na ring nagawa si Maya kundi ang hayaan siyang ihatid ito hanggang sa inookupa nitong kuwarto. Umakyat sila ng hagdan nang nakaalalay siya kay Maya at nang makarating sila sa pang-apat na pinto, pareho silang natigilan.

“H-hindi dapat ako nakikipag-usap sa iyo…hindi dapat tayo magkasama nang…ganito…lalo na ngayon…”

“Bakit?”

Umiling lang ito at ngumiti. “M-may isa ka pang hindi alam sa akin…I can do crazy things when I’m drunk.”

“Like what?”

Muli, umiling nang maraming iling ito. “Crazy things, stupid things.”

Lumapit nang mas malapit si Benjamin kay Maya hanggang sa ilang pulgada na lamang ang layo nila sa isa’t-isa. “Like what?” mahina niyang tanong. “Like this?” Nang tingnan niya si Maya ay mataman rin itong nakatingin sa kanya, at alam na alam niya ang ibig sabihin ng paraan ng pagtitig nito.

Tumungo siya at hinalikan ang naghihintay nitong mga labi. Isang marahan at mabilis na halik sa labi. Ramdam ni Benjamin ang pagbilis ng tibok ng puso niya, at ang mabilis na paghinga ni Maya. 

“I’m still in love you, Maya.”

Kinailangan pa muna ni Benjamin na maghintay ng ilang sandali bago marinig ang sagot ni Maya. Pero siguro, kahit matagal siyang maghintay, kung iyon naman ang maririnig n’ya ay kakayanin n’ya - “I-I love you too, Benjamin.”

Napakatagal na panahon ang kinailangang hintayin ni Benjamin para marinig muli ang mga salitang iyon mula kay Maya. Ang mga salitang iyon lamang ang kailangan niya para magkaroon ng lakas ng loob na halikan itong muli at pagkatapos ng maiksi at matamis na halik, nagkatinginan sila, kapwa tinatanong kung tama ba ang ginagawa nila. 

But before they knew it, they were kissing again and this time, they both knew that it wouldn’t be brief or gentle. They entered Maya’s room kissing, and sat on the huge bed, still kissing. With Maya’s inhibitions gone, her kisses that night were the hottest, wettest and the most intense she has given him, ever. And with that, he kissed her back, with the same passion. 

Now, they both knew that there’s no turning back.

~~

ANG linggo’ng iyon na siguro ang pinaka-makasaysayang araw sa buhay ni Maya. Magkasama sila ni Benjamin na nag-almusal sa harap ng napakagandang tanawin ng dagat. Inilibot siya nito sa kabuuan ng The Marina at sinigado nito na natutuwa siya sa bawat minuto. Nagtungo rin sila sa ilang art galleries at nanood ng sine pagkatapos. 

Akala niya noon ay ang Baguio getaway nila ni Benjamin noon ang pinaka-romantic na mararanasan n’ya, mali pala. Dahil ngayon, may Palawan getaway nang tumalo roon. Wala na yata talagang mahihiling pa si Maya dahil para sa kanya, pagkatapos ng mga iyon ay puwede na siyang kunin ni Lord. Pero ang inakala niyang langit na ay hindi pala dahil katulad ng lahat sa mundo, ang araw na iyon ay may katapusan.

“Wow, you’re here!”

Abala si Maya sa paghuhugas ng kamay sa restroom ng restaurant nang marinig niya ang pamilyar na tinig na iyon. Nakasuot ito ng malaking sunglasses kaya hindi agad niya ito napansin at nang nagtaas siya ng tingin, nakita niya si Nicole sa tabi niya na nagre-retouch. Doon siya nito sa malaking salamin tinitingnan.

“So, it’s either hindi ka marunong umintindi or you’re really just a bitch.

Tiningnan lang ni Maya ang repleksiyon ni Nicole sa salamin at walang anumang sinabi. Kahit pa kumukulo na ang dugo niya at gusto na niya itong sampalin, o ingudngod ang maganda nitong mukha sa lababo, nanatili lang siyang nakatayo sa tabi nito, at ipinagpatuloy lang ang ginagawa.

“Just so you know, the wedding’s next month. And Benjamin and I are still going to get married kahit ano’ng paglalandi ang gawin mo sa fiancé ko.” Sinabi iyon ni Nicole na nakaharap lang sa salamin at hindi alam ni Maya kung sa kanya ito nakatingin o sa sarili nitong repleksyon. “Kahit ano’ng gawin mo, nothing will change. I’ll be his wife, and you’re going to be the mistress. And don’t expect na mamahalin ka pa rin ni Benjamin katulad ng pagmamahal niya sa iyo noon…because I won’t let it happen. You don’t know what I can do to ruin your reputation. Nagawa ko na iyon noon at hindi ako magdadalawang-isip na gawin ulit iyon. I’ve got connections, I know people who can make you and your boyfriend miserable.”

“B-boyfriend?” taka niyang tanong.

Isang matamis na ngiti ang nakita ni Maya sa mga labi nito. “The photographer…boyfriend mo ‘yon, diba? ‘Yung Noel…’yung kasama mo the night after the event? I know a lot about him. I know where he lives. At kung hindi mo titigilan ang pakikipagkita kay Benjamin, I’ll make sure to make his life a living hell.”

Mabuti na lang at mas nanaig ang utak niya kaysa sa emosyon dahil kung hindi, kanina pa nakahandusay ang Nicole na iyon sa sahig. Hindi na hinintay pa ni Maya ang susunod pa nitong sasabihin at tuluyan na niya itong iniwan doon sa loob ng powder room dahil kung mananatili pa siya roon ng kahit na ilan pang segundo, hindi niya maipapangako sa sarili ang maaari niyang magawa sa babae’ng ‘yon.

~~

KANINA pa dapat naroon si Noel dahil mahigit isang oras na simula nang tawagan niya ito para magpasundo sa airport. Pero hanggang ngayon ay naghihintay si Maya pero wala pa ring Noel na dumarating. Ilang beses na niyang sinubukang tawagan ang number nito pero ring lang ito nang ring. Wala sa personalidad ni Noel ang ganoon, na ma-late sa usapan nila at hindi sagutin ang tawag niya. At nagsimula na siyang mag-alala nang makatanggap siya ng tawag mula sa St. Margareth Hospital. 

“Miss Evangelista?” tanong ni Dr. Raymundo, ang attending physician ni Noel nang dumating siyang humahangos sa ospital. Maliit itong lalaki, maitim at may kalakihan ang katawan. 

“Ano po’ng nangyari?” Sinilip ni Maya si Noel doon sa kuwarto at hindi niya maitago ang pag-aalala. Nakahiga roon si Noel at mahimbing na natutulog.

“May nakakita sa kanya sa parking lot malapit dito, unconscious. Kapamilya po ba kayo ni Mr. Buenaventura?” 

Umiling si Maya at pagkatapos ay tumango. 

“As of now, okay na siya. Kailangan lang ng pahinga talaga,” mahinahong sabi ng doctor, na ikinapasalamat niya.

“Makakauwi na rin po ba siya ngayon?”

“Yes, yes. Pagkagising niya, p’wede na siyang umuwi pero kailangan niyang bumalik dito for a few tests. Nasabi ko na sa kanya ‘yon kanina.”

“T-tests?” taka niyang tanong. 

Tumango ang doktor.  “Mas mabuting siya na ang magsabi sa iyo tungkol sa kondisyon niya,” anito. At sa paraan ng pagtitig nito sa kanya, sigurado siyang hindi iyon magandang balita. 

Nagpasalamat si Maya sa doctor at tuluyan na itong nagpaalam. Nang pumasok siya sa kuwarto ay gising na si Noel at handa nang umalis.

“M-Maya! Ano’ng ginagawa mo rito? P-paano mo-“

“Tinawagan ako ng ospital,” sabi ni Maya matapos usisain ang band-aid sa itaas na bahagi ng kanan nitong noo. “Ano ba ang nangyari?” 

“W-wala, pagod lang ito.” 

Inilingan iyon ni Maya. “Meron kang hindi sinasabi sa akin, Noel,” mahina niyang sabi sabay tingin sa mga mata nito. “Kailangan mo raw bumalik sa ospital para sa mga tests, sabi ng doktor mo. Para saan ‘yung mga tests na ‘yon? Noel, please…sabihin mo sa akin. M-may problema ba?” kinakabahan niyang tanong. “May dapat ba akong malaman? M-may sakit ka ba or something?”

Sa simula ay napanganga ito, nanlaki ang mga mata dahil marahil sa gulat at tsaka yumuko. “Kulang lang siguro ako sa tulog.” Napakamot sa ulo si Noel at napangiti. Halatang nahihiya ito sa kanya dahil sa kalagayan. “Sorry ha, hindi kita nasundo sa airport. Papunta na sana talaga ko, eh.” 

“Hay, tapos, sasabihin mo sa akin na hindi ka workaholic?”

Kahit pa masakit ang ulo nito dahil sa pagkakabagsak sa semento ay nakakangiti pa ito na parang walang nangyari. Isinukbit ni Noel ang knapsack sa balikat at ito na ang nagbukas ng pinto. Pinauna siya nitong lumabas at pagkatapos no’n ay kapwa sila natahimik papunta sa parking area.

“Dapat, tinawagan mo ako. So, sigurado kang okay ka lang?” tanong niya nang buksan niya ang makina ng sasakyan. 

“Oo naman, galos lang ito, malayo sa bituka,” nakangiting sagot ni Noel sabay hawak sa gasgas sa noo. “Salamat, Maya. Pinuntahan mo pa talaga ako dito kahit pagod ka sa biyahe.”

“Basta inumin mo ang mga gamot na nireseta ng doktor sa iyo, ha. At kumain ka.”

Tumangu-tango naman si Noel na parang bata. “Opo.”

“At sa Sabado, huwag mong kalilimutan,” aniya. 

“Ano’ng meron sa Sabado?” kunut-noo’ng tanong ni Noel. 

“Appointment mo kay Dr. Raymundo para sa mga tests. Magkita na lang siguro tayo sa coffee shop, around eight ng umaga. May idadaan lang ako sa opisina.”

“Sasamahan mo ako sa ospital?” taka nitong tanong.

“Siyempre. Baka mamaya, hindi ka naman magpunta sa ospital, baka magbulakbol ka lang.”

Kapwa sila natawa. Naalala nila noong elementary pa lamang sila, noong madalas mag-cut ng class si Noel samantalang siya ay walang magawa kundi manahimik kahit pa gustung-gusto na niyang magsumbong sa kanilang guro. Nang mga oras na iyon, hindi maiwasan ni Maya na magpasalamat sa Diyos dahil kahit paano ay maganda pa rin ang ugnayan nila ni Noel sa kabila ng mga nangyari. Nangako siya sa sarili na hangga’t makakaya niya ay dadamayan niya ang kaibigan sa anumang pagdaanan nito, bilang ganti na rin sa lahat ng mga tulong na naibigay nito sa kanya. 

~~

LUNES pa lamang ng umaga pero pakiramdam ni Maya ay parang buong araw na siyang nagta-trabaho. Sunud-sunod na meetings with clients, adjustments sa final design at ang pinakamasaklap sa lahat ay ang walang-kamatayang balita tungkol kina Benjamin at Nicole.
Sabi ni Pam, dapat raw ay sanay na siya sa mga gano’ng bagay dahil noon pa man, kahit noong nagsisimula pa lang ang relationship nilang dalawa ni Benjamin ay may mga ganoong pangyayari na. At lalo na raw ngayon na totohanan nang ikakasal na si Benjamin kay Nicole. Of course, there’s truth in it. Kaya nga hangga’t maaari ay umiiwas siyang manood ng telebisyon at magbasa ng mga magazines, diyaryo at kahit mag-internet. At pilit rin niyang kinakalimutan ang pagkikita nila ni Nicole doon sa powder room at ang mga sinabi nito sa kanya. At bukod sa katotohanang  pagpapakasal nina Nicole at Benjamin, inaalala rin niya ang ginawang pagbabanta ni Nicole sa kanya at kay Noel. 

Pero paano nga ba niya iiwasan ang sitwasyon kung si Benjamin na mismo ang nagpapatawag sa kanya? Agad siyang tumayo matapos maibaba ang telepono at tumuloy na sa opisina ng binata. Nang kumatok siya sa pinto ay si Benjamin mismo ang nagbukas niyon. Bago pa man makapagsalita si Maya ay hinila na ng binata ang kamay niya papasok ng opisina. Agad rin nitong isinara ang pinto.

“I missed you,” bati ni Benjamin. Nagulat si Maya nang yakapin siya nito at halikan sa labi.

“B-Benjamin!” 

“I’m sorry, honey…sobrang na-miss lang kita,” sabi nito at muli itong yumakap sa kanya na tila ba ayaw na siya nitong pakawalan. Halos dalawang linggo na rin mula nang huli silang magkita, halos dalawang linggo na ang nakararaan mula nang makasaysayang weekend nila sa The Marina. 

“B-bakit mo ako pinatawag? May problema ba sa b-bagong design?” tanong ni Maya na pilit kumawala sa pagkakayakap ng binata.

“Wala, honey. Walang problema.”

“S-so, bakit mo ako pinatawag?” tanong niya. Pasimple niyang tinanggal ang mga braso nito na nakapulupot sa kanyang baywang.

“Well, I missed you…” Nagtaka si Benjamin lalo na nang lumayo siya rito doon tumayo malapit sa couch. “And I was hoping you…missed me too…pero parang hindi yata,” sabi nito. “May problema ba?”

Tiningnan ni Benjamin si Maya na para bang mula ito sa ibang planeta samantalang nanatili lamang na nakatayo si Maya nang malayo sa binata, nananalangin na sana, sa mga oras na iyon ay wala siya sa opisina nito.

“Ano’ng problema, honey?”

“I-ito, Benjamin…mali ito,” sa wakas ay sabi ni Maya. “Ikakasal ka na.” Matagal na niya iyong gustong sabihin, noong nasa Palawan pa lang sila pero hindi siya nagkaroon ng lakas ng loob.

Biglang nawala ang tuwa sa mukha ng binata. “Dahil sa gusto mo akong ikasal, diba?” nasa boses nito ang sobrang frustration. “Pero magagawan ko naman ng paraan iyon, honey. Sabihin mo lang na i-cancel ko lahat, ika-cancel ko lahat.”

“Huwag.” Umiling si Maya.

“So what do we do now? Ganito na lang tayo? Akala ko ba mahal mo ‘ko? Nangako ka na-“

“W-wala akong pinangakong kahit na ano sa ‘yo, Benjamin…” mahinang sabi ni Maya.

Nanlumong napaupo si Benjamin dahil sa narinig. “What…what do you mean?” Muli itong tumayo at lumapit sa kanya. “Maya, what do you mean?” 

“Kahit na ano pa’ng ipangako natin sa isa’t-isa, wala na rin naman diba? Ikakasal ka pa rin, magkakaanak pa rin kayo.” Sinabi iyon ni Maya na parang wala lang. Nang mga oras na iyon ay wala siyang ibang nararamdaman.

“Kaya susuko ka na lang? Are you giving up on us again, huh, Maya?”

Yumuko lang si Maya, hindi alam kung ano ang isasagot sa tanong na iyon ni Benjamin.
“Maya, ask me to drop everything, I’ll do it in a heartbeat. Just don’t give up like this.” Napahawak sa ulo si Benjamin at pagkatapos ay niluwagan ang necktie ng damit na para bang nahihirapan itong huminga. 

“H-hindi ko kaya...Hindi rin ako magiging masaya kung alam kong may nasasaktan nang dahil sa akin.” Wala nang nagawa si Maya kundi ang pumikit at hayaang tumulo ang mga luha. 

“Kaya mas gugustuhin mong tayong dalawa ang nahihirapan?” pasigaw na sabi ni Benjamin. Hindi na nito napigilan ang hirap na nararamdaman. “Maya, kahit minsan naman ipaglaban mo kung ano ang meron tayo. Kahit ngayon lang, ipaglaban mo naman ako.”

Pero paano, gustong itanong ni Maya. Paano pa niya ipaglalaban ang isang bagay na alam niyang matagal nang wala sa kanya. At kaya pa ba niyang ipaglaban ang pag-ibig ni Benjamin kung may ibang puso na kailangan ng kanyang kalinga at pagmamahal? 

“For Christ’s sake, talk to me, Maya!” pasigaw nitong sabi. “Sabihin mo sa akin kung ano ang nasa isip mo. Please, sabihin mo sa akin kung bakit bigla-bigla na namang nagbago ang isip mo tungkol sa atin.” Kitang-kita sa mga mata ni Benjamin ang pagkalito at galit na nararamdaman. 

Kung sasabihin niya rito ang totoo, kung isusumbong niya rito ang pagbabantang ginawa ni Nicole, mababago ba ang lahat? Siguro. Siguro, kokomprontahin nito si Nicole hanggang sa mag-away ang dalawa, magkahiwalay at hindi matuloy ang kasal. Magiging pabor sa kanya ang lahat kung nagkataon – pero hindi iyon magiging ganoon kadali dahil alam niyang hindi matatapos doon ang lahat. 

“Ano pa ba ang gusto mong gawin ko, Maya? Do you want me to cancel the wedding? Fine, I’ll do it. G-gusto mo bang ituloy ko ang kasal? Sige, gagawin ko! Sabihin mo lang sa akin kung ano ang gusto mo, gagawin ko, Maya. Gagawin ko lahat, kahit na ano, sabihin mo lang. I could even die for you if you asked me to.” Pilit hinuli ni Benjamin ang magkabila niyang kamay pero maagap niya iyong naiwasan.

“Tigilan mo na ako, Benjamin…itigil na natin ito.”

“Hindi, Maya!” Humarang si Benjamin sa harap niya nang magtangka siyang umalis. “Hindi kita titigilan hangga’t hindi mo sinasabi sa akin kung bakit ka nagkakaganyan!”

“Si…N-Noel.” Yumuko si Maya at ilang sandali pa bago niya nakayanang salubungin ang nanlilisik na mga mata ng kaharap. “Kailangan ako ni Noel.”

~~

2 comments:

What' You've Missed