Sabi nila, the more complicated the conflict, the better. Siguro nga dahil may ilan akong MS na napa-revise at na-reject dahil sa kulang raw sa conflict. Haha.
Thursday, September 12, 2019
Wednesday, September 11, 2019
The Girl From The Coffee Shop 3 Chapter 12
SINALUBONG agad si Benjamin ni Jamie nang makita ito sa pinto. Agad nitong niyakap ang anak at binuhat ito hanggang sa dining area kung saan naghahanda si Maya ng hapunan. Oo, marunong nang magluto si Maya dahil bukod sa pagpipinta, ang pagluluto ang madalas niyang pagkaaabalahan noong nasa Milan pa siya.
“Ang aga mo yata, nagsisimula pa lang akong magluto,” sabi ni Maya nang makalapit na ito sa kusina. She’s preparing something special - Classic Beef Pot Roast. Nitong mga nakaraang anim na buwan ay halos araw-araw binibisita ni Benjamin si Jamie sa unit nila sa The Draft bago ito umuwi galing opisina at at minsan kapag ang meeting nito ay malapit lamang sa area nila.
“Okay lang, we have the whole evening.”
“The whole evening?” Tiningnan ni Maya si Benjamin na noon ay nakikipaglaro na kay Jamie. Tumatakbo si Jamie habang hinahabol naman ito ng ama. Pinagmasdan lang ni Maya si Benjamin habang nakikipaglaro sa anak. Hindi niya naisip ang posibilidad na mangyayari ang ganoon, na magkakasama ang dalawang importanteng lalaki sa buhay niya ngayon.
“Balak ko sanang dito matulog ngayong gabi…’yun ay kung okay lang sa mommy ni Jamie.” Ngumiti si Benjamin nang isang ngiti na alam nitong hindi mahi-hindi-an ni Maya. “Bumili ako ng play tent para sa kuwarto niya. Maglalaro kami mamaya.”
Napabuntung-hininga na lang si Maya. “Fine. Basta matutulog ng maaga, ha.” Alam ni Maya na wala na rin naman siyang magagawa. Hindi niya napansin ang bitbit nitong malaking bag at ang play tent na sinasabi nito. Hindi naman iyon ang unang pagkakataon na doon natulog si Benjamin sa bahay at kahit paano ay mas panatag ang kalooban niya sa tuwing naroon ito.
“Yes, ma’am.”
Tuesday, September 3, 2019
The Girl From The Coffee Shop 3 Chapter 11
ISANG ordinaryong araw lang iyon para kay Benjamin tulad ng mga nagdaang araw at nagkatao’ng may kliyente si Jeff malapit sa The Forum kaya binisita siya nito.
“I got call from Maya this morning.”
At iyon lang ang kailangang marinig ni Benjamin para ihinto niya anuman ang ginagawa niya nang mga oras na iyon. “N-nakausap mo siya?” Mula sa laptop ay nagtaas siya ng tingin.
“Yes,” natatawang tugon nito. Tumayo ito at nagpunta doon sa couch.
Gustong magtanong ni Benjamin ng ‘how is she’ pero pinigilan niya ang sarili. Muntik na niyang makalimutan, galit nga pala siya sa babae’ng iyon at kinasusuklaman niya ang lahat ng tungkol dito.
“Okay naman siya. Milan has treated her well, if you ask me. Naroon lahat ng gusto niya – ang art, ang fashion, ang scenery.”
Subscribe to:
Posts (Atom)
What' You've Missed
-
Most of the mini-figs I create and feature on the site are made with cold porcelain. It is a great alternative to polymer clay because the ...
-
The thing about cold porcelain and polymer clay is that it is not an "either/or" case. They have specific pros and cons and choosi...
-
ILANG minuto pang nanatili si Noel sa loob ng sasakyan habang tinitingnan ang mga taong pumapasok sa hotel. Malamang ay naroon na si Maya...
-
BENJAMIN tried to visit his uncle as often as he could. Lumaki siya na ito ang kasa-kasama lalo na’t masyadong abala ang kanyang ama sa m...
-
Fine, gusto nating magsulat pero ang tanong, bakit natin gustong magsulat? Minsan kasi, hindi sapat 'yung gusto lang natin. Dapat, ma...
-
1. Hindi consistent. Ang tono, ang style, plot at ang characterization at motivations ng mga bida. Minsan kasi sa sobrang enjoy natin at...
-
P aano kung talagang hindi ka makapagsulat? ‘Yung kahit anong pilit mo, walang lumalabas na ideya? Hindi ka naman tinatamad dahil gustun...
-
MAY ilan pang pahabol si Greg kay Benjamin bago pa nito tuluyang iwan ang boss nito doon sa lobby ng tinutuluyan nilang hotel na iyon sa ...
