Quote of the Day

The idea of me is better than the reality of me. - Verity

Wednesday, September 11, 2019

The Girl From The Coffee Shop 3 Chapter 12

SINALUBONG agad si Benjamin ni Jamie nang makita ito sa pinto. Agad nitong niyakap ang anak at binuhat ito hanggang sa dining area kung saan naghahanda si Maya ng hapunan. Oo, marunong nang magluto si Maya dahil bukod sa pagpipinta, ang pagluluto ang madalas niyang pagkaaabalahan noong nasa Milan pa siya. 

“Ang aga mo yata, nagsisimula pa lang akong magluto,” sabi ni Maya nang makalapit na ito sa kusina.  She’s preparing something special - Classic Beef Pot Roast. Nitong mga nakaraang anim na buwan ay halos araw-araw binibisita ni Benjamin si Jamie sa unit nila sa The Draft bago ito umuwi galing opisina at at minsan kapag ang meeting nito ay malapit lamang sa area nila.

“Okay lang, we have the whole evening.”

“The whole evening?” Tiningnan ni Maya si Benjamin na noon ay nakikipaglaro na kay Jamie. Tumatakbo si Jamie habang hinahabol naman ito ng ama. Pinagmasdan lang ni Maya si Benjamin habang nakikipaglaro sa anak. Hindi niya naisip ang posibilidad na mangyayari ang ganoon, na magkakasama ang dalawang importanteng lalaki sa buhay niya ngayon.

“Balak ko sanang dito matulog ngayong gabi…’yun ay kung okay lang sa mommy ni Jamie.” Ngumiti si Benjamin nang isang ngiti na alam nitong hindi mahi-hindi-an ni Maya. “Bumili ako ng play tent para sa kuwarto niya. Maglalaro kami mamaya.” 

Napabuntung-hininga na lang si Maya. “Fine. Basta matutulog ng maaga, ha.” Alam ni Maya na wala na rin naman siyang magagawa. Hindi niya napansin ang bitbit nitong malaking bag at ang play tent na sinasabi nito. Hindi naman iyon ang unang pagkakataon na doon natulog si Benjamin sa bahay at kahit paano ay mas panatag ang kalooban niya sa tuwing naroon ito.

“Yes, ma’am.”

Minsan, hindi maiwasan ni Maya na mag-isip ng kung anu-ano. Na may pag-asa pang mabuo ang pamilya nila, na mahal pa rin siya ni Benjamin. Bakit ba naman hindi, sa araw-araw na ginawa ng Diyos, sa buong anim na buwan ay walang ginawa si Benjamin kundi ang mahalin sila – ay mali, si Jamie lang pala. He has been a very good father to Jamie, a perfect one.

Simula nang malaman nito ang tungkol kay Jamie, palagi itong tumatawag at pumupunta sa bahay. Minsang nilagnat ang bata, ilang minuto lang ay naroon na ito agad kahit nasa gitna ng importanteng meeting at ito pa ang nag-drive para madala agad ito sa ospital. Simpleng sipon lang iyon pero hindi umuwi si Benjamin nang gabi’ng iyon, at ito ang nagpuyat para mabantayan ang anak.

Maging ang buong pamilya ni Benjamin at lalo na ang ama nito ay wiling-wili kay Jamie. Parati nilang sinisigurado na nakukuka ni Jamie ang lahat ng kailangan nito, kahit pa nga mga bagay na hindi naman talaga kailangan. Pakiramdam ni Maya ay si Jamie na siguro ang pinaka-suwerteng bata sa buong mundo ngayon at wala na siyang mahihiling pa.

Kahit pa sanay na siya sa mga sleepovers ni Benjamin ay hindi pa rin maiwasan ni Maya na makaramdam ng pinaghalong kaba at kilig sa tuwing doon matutulog ang dating kasintahan, lalo na sa tuwing titingnan siya nito at ngingitian tulad ng ginagawa nito noong may namamagitan pa sa kanilang dalawa. 

Hindi na niya mabilang kung ilang sleepovers na ang naganap at habang tumatagal ay nararamdaman na niya ang hindi dapat at minsan, iniisip niya kung ano ang iniisip ni Benjamin sa tuwing mga ganoong pagkakataon. Maraming taon na ang lumipas mula noong makasaysayang gabi nila sa Palawan at simula noon ay hindi na siya natahimik. 

At ngayon, sa halos anim na buwang pagtulog nila sa iisang buong, alam nila na pareho nilang sinusubukan ang lahat na hindi makaramdam ng kahit na anuman sa isa’t-isa. Pero hindi iyon naging madali para sa kanilang dalawa. 

“Ano ito?” takang tanong ni Benjamin nang makita si Maya na nag-aayos ng higaan sa paanang bahagi ng kama. Kasalukuyan nang natutulog nang mahimbing si Jamie sa sinet-up na play tent ni Benjamin sa dulong bahagi ng kuwarto. 

“Alin?” sagot na tanong ni Maya.

“Dito mo ako patutulugin?”

Nang tingnan ni Maya ang paraan ng pagngiti ni Benjamin ay alam na niya kung ano ang tumatakbo sa isip nito. “Nire-redesign ko ang guest room kaya dito ka muna…o mas gusto mo sa sala?”

Muli, ngumiti si Benjamin. 

“Oy, ha, Engr. Contreras, huwag mag-isip ng kung anu-ano.”

“Bakit, wala naman ako’ng iniisip,” natatawang sabi nito.

“Hindi mo pa iniisip, alam ko na.”

Humalukipkip si Benjamin habang pinagmamasdan si Maya – ay mali - habang pinagmamasdan ang ginagawa ni Maya. Isang komportableng puti’ng T-shirt at gray woven pajama bottom na ang suot niya samantalang isang light pink satin sleeping robe ang kay Maya at hindi alam ni Benjamin kung magugustuhan nito o hindi ang nakikita. 

“Hindi ka pa ba matutulog? Magha-hatinggabi na,” tanong ni Maya nang matapos nito’ng ayusin ang higaan ni Benjamin. 

“Sa tingin mo makakatulog ako rito sa kuwarto mo?”

“Bakit naman hindi?” 

“Dahil ang lapit-lapit mo lang…ilang hakbang lang, nariyan ka na.”

Hindi alam ni Maya kung ano ang mararamdaman sa sinabi’ng iyon ni Benjamin – kung kakabahan ba siya, matatakot o kikiligin. Kaya hindi na lang niya iyon pinansin at tiningnan ang anak na mahimbing pa rin. Naisip ni Maya, kung ano man ang mangyari nang gabing iyon, nakatakda siguro talagang mangyari dahil sa tingin niya ay masyado nang matagal ang anim na buwan ng paghihintay para sa kanilang dalawa ni Benjamin. Atubili niyang hinubad ang suot na black silk robe bago maupo sa kama. Kinuha niya ang libro na nasa ibabaw ng nightstand at nagsimula nang magbasa pero alam ng Diyos na wala naman siyang maiintindihan sa babasahin niya mula roon.

Napalunok si Benjamin. “A-are you trying to seduce me, Miss Evangelista? Because really, there’s no need for that. Simula nang magkita tayo uli, gustung-gusto na kitang halikan pero pinipigilan ko lang ang sarili ko.”

Namula si Maya. Pareho lang naman sila ng nararamdaman. Tiningnan niya si Benjamin, nginitian ito nang bahagya, at pagkatapos ay muling bumalik sa pagbabasa dahil hindi niya kayang tingnan ang lalaki sa mga oras na iyon. 

“You know what you’re doing to me, don’t you?” Sa pagkakatao’ng iyon ay seryoso na ang mukha ni Benjamin at muntik nang mapatalon si Maya nang lumakad ito palapit sa kama. “M-Maya, tell me you want this as much as I do…please.” 

Oo, gusto niyang isigaw sa mundo na oo, gusto niya itong mangyari. And when Benjamin leaned forward to kiss her, she just found herself clinging to him for more. They could both feel their desire and excitement. Pilit nilang ipinadama sa pamamagitan ng mga halik na iyon ang pananabik na naipon sa loob ng maraming taon. He wanted to take it slow, to enjoy every second of that kiss but it’s just impossible. Every kiss and every touch they share made him want Maya even more. 

Saglit na itinigil ni Benjamin ang paghalik sa mga labi ni Maya at tiningnan ito sa mga mata. “I love you Maya, I always have.”

“And I love you too, Benjamin…I never stopped,” bulong niya nang nakapikit, habol pa ang paghinga. 

And that led to another passionate, breathtaking kiss. Hindi na alintana ni Maya na nalaglag na ang binabasa niyang libro sa sahig at wala na rin ang kumot na kanina’y nakatakip sa kanyang katawan. Wala na rin siyang pakialam nang tanggalin ni Benjamin ang ipit niya sa buhok at nang unti-unti na siya nitong ihiga sa kama.

Ramdam ni Maya ang malalim na paghinga ni Benjamin, maging ang nanginginig nitong mga kamay habang hinuhubad ang kanyang pang-itaas. Hinalikan siya nito nang malalim sa labi habang hinahaplos ang kanyang katawan. Mula sa kanyang bibig ay naglakbay ang mga labi nito sa kanyang pisngi hanggang sa leeg, at nang simulan nitong halikan ang kanyang kaliwang tainga ay napaungol siya.

Iba ang pakiramdam ni Maya nang mga oras na iyon kumpara noong nasa Palawan sila. Siguro dahil na rin sa lasing siya noon, na nakatulong para mawala nang bahagya ang kanyang inhibisyon pero ngayon, wala kahit isang patak ng alak sa kanyang sistema. 

Nang muli siyang halikan sa labi ni Benjamin ay gumanti siya ng mas malalim na mga halik, mas masidhi. And as if it wasn’t enough, he started stroking her body in such as way that made her cry out his name. They were both naked now, just their hot bodies covering each other, both breathing deeper and faster. This was just how they imagined it to be, only hotter and wilder.

~~

GOOD morning, honey! I was able to cook something habang naglalaro si Jamie.”

Garlic rice, bacon and eggs. Kasalukuyang inihahanda ni Benjamin ang mesa nang lumabas si Maya ng kuwarto. Kapwa pa sila nakasuot ng roba at sa totoo lang ay medyo inaantok pa siya dahil alas sais pa lamang ng umaga at kung hindi siya nagkakamali ay tatlong oras lamang ang itinulog niya. Hinalikan muna niya ang anak na noon ay mag-isang naglalaro sa lapag malapit sa dining area bago lumapit kay Benjamin, na abot-tainga ang ngiti. 

“Come on, let’s eat,” sabi ni Benjamin pagkatapos kunin si Jamie at ilagay sa high chair nito. Hinalikan nito ang anak bago bigyan ng paborito nitong cereal. 

Atubiling naupo si Maya sa hinatak na upuan ni Benjamin para sa kanya. Ito na rin ang nagsalin ng kape sa tasa niya at naglagay ng pagkain sa pinggan. Wala naman talagang kakaiba sa umaga’ng naroon si Benjamin sa kusina, suot ang kulay pula niyang apron. Madalas naman iyong gawin ni Benjamin kapag natutulog ito doon pero ibang-iba ang umagang iyon – siguro dahil na rin sa nangyari noong nakaraang gabi. Bago pa maupo si Benjamin ay hinalikan siya nito sa labi. 

“I love you,” bulong nito sabay halik sa pisngi niya, at muli sa labi.

“I-I love you too,” mahina niyang tugon. Ramdam niya ang pamumula at pag-init ng kanyang mukha. “Bakit nga pala narito ka pa?”

“I took the day off because I want to spend more time with my family,” nakangiti nitong sagot.

Family. She never thought that she could ever experience a complete family. 

Tumayo si Benjamin at tumabi sa anak para tulungan itong kumain at ilang saglit pa ay muli itong tumayo. Masyadong abala si Maya sa pagkain kaya nagulat siya nang maramdaman niya na nasa tabi na pala niya si Benjamin, nakaluhod at nakatunghay sa kanya.

“It has been sitting around the house for many years. Five years to be exact, just waiting for the right time. Ang totoo…noong nagkita tayo uli sa coffee shop, nasa loob ito ng kotse ko…pero kailangan ko pang maghintay ng anim na buwan para ibigay ito sa iyo.”

At nang ilahad ni Benjamin ang palad nito ay nakita roon ni Maya ang isang singsing, na sa palagay niya ay isa sa pinakamaganda sa lahat ng nakita niyang singsing sa buong buhay niya – isang round cut diamond solitaire in yellow gold Tiffany Setting, na isa sa pinakakilalang engagement ring sa buong mundo. 

“Maya Evangelista, will you…” seryosong tanong ni Benjamin. Kahit si Jamie ay napatingin sa ama nito. “…marry me?”

“Nagbibiro ka ba?” Literal na napanganga si Maya. 

“Hindi ako nagbibiro!” natawang sagot ni Benjamin. “Mukha ba akong nagbibiro?”

Mas inilapit pa nito ang singsing sa mukha ng dalaga para lalo nito iyong makita. Hindi, hindi nga ito nagbibiro. Wala sigurong lalaki ang bibili ng ganoong ka-mahal na singsing para lang magbiro. 

“Seriously, Maya, will you marry me?”

Tumangu-tango lang si Maya dahil iyon lang ang kaya niyang gawin. At iyon lang ang hinihintay ni Benjamin na sagot at isinuot na nito ang napakagarang singsing sa daliri ng pinakamamahal niyang babae sa buong mundo.

“Thank God!” Hindi pa muna ito tumayo kundi niyakap lang siya nang matagal at hinalikan siya nito ng isang marahang halik sa labi.

Hindi mapigilan ni Maya na tingnan ang suot na singsing. She still couldn’t believe it – that Benjamin asked her hand for marriage and this time, for real.

“Sa’n mo gustong gawin ang wedding? Sa Baguio o sa The Marina?”

Saglit na nag-isip si Maya. Parehong memorable ang ang dalawang lugar na iyon sa kanilang dalawa. Pero mas may magandang ideya si Maya. “Hmm…sa coffee shop?”

“The coffee shop sa The Forum?” 

Tumangu-tango si Maya.

“Perfect.”

~~

No comments:

Post a Comment

Popular Posts