Thursday, May 30, 2019

13 Reasons Why Kakaunti ang Readers Natin

1. Mabagal tayo mag-update.
2. Wala masyadong BS ang mga stories natin.
3. Walang namba-bash sa atin.
4. Hindi tayo namba-bash.
5. Hindi tayo pa-fame.

13 Reasons Why Hindi Ma-Release-Release ang Approved Manuscripts Natin

1. Kaunti ang readers, hence, kaunti kikitain ng pubhouse.
2. Hindi tayo sikat, hence, kaunti readers.
3. Hindi 'uso' ang plot ng nobela, hence, hindi sikat.
4. May mas 'worth' na 'manuscripts' from mas 'worthy' writers na mas 'worth' unahing i-release.
5. Hindi tayo masipag/marunong sa PR, hence, walang interes ang pubhouse sa atin.
6. Hindi tayo 'favorite', hence hindi tayo priority.
7. Noobs tayo. There's this thing called seniority, dude.

13 Reasons Why Sobrang Effort Hanapin ang Published Books Natin sa Bookstores



Cheret lang, kaunti lang naman talaga ang reasons kung bakit parang nakikipag-hide and seek ang mga libro natin at ayaw magpakita:

1. Kakaunti lang talaga ang na-print kasi kaunti lang naman ang bibili. Limited edition ang peg. Supply and demand raw kasi talaga. Kapag maraming demand, marami ang supply.

2. Since kaunti lang ang na-print, iilang bookstores lang ang pinagde-deliver-an. Madalas pa, hindi inaabot 'yung mga malalayong probinsiya.

3. Nasa likod ng mga shelves ang books natin, insecure. Since nakatago sa sulok ang mga books natin, walang makakakilalang bagong readers sa atin. At kahit nga mga lumang readers, hindi na mag-e-effort na magbungkal kasi, hassle 'yon, bes. Kaya kung ano na lang 'yung nakikita nila at within reach, 'yun na lang.

4. 'Yung mga sikat na books lang talaga from sikat na writers ang nakabalandra sa mga bookshelves. Tipong iisang title pero mga 50 pieces ang naka-display sa shelf. O, diba. End of the world na ba at kailangang mag-hoard? Cheret. Again, supply and demand.

Hindi po ako bitter. Medyo lang. Cheret lang. Gusto ko lang mag-rant kahit wala namang katuturan.

~~

13 Reasons Why Hindi Na-a-Approve ang Manuscripts Natin Bukod sa Hindi Tayo Sikat

1. Grammar lapses, sentence construction. Kahit ano'ng ganda ng story mo, kung waley ang grammar, mas mataas pa rin ang chance na ma-reject ang MS.

2. Kulang sa kilig scenes. 90% ng market ngayon ay kabataan at gusto ng mga kabataan ngayon, kilig here, kilig there, kilig everywhere.

3. Kulang sa conflict. Tipong hindi sapat ang conflict to make the story worth reading. Mas maganda raw 'yung tipong mumurahin ka na ng heroine/hero mo dahil sa sobrang pahirap mo sa kanya, genern.

Mga Hindi Dapat Gawin sa Pagsusulat


1. Huwag i-edit at i-proofread ang gawa kung isang paragraph pa lang naman ang naisusulat. Ang sakit sa bangs no'n lalo na kung wala ka namang bangs. Basta sulat lang. Minsan kasi, sa sobrang edit at proofread mo along the way, darating ka sa punto na parang ayaw mo na lang ituloy kasi feeling mo ang daming mali, ang daming kailangang baguhin. Nakakasira rin 'yon ng rhythm ng pagsusulat.

Avengers Assemble!

Ironman, Black Widow, Thor, Captain America

These cute chibis are my version of Avengers way back 2015. 


Add caption


What' You've Missed