Quote of the Day

The idea of me is better than the reality of me. - Verity

Wednesday, June 12, 2019

Mga Tanong na Kailangang Sagutin Habang Isinusulat ang Nobela Mo: Sino, Ano, Saan, Kailan at Bakit

Sino
Self-explanatory na ito, bes. Sino ang mga bida sa nobela mo? P’wedeng isa, dalawa o marami, depende sa plot mo. Malinaw dapat kung kanino umiikot o iikot ang kuwento.

Ano
Ano ang goal ng bida? Tungkol saan ang kuwento? Ano ang mangyayari sa bida? Ano ang kailangan niyang gawin para ma-achieve niya ang dapat niyang ma-achieve?

The Girl From The Coffee Shop 2 Chapter 2

“S-SINO?” gulat na tanong ni Maya kay Jenny nang sabihin nito ang balitang biglang pagbabalik ng Presidente ng kumpanya. Ayaw man niyang isipin ay tiyak na si Benjamin ang tinutukoy nito. Bigla tuloy siyang nanlamig at pakiramdam niya ay lalabas lahat ng kinain niyang almusal.

“Si Engr. Contreras. Sabi ni Greg, kadarating lang raw kanina. Actually, sa mga magazines ko pa lang siya nakikita pero ang dinig ko, sobrang guwapo raw, Miss Maya,” masayang balita ni Jenny sa kanya. “Kilala mo ba siya?”

Monday, June 10, 2019

The Girl From The Coffee Shop 2 Prologue and Chapter 1

PROLOGUE

KUNG mayroong pangyayari na gusto kong balikan, aaminin ko na ‘yon ay ang panahong nakilala ko si Benjamin at natutunan kong magmahal muli. Pero hindi naman lahat ng kuwento ng pag-ibig ay may happy ending. May mga bagay na talagang hanggang do’n na lang, katulad ng sa amin ni Benjamin, apat na taon na ang nakararaan. Akala ko noon, pagkatapos kong malaman na mahal niya ako, ‘and we live happily ever after’ na ang kasunod. Pero totoo’ng buhay nga pala ito at hindi isang fairy tale.

Ayoko na sanang alalahanin pa ang nakaraan dahil isa ‘yon sa mga pangyayaring sobra kong pinagsisihan pagkatapos. Alam kong kasalanan ko na hindi ko binigyan ng pagkakataon ang love story namin, dahil lang sa isang lumang pag-ibig - sa isang luma, at inaagiw na pag-ibig.

The Girl From The Coffee Shop 2 Teaser

“Bakit ka pa bumalik?
Bakit kung kailan okay na ako,
kung kailan nakalimutan ko na lahat,
tsaka ka pa bumalik?”

Sunday, June 9, 2019

What Is A 'Worthy Read'?

Sa panahon ngayon na maraming p'wedeng maka-distract sa atin sa pagbabasa, mas mahirap i-please ang mga readers - unless super idol nila 'yung writer na kahit ano'ng haba o boring o kagulo ang kuwento ay hindi nila bibitawan ang libro. Pero kung 'normal' na writer ka at wala masyadong followers, the struggle is real.

Sabi nga, dapat sa umpisa pa lang, 'yung bungad pa lang ng nobela mo ay makuha mo agad ang atensiyon ng reader. Tipong first sentence pa lang, mahi-hypnotize na sila na tapusin ang gawa mo.

So, paano mang-hypnotize? I mean, paano mo gagawing interesting ang unang bahagi ng nobela mo? Ang tawag diyan - killer opening lines. Siyempre, iba-iba naman ng taste ang readers pero rule of thumb, dapat alam mo kung anu-ano ang mga elements na magpapa-hook sa mga readers - maganda/kakaibang conflict, kilig, galit, takot, inis, tuwa, tawa.

1. Huwag manlinlang. Baka dahil lang sa gusto mong ma-hook ang readers mo ay kung anu-ano’ng premise na ang isusulat mo na wala namang kinalaman sa kabuuan ng nobela mo. Halimbawa, magsisimula ka sa isang maaksiyong habulan ng bida at kontrabida pero panaginip lang pala at wala namang connect sa kwento. Huwag gano’n, bes. False advertising ang tawag do’n haha!

Saturday, June 8, 2019

So You Think You're A Writer?

Oo nga, mahusay kang maghabi ng mga salita, magaling kang magpakilig, magpaiyak at magpatawa. Maganda ang mga nabubuo mong ideya at naisusulat mong nobela. Pero ang tanong, kaya mo ba talagang pangatawan ang pagiging isang writer? 

Hindi ka bagay maging writer kung -

1. Ayaw mo ng kritisismo, hindi bagay sa iyo ang maging writer. Once you put your works out there, someone is going to read it and whether you like it or not, there will always be negative comments about it. Sabi nga, kung ayaw mo ng kritisismo, huwag mong i-post ang gawa mo online. Simple.

2. Kung balewala lang sa’yo ang feedback at komento ng editors. ‘Yung tipong kibit-balikat lang at hindi susundin ang suggestions mula sa editors. Kasi feeling mo, magaling ka at maganda ang nobela mo na hindi na kailangan ng anumang pagbabago o improvement. Oo, mahalaga sa atin ang bawat salita sa nobela natin pero ang editor ay naging editor dahil may mas alam sila kaysa sa atin.

The Girl From The Coffee Shop 1 Chapter 10 (Last Chapter + Epilogue)

ILANG minuto pang nanatili si Noel sa loob ng sasakyan habang tinitingnan ang mga taong pumapasok sa hotel. Malamang ay naroon na si Maya, kasama ang Benjamin Contreras III na iyon. Matagal na panahon silang hindi nagkita ni Maya at ito ang kauna-unahang pagkakataon na magkakaharap sila. Hindi niya alam ang aasahan, hindi niya alam ang magiging reaksyon ng dalaga kapag nakita siya, lalo na kapag nalaman nito ang dahilan ng biglaan niyang pagbabalik mula sa Milan. Kinuha niya ang maliit at lumang envelope sa bulsa ng kanyang coat, dahan-dahan iyong binuksan at binasa ang laman niyon sa hindi na niya mabilang na pagkakataon. 

Iyon ang tanging dahilan kung bakit niya gustong makausap si Maya. May mga bagay siyang gustong linawin, may mga bagay siyang gustong sabihin, at may mga bagay rin siyang nais malaman mula dito.

Friday, June 7, 2019

The Girl From The Coffee Shop Chapter 9

DAPAT ko ba siyang bigyan ng pagkakataon? Oo, pero nilalamon pa rin ako ng takot. Pagkatapos ng naging pag-uusap namin sa coffee shop ay isang linggo kong hindi nakita si Benjamin – dahil iyon ang sinabi ko sa kanya. Sinabi ko na kailangan ko ng panahon para makapag-isip. Balita ko ay nasa New York siya at sa buong isang linggo na wala siya, dapat ay naging tahimik na ang buhay ko. Pero hindi. Napagtanto ko na hindi pala talaga madaling biglang mawawala ang isang mahalagang tao sa buhay mo, na siyang tanging nakapagpapasaya sa buhay mo.

Thursday, June 6, 2019

Paano Nga Ba Ma-Publish?

Gusto kong sagutin na madali lang, magsulat lang at magsubmit sa napiling pubhouse. Pero ang totoo kasi, hindi naman gano’n kadali, lalo na ngayon. So, paano nga ba magkaroon ng published book?

Tatlong paraan: Mag-submit sa mga publishing companies, magself-publish ka o hintayin mong ma-discover ang nobela mo at may mag-offer sa’yo na i-publish ang gawa mo.

Paano mag-submit:
Mas mabuting makipag-ugnayan sa mismong pubhouse kung ano ang requirements. Research. P’wede ka ring sumali sa mga contests.

The Girl From The Coffee Shop 1 Chapter 8

NAGING tahimik ang mga sumunod na araw ni Maya. Nagpatuloy siya sa buhay niya sa coffee shop na parang walang nangyari. Oo, aaminin niya na minsan, sa gitna ng pag-iisa ay naaalala niya ang kanilang matamis na nakaraan at minsan, iniisip niya na makikita niya ito sa The Forum, kakaway sa kanya at ngingiti. Pero ilang araw ang wala si Benjamin, at hindi rin naman siya nakatanggap ng ipinangako nitong tawag. Mag-iisang linggo na mula nang huli nilang pagkikita doon sa Japanese Restaurant, at paminsan-minsan ay nahuhuli pa rin siya ni Pam na nakatingin sa kawalan.

Popular Posts