“Any sufficiently advanced technology is indistinguishable from magic.” ― Arthur C. Clarke

Tuesday, June 18, 2019

Writing A Not-So-Typical Romance

1. Huwag ‘yung first page pa lang, may nangyayari nang kababalaghan. Romance novel ang isinusulat mo, hindi porn. Kahit nga sa porn, may build-up pa ng scene bago ‘yun. Not that I know these things, nabasa ko lang rin, huwag kayo.

2. Kung may ‘BS’ man, dapat kailangan sa story, hindi ‘yung basta na lang maisipan, This is the part where you should consider the feelings of your readers. Hindi uubra ‘yung unang meeting pa lang ng dalawang bida, magki-kiss na or worse, may intimate scene na. Your readers will feel betrayed if you do that. Now, if you really want to have it in the first page, pangatawanan mo. Dapat may justification.

The Girl From The Coffee Shop 2 Chapter 6

SABI ni Pam, kabaliwan na raw talagaang ginagawa ko. Ang pagpayag ko sa Baguio getaway, sa pagpayag ko sa lahat ng bagay. Sabi ko naman, siguro nga, nababaliw na ‘ko dahil hindi naman ako talagang ganito, hindi ako basta pumapayag sa mga bagay na hindi ko gusto, hindi ako napipilit na gawin ang mga bagay na ayoko. Pero heto ako, parang utu-uto at parang tanga na tinatanggap lang ang lahat.

“Dahil ano, mahal mo si Benjamin?” tanong ni Pam sa kanya nang umagang maaga siyang dumating sa The Forum. Routine na ni Maya ang dumaan sa coffee shop sa tuwing pumupunta siya roon, para makausap si Pam, para hingahan ito ng anumang sama ng loob. “Maya, sigurado ka bang mahal mo ‘yung tao o dala lang ‘yan ng konsensiya mo dahil sa nagawa mong kasalanan noon?”

Monday, June 17, 2019

Perks of Dating a Writer

1. Ang mga writers, sanay maghintay. Kahit hindi mo sabihin na maghintay sila na mahalin, automatic na ‘yon. Hihintayin ka nila hanggang sa dulo.

2. They are passionate. Kapag sila, nagmahal, tagos hanggang puso at minsan hanggang bone marrow pa. At kung suswertehin, sobra silang passionate to the point na mao-obsessed na sila sa ‘yo. Sarap, diba? Lol

3. Sa bahay lang, sapat na. Dahil madalas ay sa bahay lang sila nagsusulat, nagri-research at nagpo-procrastinate (oo, kasama ‘yan), hindi mo kailangang mag-worry kung nakasakay ba sila o nakauwi na ba o may nakilala bang iba sa hintayan ng jeep. At higit a lahat, tipid. Dahil hindi mo kailangang masyadong mag-effort bumiyahe para lang mapasaya siya. Dalawin mo lang sa bahay, dala ka food, solve na.

Sunday, June 16, 2019

Dating a Writer Starter Pack


1. Books. Sa halip na bulaklak o chocolates o kung anu-ano, regaluhan mo siya ng libro. Plus points ‘yon, bes.

2. Love letter/love notes. ‘Yung handwritten. Jusko, daig pa nito ang isang expensive dinner reservation sa isang 5-star restaurant.

3. Pasensiya. Mahabang-mahabang pasensiya, kasing-haba ng Nile River Lalo na kapag may mga moments na para siyang nag-zoom out sa earth. Pasensiya lang. Nag-iisip lang ‘yan ng magandang paraan kung paano patayin ‘yung bida niya sa nobela.

The Girl From The Coffee Shop 2 Chapter 5

HINDI ko alam kung paano ako napapayag ni Benjamin na sumama sa Baguio nang weekend na ‘yon. Pero alam ko namang hindi madali sa kanya ang humanap ng panahon katulad ng gano’n sa sobrang dami ng trabaho at ginagawa niya sa buhay at sa sitwasyon naming alam ng lahat na napakahirap. Dapat siguro magpasalamat na lang ako. At wala naman akong nakikitang mali doon. 

Medyo tanghali na nang makarating sila sa Baguio, at doon sila tumuloy sa vacation home ni Benjamin, hindi malayo sa bahay ng Daddy nito na pinuntahan nila noon. Bungalow ito ngunit napakaganda ng view sa likod ng bahay. Hindi ko maipaliwanag ang mararamdaman. Minsan, hindi ko pa rin maintindihan kung bakit hanggang ngayon ay mahal pa rin ako ni Benjamin. Na sa dinami-rami ng mga babae na hamak na mas maganda, mas mayaman, mas successful at alam kong mas deserving kaysa sa akin, ay bakit ako pa rin ang pinili niyang mahalin. Minsan, pabiro kong itinanong ‘yon sa kanya at ang nakuha kong sagot - 

Saturday, June 15, 2019

Writer Starter Pack

1. Laptop/pc/cellphone. Basta may MS word/WPS o kung anumang app na p’wedeng sulatan.
2. Papel, lapis. Para kahit on the go at kahit walang kuryente, p’wede pa rin magsulat.
3. External hard drive. Para sa mga ideas at drafts na walang katapusan. Lol
4. Kape. Pampagising. Tsaka cool kasi tingnan ‘yung nagsusulat habang nagkakape.
5. Internet. Pang-research, siyempre.

Friday, June 14, 2019

The Girl From The Coffee Shop 2 Chapter 4

NAMATAAN ni Maya si Benjamin sa kanilang opisina na may kausap na isang lalaki sa di kalayuan. Habang nagta-trabaho ay tinitingnan niya ito, hinihintay kung titingin sa direksyon niya. Imposible naman na hindi nito alam na naroon siya dahil wala pa sa limang katao ang naroon sa mga oras na ‘yon.  

“Miss Maya?”

Saglit niyang tiningnan si Jenny na may hawak na bouquet of red roses, at muling tiningnan si Benjamin. Eksaktong isang linggo na ang nakakaraan nang halos magmakaawa ito na mahalin siyang muli. Pero simula noon ay hindi na siya nito kinausap, nilapitan, o kahit tiningnan. 

Sa totoo lang, inaasahan ko na bibisitahin niya ako sa apartment o tatawagan man lang pero kahit na isang simpleng text message ay wala. Gusto ko na nga lang isipin na hallucination lang ang lahat ng narinig ko para wala na ‘kong isipin. Hindi ko na alam kung anong gagawin, kung tama bang ako ang gumawa ng first move at lumapit sa kanya.

Thursday, June 13, 2019

The Girl From The Coffee Shop 2 Chapter 3

AT kung nalaman lang ni Benjamin na makikita niya si Maya sa opening ng furniture shop ni Jeff,  hindi na sana siya nagpunta pa. Pero hindi naman niya ma-hindi-an ang pinsan dahil matagal na nitong pangarap na magkaroon ng sariling furniture business. Matagal nang pinangangasiwaan ni Jeffrey ang negosyo ng pamilya nito sa California at matagal na nitong gustong makabalik sa Pilipinas para makapagpatayo ng sariling negosyo.

Agad na namataan ni Benjamin si Maya sa di kalayuan habang nakikipag-usap into kay Jeffrey sa harap ng sariling watercolor painting nito na nakasabit sa dingding.

Isang simpleng itim na denim dress na hanggang tuhod ang suot nito na binagayan ng malapad na puting sinturon at puting high heeled shoes. Napakaganda nitong pagmasdan nang nakatayo lamang roon habang tumatawa at nakikipagkuwentuhan sa mga kaibigan. Gusto na lang umuwi ni Benjamin nang mga oras na iyon, lalo na nang may makita siyang isang pamilyar na mukha – si Emman, na matagal nang malapit na kaibigan ni Maya – at hindi niya inaasahan na magkaibigan pa rin ang mga ito hanggang ngayon. Ang totoo ay hindi niya alam kung magkaibigan lang ang mga ito ngayon.

Wednesday, June 12, 2019

Mga Tanong na Kailangang Sagutin Habang Isinusulat ang Nobela Mo: Sino, Ano, Saan, Kailan at Bakit

Sino
Self-explanatory na ito, bes. Sino ang mga bida sa nobela mo? P’wedeng isa, dalawa o marami, depende sa plot mo. Malinaw dapat kung kanino umiikot o iikot ang kuwento.

Ano
Ano ang goal ng bida? Tungkol saan ang kuwento? Ano ang mangyayari sa bida? Ano ang kailangan niyang gawin para ma-achieve niya ang dapat niyang ma-achieve?

The Girl From The Coffee Shop 2 Chapter 2

“S-SINO?” gulat na tanong ni Maya kay Jenny nang sabihin nito ang balitang biglang pagbabalik ng Presidente ng kumpanya. Ayaw man niyang isipin ay tiyak na si Benjamin ang tinutukoy nito. Bigla tuloy siyang nanlamig at pakiramdam niya ay lalabas lahat ng kinain niyang almusal.

“Si Engr. Contreras. Sabi ni Greg, kadarating lang raw kanina. Actually, sa mga magazines ko pa lang siya nakikita pero ang dinig ko, sobrang guwapo raw, Miss Maya,” masayang balita ni Jenny sa kanya. “Kilala mo ba siya?”

Popular Posts