Saturday, July 6, 2019

Writer's Block: Bakit Nga Ba?

Oh, sige na. Wala raw writer’s block pero minsan talaga, darating sa buhay ng isang writer na bigla na lang maba-blangko ang utak, na kahit ano’ng gawin ay waley pa rin. Bakit nga ba?

1. Kahit sa pagsusulat, dapat may right timing. At kumbaga sa pagluluto, kailangan mo munang ihanda ang ideas mo - ayusin ang mga ingredients, painitin ang kalan at pakuluin ang dapat pakuluin bago mo isulat. Kapag isinulat mo kasi agad ‘yan nang hindi pa handa, mahihilaw. Hindi masarap ang lasa. Pero minsan, sa kahihintay natin ng 'right timing', hindi na tayo nakakapagsulat. Parang love, hintay ka nang hintay nang Mr. Right, hindi mo na napapansin na nariyan na pala si Mr. Right for you. Cheret.

The Girl From The Coffee Shop 3 Prologue + Chapter 1

PROLOGUE

HAPPY ending. ‘Yan rin ang kinahinatnan ng love story nina Maya at Benjamin pagkatapos ng lahat ng mga nangyari. Happy ending. At ngayong nakabalik na sila sa Manila, balik trabaho at balik realidad na uli.

Naging masalimuot ang mga nakaraang buwan noong nakaraang taon para sa buhay ni Maya. Noong nakaraang taon, napagdesisyunan niyang bumalik sa The Forum at magtrabaho bilang isang freelance interior designer sa Contreras-Contreras Architectural Firm. Noong nakaraang taon, muli niyang nakaharap si Engineer Benjamin Contreras III at noong nakaraang taon, naramdaman niya ang iba’t-ibang emosyon na lalo lamang nagpatibay ng pag-ibig niya para sa binata. 

Akala ko talaga, tapos na ang lahat sa amin. Sobra ko siyang nasaktan nang umalis ako nang walang paalam at nang muli kaming nagkita, sinigurado niyang mararamdaman ko rin ang sakit na pinadama ko sa kanya. At oo, naramdaman ko ‘yon at mas higit pa. Pero tinanggap ko lahat ‘yon dahil alam ko na tama lang naman sa akin iyon. At kung kailan sinukuan ko na ang pag-asa na mapapatawad ako ni Benjamin, ay parang nagmilagro ang langit at muli niya akong minahal.

Ano nga ba ang nangyari?

What' You've Missed