Tuesday, May 26, 2020

List of Don’ts for Writers

1. Don’t follow every writing tip you’ve read. Iba-iba ang writer at hindi lahat ng tip ay makakatulong sa iyo. Tips are merely suggestions. Pumili ka lang ng method na angkop sa iyo bilang writer at mag-stick ka do’n. Okay lang magbasa nang magbasa ng writing tips pero real talk, hindi ka naman gagaling sa pagsusulat kung puro basa lang ng tips ang gagawin mo. Siyempre dapat, magsulat ka rin. Haha.

2. Don’t ask help from a published writer to get ‘connection’ ALL THE TIME. Asking for editing, proofreading, critique, recommendations, how to get published, requirements, etc. is okay but know your limitations. Also, huwag 'user friendly'. 'Yung kunwari, kakaibiganin, icha-chat pero ang ending pala ay gusto lang magkaroon ng 'connection' para mas madaling ma-publish.

3. Don’t focus your writing on what’s ‘in’. Ang uso ngayon, p’wedeng hindi na uso bukas at bihirang-bihira sa isang trend ang nagtatagal. Huwag magsulat para lang maki-uso lalo na kung wala talaga doon ang puso mo.

4. Don’t aim for a series - yet. Lalo na kung first time mo pa lang magsulat. Isang nobela pa nga lang, hirap ka nang mabuo, series pa kaya? Focus muna sa isa, bes. Mararamdaman mo naman ‘yan kung handa ka nang magsulat ng series o hindi pa.

5. Don’t talk or share too much about your next project. Sakit ng karamihan sa atin ang mag-share ng excerpts o ideas about our manuscript. Wala namang masama ro’n pero minsan kasi, naji-jinx. Haha. Pero siyempre, iba-iba naman ang mga writers. May mga writers na gusto agad malaman ang reactions ng mga readers sa sinusulat niya para mas maging inspired pero mayroon rin na kapag nai-share na ang excerpt ng MS nila, nawawalan na ng gana. Do whatever fits you, ika nga.

6. Don’t research too much. Minsan, sa kaka-research natin, wala na tayong nasimulan. Researching is vital but make sure to do it together with writing. Baka makalimutan mo na writer ka nga pala at hindi researcher.

~~

Monday, May 25, 2020

Words I Couldn't Say Yet (Chapter 1)

SAENG-IL chuka hamnida, saeng-il chuka hamnida...saranghaneun, Teacher Allison, saeng-il chuka hamnida!”

Nagulat si Allison nang makita sa kanyang harapan si Lance, hawak ang isang maliit na chocolate cake na may nakatusok na mahabang kandila sa gitna. Maganda ang pagkakangiti nito na lalong nagpaliit sa maganda nitong mga mata. Tuwang-tuwa pa itong kumanta na para bang ito ang may kaarawan. Pauwi na siya noon at nasa lobby na ng TOP Language Institute nang sumulpot sa harap niya si Lance, dala ang cake. Kasing pula na ng pisngi niya ang suot niyang blouse dahil alam niyang nasa kanila ang lahat ng mga mata ng naroon, mapa-estudyante man o guro.

“Make a wish and blow the candle, Teacher!”

Ilang sandali pa siyang natulala bago nagawang hipan ang kandila. Naupo si Lance sa mahabang upuan na gawa sa kahoy, inilapag ang cake sa pagitan nila at inabot sa kanya ang apat na makakapal na libro’ng nakatali ng kulay pulang ribbon.

“Here,” nakangiti nitong sabi. “For your cooking.”

Tiningnan ni Allison ang mga libro na pawang mga cookbooks – Korean Dishes for the Soul, Healthy Kimchi Recipes, Basic Korean Cooking, Korean Food in a Nutshell. Alam ni Lance na hilig niya ang pagluluto at nag-volunteer pa nga ito na turuan siya ng mga Korean dishes para sa balak niyang itayong restaurant balang-araw. Ang totoo, hindi alam ni Allison kung matatawa siya, matutuwa o maaawa sa kaharap. Gusto niyang maluha dahil talagang na-touch siya sa ginawang iyon ng estudyante pero paano niya sasabihin rito na hindi naman niya talaga kaarawan? Pumasok siya kaninang umaga na suot ang bagong bili niyang blouse na kulay pula at nang nakita iyon ni Lance, tinanong agad siya kung birthday ba niya nang araw na iyon. Umo-oo siya kahit pa hindi, dahil gustung-gusto niya itong inaasar. Hindi naman niya inaasahan na seseryosohin iyon ni Lance. Hindi raw ito pumasok sa huling klase para bilhin ang cake at mga libro at ngayon, hindi na niya mabawi ang biro dahil hiyang-hiya na siya rito.

Hindi si Lance ang una niyang estudyante pero ito ang unang lalaki na nakapukaw ng kanyang interes. Guwapo ito, matangkad, magandang magdala ng damit at simula nang tumapak ito sa TOP Language Institute ay binansagan na agad itong ‘eye candy’. Pero tahimik ito, suplado at hindi palakaibigan. Kaya naman nang maging estudyante niya ito at naging malapit sila sa isa’t-isa ay hindi naiwasan ang usap-usapan na may namamagitan sa kanilang dalawa.

Ngayon, mahigit limang buwan na rin niyang estudyante si Lance at sa buong panahon ng pagiging part-time ESL tutor doon ay si Lance ang naging pinakamalapit niyang Korean student. Dahil na rin siguro sa pareho silang beinte-uno ay marami silang bagay na napagkakasunduan. Bukod sa mabait ito, masarap rin itong kasama at parati itong nakapagpapangiti sa kanya. Aminin man niya o hindi, si Lance na lang ang dahilan niya para manatili sa Language Institute na pinagtuturuan dahil habang tumatagal ay hindi niya nagugustuhan ang pamumulitika ng mga kasamahan niya roon. Naroong may naririnig siyang paborito raw siya ng mga lalaking estudyante, na nakikipagmabutihan raw siya sa ilan sa mga ito. Kasalanan ba niyang madali siyang makagaanan ng loob ng mga iyon? Kasalanan ba niya kung natutuwa ang mga ito sa paraan ng pagtuturo niya?

Mabuti na lang, parating nariyan si Lance para palakasin ang kanyang loob. Minsan nga, hindi niya maiwasang isipin na baka higit pa sa pagiging kaibigan ang tingin nito sa kanya – dahil masyado itong mabait, masyadong maalaga. Pero sigurado naman siyang hindi siya ang tipo nitong babae dahil hindi naman siya matangkad, hindi naman siya mestiza at lalong hindi siya kasingganda ng mga naikuwento nito sa kanya na naging girlfriends nito.

Simple lang si Allison kumpara sa mga madalas na makitang kasa-kasama ni Lance. Oo nga’t maraming nagpapahiwatig ng paghanga, wala naman sa mga iyon ang nagpapahayag ng pagkagusto man lang sa kanya. Madalas ngang sabihin sa kanya ng mga kaibigan, kasalanan rin naman niya dahil para siyang may inilagay na invisible wall sa pagitan niya at ng mga lalaki kaya walang nangangahas na lumapit. Maganda rin naman siya, may appeal rin naman, pero hindi lang talaga siya mahilig mag-ayos. Parating nakapusod ang mahaba niyang tuwid na buhok at effort na sa kanya ‘yung mag-lipstick at kung hindi nga lang kailangan sa trabaho ay hindi siya mag-aabalang mag-makeup. Hindi rin siya mahilig sa mga magagandang damit at sapatos at sapat na sa kanya ang simple’ng T-shirt at pantalon. Iyon ba ang sinasabi nilang ‘invisible wall’? Dahil kung iyon nga, wala na siyang balak na buwagin pa iyon. Pero kung si Lance ang dahilan, titibagin niya ang pader na iyon, agad-agad!
Natawa siya sa naisip. Napaka-imposible naman yata na magkagusto ang isang tulad ni Lance sa isang tulad niya. She’s simply way out of his league. Ang tipo ni Lance ay ‘yung mga napapanood niya sa mga Koreanobela – matangkad, maputi, matipuno, simpatiko. Kung baga, pang lead character ang dating. At siya lang naman ang tipo’ng pang-extra lang, ‘yung pamparami ng crowd, ‘yung dumadaan sa likod ng mga bida sa eksena.

~~

GOOD afternoon, Teacher! Bogoshipo!”

Naupo si Lance sa upuan sa harap niya at tinanggal ang suot na itim na sunvisor. Kinuha nito ang kanilang Basic English book, ang electronic dictionary at ang kulay asul nitong notebook at inilagay ang mga iyon sa ibabaw ng kuwadrado nilang mesa at saka maingat na inilagay ang malaking asul na backpack sa ilalim nito. Mataman lang itong nakatingin sa kanya habang hawak ang electronic dictionary.

“What happened, Teacher?” nakangiti nitong tanong.

“Why?” Kumunot rin ang noo ni Allison at umayos ng upo. Bilang maliit lamang ang man-to-man room nila, ilang pulgada lang ang pagitan nila at hindi maiwasan ang manaka-nakang pagdaiti ng kanilang siko. Ramdam rin niya ang init na nagmumula sa katawan ng binata kahit pa nga malakas ang air conditioner ng kuwarto.

“You look...” binuksan nito ang e-dictionary at may pinindut-pindot roon. Kumunot saglit ang noo nito bago ngumiti. “Eye-catching?” sabi nito pero umiling itong muli. “Striking...no, no.”

Lihim na napangiti si Allison at naramdaman ang pag-init ng mukha. Hindi niya inaasahan na mapapansin nito ang kaunting pagbabagong ginawa niya nang araw na iyon. Pinagupitan kasi niya ng hanggang balikat ang dating hanggang likod na buhok at sa halip na ipusod ay hinayaan niya iyong nakalugay. Naglagay rin siya ng kaunting foundation at lipstick sa kauna-unahang pagkakataon. Hinintay niya si Lance na mahanap ang salitang angkop sa gusto nitong sabihin habang pinipigilan ang sariling kiligin. Sa wakas ay ngumiti ito at inilapag sa harap niya ang e-dictionary, kasabay ng pag-ayos rin ng sarili nitong upuan para tumabi nang kaunti sa kanya.

“Glowing, Teacher. You’re glowing.”

Lalong namula si Allison sa narinig pero hindi niya pinahalata na kinilig siya sa sinabi nito. “Thank you for the compliment but we’re still going to have the exam, Lance.” Umiiling-iling niyang ibinalik ang dictionary sa binata at bahagyang inilayo ang upuan rito.

“Yeah, I know,” natatawa nitong sabi. “But why very beautiful today, Teacher? Because of boyfriend?”

“I have no boyfriend,” iiling-iling niyang tugon. Ibinigay niya kay Lance ang papel na naglalaman ng examination na ginawa niya kagabi. Ipinaliwanag niya ang mga dapat gawin pero parang wala itong anumang naiintindihan dahil nanatili lang itong nakatitig sa kanya.

“Why no boyfriend, Teacher?”

“Why are you asking?” Nanlaki ang mga mata niya sa tanong na iyon. Aba, siya rin hindi niya alam!

“Because...just curious!” nakangiti nitong sabi. Inilapag ni Lance ang papel sa mesa at muli siyang tinitigan na para bang siya na ang pinakamagandang babae’ng nakita nito. “Teacher very smart...very nice...always smiling...very beautiful! Why no boyfriend?”

Parang gusto nang tumalon ng puso ni Allison pero umiling lang siya at pinigil na mapangiti. Iniwasan rin niyang tumingin rito dahil natatakot siyang mabasa nito ang kanyang damdamin nang mga oras na iyon.

“Teacher, what do you like in a boyfriend?”

Sa simula ay umiling siya pero alam niyang hindi siya titigilan nito. Tumingala siya sa kisame at saka sumagot. “He must be nice…” simula niya. “…and fun to be with.”

“I am nice, I’m fun to be with, diba, Teacher? Can I be your boyfriend?”

Yes! “Why?” gulat niyang tanong.

“Because!” Yumuko ito at binuklat-buklat ang notebook tsaka muling humarap sa kanya. “Joahaeyo....Teacher,” ulit nito, mas mabagal at mas seryoso. “Really, joahaeyo...can I be your boyfriend?”

Sinasabi ni Lance na gusto siya nito kaya yumuko na lang siya para itago ang mas namula pang mga pisngi. “N-no. You are my student,” mariin niyang sabi na para bang mas kinukumbinsi ang sarili kaysa sa kausap.

“If you are not my teacher, can I be your boyfriend?” muli nitong tanong.

“Let’s start the exam, now, Lance,” sa halip ay sabi niya. Seryoso ang itsura ni Lance nang magtanong ito at kaunti na lang talaga ay mapapa-oo na siya.

Nagkibit-balikat na lang si Lance at hinarap na ang papel sa harap nito.

~~

NAKAHINGA nang maluwag si Allison nang hindi na muling binuksan pa ni Lance ang paksa tungkol sa kawalan niya ng nobyo. Bihira na rin itong magbiro sa klase nila dahil na rin siguro alam nito na may pinagdaraanan siya nitong mga nakaraang araw. Makailang beses na siyang lumiban sa pagtuturo dahil kailangan niyang alagaan ang Nanay niya na lumubha pa ang depresyong pinagdaraanan.

Simula nang pumanaw ang kanilang ama’ng seaman noong nasa high school pa lamang siya ay siya na lamang ang tanging inaasahan ng ina na tumulong tumaguyod sa kanilang pamilya. Simpleng maybahay lamang ang nanay niya at nang mamatay ang kanilang tatay ay gumuho ang mundo nito. Hindi nito nakayang tanggapin ang katotohanan na sila na lamang ng kapatid na si Abby sa mundo at kailangan nilang magtulungan para mabuhay. Hanggang sa hindi na rin nito kinaya ang hirap ng kalooban at sumuko na ang katawan nito sa sakit at depresyon.

Kaya naman kahit mahirap ay hindi siya sumuko sa pagtuturo, kasabay ng pagpa-part time niya sa fast food para maituloy ang kinukuhang crash course sa culinary arts kahit pa paunti-unti para lamang matupad ang pangarap para sa pamilya. Minana niya ang galing sa pagluluto sa ama kaya naman kahit hindi pa siya nakakatapos sa kursong HRM ay sinubukan na niyang magtrabaho sa iba’t-ibang restaurants at catering services kung saan nila kinukuha ang pang-araw-araw nilang gastusin.

Bogoshipo, Teacher! Good afternoon!”

Katulad ng dati, malaki ang ngiti ni Lance nang pumasok sa kuwarto. Isang pilit na ngiti ang itinugon niya, na agad namang napansin ni Lance. Sabado noon, wala dapat silang klase pero nag-request si Lance ng special class dahil hindi raw ito makakapasok sa Lunes na darating.

“Are you okay?”

Tumango siya. “Please sit down. Let’s start the class.”

Sumunod naman si Lance at naupo na. Pero sa halip na libro at notebook ang ilabas mula sa backpack ay laptop ang kinuha nito. Sa pagkagulat ay hindi na siya nakakibo at pinanood na lang niya ang pagaayos nito ng laptop at pagkabit ng earphones nito roon.

“What are you doing?” taka niyang tanong.

“Movie day today, Teacher.”

Magrereklamo pa sana si Allison pero naalala niya na matagal na nga pa nga pala silang hindi nakakapag-‘movie day’, na kasama sa syllabus ng Language Institute. Si Lance na ang nagtabi ng mga gamit niya bago nito iurong ang upuan para makatabi ito sa kanya. Walang anu-ano ay inilagay nito ang kanang earplug sa kanyang tainga. Napatingin tuloy siya rito, na kanina pa pala nakatitig sa kanya.

“Ready, Teacher?” bulong nito.

Marahan siyang tumango at hinayaan lang niya itong mas lumapit pa para hindi matanggal sa tainga nila ang pinagsasaluhang earphones.

Be still, my heart, sabi ni Allison sa sarili dahil pakiramdam niya ay mas malakas pa yata ang tibok ng puso niya kaysa sa tunog mula sa nakasalpak sa kanyang kanang tainga. Literal na magkadikit ang kanilang braso at kulang na lang ay akbayan siya nito para magmukha silang magkasintahan. Amoy na amoy niya ang paborito nitong pabango at ramdam niya ang paminsan-minsang paghugot nito ng hininga.

Isang oras at mahigit silang nanatiling ganoon, tahimik, magkatabi, halos magkadikit ang mga pisngi. Sa buong panonood ng Shrek ay pinigilan ni Allison na lingunin ito dahil sigurado siyang sa pisngi nito magla-landing ang mga labi niya. Pigil rin niya ang paghinga dahil pakiramdam niya ay unti-unti siyang nahihipnotismo ng amoy ng pabango ng binata. Gusto na sana niyang ihilig ang ulo sa malapad nitong balikat pero siyempre, hindi naman ‘yon maari.

“You liked it, Teacher?” tanong nito nang matapos ang pelikula.

Yes, I like you. “Y-yeah, it’s very nice,” nakangiti niyang sagot nang hindi ito nililingon. “I’ll be expecting your 500-word essay about the movie next week, understand?”

Yeh, yeh.” Tumangu-tango lang ito habang inaayos ang earphone. itinabi na nito ang laptop sa backpack pero nanatili ang upuan nito sa tabi niya kaya sa halip na makahinga nang maluwag ay lalo yatang nanikip ang dibdib niya. Ang lapit-lapit ng mukha nito sa kanya habang nagsasalita, na sa sobrang lapit ay halos makita na niya ang sariling repleksyon sa mga mata nito kaya hindi niya napigilang mapangiti.

“There, just always smile, Teacher. I like seeing you smile. Are you okay now?” may himig pag-aalala nitong tanong.

Muli siyang ngumiti. “I’m always okay.”

“No, not today. I know you’re not okay.” Sa wakas ay tumayo na ito at ibinalik ang upuan sa dati nitong puwesto. Tumingin ito sa suot na relo bago binuhat ang knapsack. “Hmm…Teacher, how about a real movie date?” nakangiting tanong ni Lance sabay kindat pa. “It’s my birthday next week, please, have a movie date with me.”

~~

Wednesday, May 20, 2020

Reasons Kung Bakit Bina-bash ang Writers

1. Sobrang sikat. Sabi nga, kapag hitik ang puno, binabato. May mga tao kasi talaga na puro inggit ang nasa katawan at hanggang bash na lang ang kayang gawin.

2. Ka-kompitensiya ng idol nila. Siyempre, ang fan ay fan at gagawin nila ang lahat para sa idol nila, kahit pa nga makapanakit ng iba.

3. Mahilig ring mam-bash ang writer ng kapwa writer. Siyempre, papayag ba naman ang ‘loyal’ readers na i-bash ang favorite writer nila?

4. War freak si writer. Kaunting masamang komento tungkol sa nobela, naka-angil agad.

Friday, May 15, 2020

Words I Couldn't Say Yet Teaser


“I’m not the type who’d just sit and cry over a broken heart. Call me crazy, a fool, a bully, I don’t care anymore. I will fight for my love, and you are my love. I will fight for you no matter what.”

Thursday, May 14, 2020

Ground Level (Ang Iba't-ibang Level ng Aking Makulay na Buhay Pag-ibig)

Bakit nga ba tayo nagmamahal kung ang hatid naman nito ay sakit na masahol pa sa pakiramdam ng pinutulan ng kamay at paa, gamit ang isang mapurol na kutsilyo at pagkatapos ay pipigaan ng kalamansi? Mas higit pa siguro do’n kung ang dahilan ay isang taong labis mong minahal, kapantay ang langit at mga bituin.

Kung gayon ay bakit tayo nagmamahal? At ang masaklap pa do’n ay ang mapipili mong mahalin ng lubos ay ‘yung mga taong hindi karapat-dapat mahalin o kaya ay ‘yung mga nilalang na imposibleng makaramdam ng pagmamahal sa ‘yo. Dalawang bagay lang ‘yan - masokista ka at ang ideya mo ng kaligayahan ay ang labis na pagdurusa, o tanga ka lang talagang pumili ng mamahalin.

Napagnilayan ko na ang bagay na ‘yan at aminado ako, doon ako nakakategorya sa tanga’ng pumili ng mamahalin. Kahit na madalas ay pakiramdam ko ay kulang na lang ay paghiwa-hiwalayin ang buo kong katawan, heto pa rin ako, walang kadala-dalang magmahal.

Saturday, May 9, 2020

On Writing a ‘Marketable’ Novel

KAPAG singer ka, pangarap mong mag-concert sa harap ng malaking audience. Kapag dancer ka, pangarap mong mag-backup sa isang sikat na performer. Kapag artist ka, magkaroon ng isang one-man show. At kapag writer ka, ang maka-publish ng libro'ng tatatak sa maraming mambabasa. Gano'n siguro talaga. Lahat naman, diba? So, paano nga ba sumulat ng isang nobela’ng bebenta?

1. Alamin ang pagkakaiba ng traditional publishing sa self-publishing. Traditional publishing vs. Self-publishing. Traditional ‘yung mga kilalang pubhouses. Magsa-submit ka ng MS, hintay ng result, ganyan. Sila ang bahala sa lahat - cover, format, design, marketing. Sa self-publishing naman, mas may control ka - sa design, sa format, sa lahat, pati sa marketing, copyright, royalty, sa iyo. Do your research to know more about the two bago magdesisyon.

Wednesday, May 6, 2020

To Flashback Or Not To Flashback?

Lahat ba ng story, kailangan ng flashback? Hindi. May mga nobela na mas maganda kung walang flashback at mayroon namang hinihingi ng pagkakataon. Flashback can make or break your novel kaya dapat, maging maingat sa paggamit nito.

1. Right timing. Huwag basta-basta maglalagay ng flashback. Maghintay ng tamang moment, ika nga. Siguruhin na may detalye na at impormasyon tungkol sa bida bago mag-flashback. I-tease muna ang readers, pasabikin muna sila, ‘yung tipong magmamakaawa silang malaman kung ano nga ba ang backstory ng bida.

Monday, May 4, 2020

On Novel Template

Maraming beses ko nang nasubukang magsulat ng nobela na walang outline. 'Yung tipong kung saan mapadpad, kung ano ang mangyari, bahala na si Batman at minsan, nakaka-frustrate. It worked for me and it could work for others but it's not advisable especially if your goal is to write for a living.

So, here's something I've read somewhere (Becoming a Better Writer yata ang pamagat, di ko na maalala), na sinusubukan kong isabuhay sa mga bago kong isinusulat na manuscript, na sana makatulong sa mga tulad kong nagkikikahos na manunulat:

Sunday, May 3, 2020

On Antagonist

Pansin ko sa mga antagonists sa mga teleserye sa Pinas, masyadong stereotyped - sigaw nang sigaw, puro paghihiganti na lang. ‘Yung maiinis ka lang talaga dahil nakakainis talaga dahil madalas, iisa lang ang personalidad nila. Bihira akong makapanood ng tipong kahit kontrabida, mamahalin mo pa rin.

1. Hindi naman porque kontrabida, dapat kasusuklaman na at puro negative traits na lang. Remember, hindi magiging bida ang bida kung walang kontrabida kaya dapat kung gaano mo pinag-aksayahan ng panahong buuin ang bida mo, dapat gano’n rin sa kontrabida.

Saturday, May 2, 2020

Password to your Heart - CHAPTER 4

Chapter One


3nd week of March, 2013

MAKULIMLIM ang langit na para bang nakikiramay kay Celine. Alam niyang kailangan niyang lumabas ng bahay, kailangan niya ng sariwang hangin. Pero halos dalawang buwan na niyang ikinukulong ang kanyang sarili sa loob ng bahay at ang kaya lang niyang gawin ay ang sumilip sa malaki niyang bintana at tingnan mula roon ang magandang tanawin sa labas.

Being in a relationship, Celine has come to realize, is far from her expectations. It wasn’t fullfiling; it wasn’t something that could inspire her to be better. Well, not for her at least. Kung meron man siyang ipinagpapasalamat sa mga oras na iyon, iyon ay ang desisyon niyang hindi madaliin ang mga bagay-bagay.

Thursday, April 30, 2020

On Using Romance Novel Plot Generator Website

The concept of the story below was actually made by a certain romance novel plot generator website. Not entirely though. Fill in the blanks siya, it'll just help you come up with a plot for your novel. Genius, eh?

So ayun, sinubukan ko siya. Actually, I've tried a few pero pare-pareho lang naman ang ino-offer nila at karamihan ay nonsense haha. This certain site kung saan na-generate 'yung pinost ko na That Moonless Summer Night was actually good as long as malawak ang imagination mo para mas ma-develop ang plot. Ang downside, 'yung ibang parts, inuulit-ulit lang. Iniiba lang ang names, characterization, location, jobs at conflict. Fill in the blanks lang talaga kaya hindi malayong may makapareho ang magiging story mo lalo na kung magde-depend ka lang sa plot generator.

Though the plot was generated, marami akong idinagdag at binago, bukod sa tinraslate ko siya sa Tagalog kaya guilt-free pa rin kahit paano. At sa akin galing ang title, so I can still use it in my next project. 

Monday, April 27, 2020

Advantage and Disadvantages of Being a Writer

1. Advantage: You get paid for what you love doing. Though hindi kalakihan, masarap pa rin sa pakiramdam ‘yung napagkakakitaan mo ‘yung passion mo haha.

Disadvantage: Most of the time, lalo na kapag bago pa lang, you don’t really get anything from writing, especially in novel writing. Magsusulat ka para mag-ipon muna ng kaalaman at lakas ng loob. Bubuo ka muna ng ‘portfolio’ at magagawa mo lang ito kung magsusulat ka nang magsusulat at ipapabasa sa iba nang libre.


2. Advantage: Wala nang mas sasarap pa sa high na nararamdaman mo sa tuwing may naa-approve na manuscript. Ibig lang sabihin, malaki ang potensiyal mo na maging tulad ng isa sa mga hinahangaan mong manunulat.

Disadvantage: Rejection. Dahil hindi naman parating maa-approve ng pubhouse ang nobela natin. Masakit, siyempre. Pinaghirapan mo, eh. Pinagpuyatan. Tapos, ibabasura lang. Cheret.

Sunday, April 26, 2020

Old Plot, New Twist

Kakaunti pa lang naman ang naisusulat natin pero bakit feeling natin parang naisulat na natin lahat? Kaya sobrang nakakahanga ‘yung mga beterano’ng writers na patuloy pa ring nagsusulat at hindi nawawalan ng mga ideya.

Mahirap kumawala sa cliche story dahil halos imposible nang makabasa ng unique plot sa ngayon. Ang p’wede lang siguro nating gawin bilang mga manunulat ay maging creative to make cliche work for our advantage.

Kung mayroon kang cliche na idea o character, mag-isip ka ng paraan kung paano magiging ‘kakaiba’.

Wednesday, April 22, 2020

Password to your Heart - CHAPTER 3


The Verdict

PRESENT, December 20, 2008

HI.”

Ngingiti ba siya? Tama ba na ngumiti siya?

Tumayo si Evan mula sa pagkakaupo at hinintay na makalapit si Celine. She was wearing something formal that night, a very simple black dress, which was paired with black high-heels. He just looked at her as she comes closer.

“Hi, it’s been a long time.”

“Yeah,” sagot ni Celine. Too long, in fact. Naupo siya at hinintay lang ang susunod na sasabihin ng binata. Iba-iba ang nararamdaman ni Celine nang mga oras na iyon – excitement, fear, apprehension, disappointment. Yes, she’s feeling a whole lot of feelings at that certain moment. It has been two years. Two goddamn years! It was like she’s waiting for a death sentence.

“How have you been?”

“Good.” What else should she say? Na halos gabi-gabi siyang hindi makatulog, na bawat minuto niya itong iniisip at walang araw na hindi niya pinalangin na sana ay hindi na lang niya sinabi ang mga nasabi niya sa e-mail sa binata.

“You look great.”

Tuesday, April 21, 2020

"ML o Ako?"

Hi po Miss Cee, alam ko medyo mababaw itong problema ko pero po kasi, simula nung maglockdown, syempre hindi na kami nagkikita ng boyfriend ko. Hanggang chat na lang po kami at videocall. Gusto ko po kasi sana, lagi kaming magchat kaya lagi kami nag-aaway kasi lagi siyang busy sa ML. Yun po lagi ang dahilan ng tampuhan namin kaya minsan parang gusto ko na lang makipag-break pero hindi ko po kaya kasi mahal na mahal ko po siya. Naiinis lang talaga ako lagi parang hindi niya ako priority. Pakiramdam ko po kasi mas importante po sa kanya ang game kesa sakin. Ano po gagawin ko? ~ Sarah

Sarah,

Marami yatang may ganyang problema ngayon, ano? Though sa simula, you'd think na oo nga, medyo mababaw pero if you 'really' think about it, may point kung bakit ka namomroblema. Because you should know your priorities when you are in a relationship. Okay lang naman na maglaro o mag-enjoy sa hobbies pero siyempre dapat, in moderation at dapat hindi nakaka-interfere sa quality of life at love life.

Monday, April 20, 2020

Writer’s Block pt. 2

Paano kung talagang hindi ka makapagsulat? ‘Yung kahit anong pilit mo, walang lumalabas na ideya? Hindi ka naman tinatamad dahil gustung-gusto mo na talagang magsulat pero sadyang may kung ano’ng humahadlang sa ‘yo para gawin ‘yon. That’s what we call writer’s block - some call it laziness or an excuse but whatever term we use for it, it’s real. It’s there, just waiting to devour you.

1. Tanggapin mo na hindi ka makapagsulat. Acceptance lang talaga minsan. Parang breakup. Hindi ka tuluyang makaka-move on kung hindi mo pa natatanggap na wala na talagang kayo.

Sunday, April 19, 2020

Password to your Heart - CHAPTER 2


Must be LOVE

Evan (8/26/2004 2:03:19 PM): Hi there!
Celine (8/26/2004 2:03:21 PM): Hi, sir.
Evan (8/26/2004 2:10:57 PM): You’ve got webcam?

Saglit muna siyang nag-isip. Oo, meron s’yang webcam pero ayaw niyang ipaalam sa boss niya na meron. Ayaw niyang magpakita rito dahil ayaw niyang makita nito na namimilipit siya sa sobrang kilig sa tuwing kausap niya ito.

Celine (8/26/2004 2:11:24 PM): Yes but I don’t think it’s working perfectly.
Evan (8/26/2004 2:11:28 PM): I see. I just bought a new one this morning. I want to try it. Wait...

O EM GEE.

Evan (8/26/2004 2:11:48 PM): You see it?

O EM GEE ulet.

Friday, April 17, 2020

'My Ex's Ex'

Hi ate I saw your post about giving about love problem and after reading your post. I'll try to asked you something. Sana matulongan niyo ako sa ibibigay niyong advise ito kasi. Alam nilang lahat na nakipaghiwalay na ako sa Ex ko tapos sinasabi ko sa kanila na masaya ako at maayos na naka-move on na pero ang totoo po kasi inisip ko pa rin siya gabi-gabi kahit mali na tapos naghahangad pa ako na contact-in niya ako ulit. Paano ko po ba siya kalimutan like yun hindi na nakalaan sa kanya utak ko at puso for real. Actually ate kaya po bawal na kami at nakipaghiwalay ako kasi nakabuntis siya ng ibang girl which is yun Ex niya po.

~ Ann

Thursday, April 16, 2020

Password to your Heart - CHAPTER 1

His Name is Evan

December 16, 2008

ILANG minuto nang nakatitig si Celine sa harap ng monitor ng kanyang laptop. Ilang ulit siyang nag-refresh at ilang ulit binasa ang laman ng Facebook private message na ‘yon.

I’ll be in Manila next week. Just for a few days. Hope we can have dinner.

Hindi niya napigilang kiligin dahil kung may isang mensahe siyang inaabang-abangan, iyon ay ang tinitingnan niya ngayon. She could feel her face become warm and she just had to cover her mouth when she gave out a loud giggle.

Wednesday, April 8, 2020

Password to your Heart TEASER

"I’ll wait for your heart to mend...no matter how long it takes..."

Falling in love with your boss is definitely not a good idea. Especially if your boss has that kind of appeal that could make all the girls go crazy. Idagdag pa ang masakit na katotohanan na sa internet lang umiikot ang inyong mundo. Pero hindi iyon naiwasan ni Celine. She fell for Evan the first time she laid her eyes on him – on his photograph, that is.

And just as she expected, having Evan as a boss is dangerous to the heart. There were times when she just wanted to stay away from her laptop and forget about him altogether. Because she knew right from the start that falling for someone like Evan would just break her heart.

Ito ay kwento ni Celine, isang dakilang web content writer na na-inlove sa isang American businessman-slash-professional blogger-slash-traveler-slash-drop-dead-gorgeous-heartbreaker.

May kahahantungan nga ba ang kanyang mala-rollercoaster ‘online love affair’ sa isang tulad ni Evan?

~

Password to your Heart – An Online Love Story
Copyright 2020 © by Cecilia Cordero-Raymundo
First published online on Tagalog Online Pocketbook



What' You've Missed