Monday, April 27, 2020

Advantage and Disadvantages of Being a Writer

1. Advantage: You get paid for what you love doing. Though hindi kalakihan, masarap pa rin sa pakiramdam ‘yung napagkakakitaan mo ‘yung passion mo haha.

Disadvantage: Most of the time, lalo na kapag bago pa lang, you don’t really get anything from writing, especially in novel writing. Magsusulat ka para mag-ipon muna ng kaalaman at lakas ng loob. Bubuo ka muna ng ‘portfolio’ at magagawa mo lang ito kung magsusulat ka nang magsusulat at ipapabasa sa iba nang libre.


2. Advantage: Wala nang mas sasarap pa sa high na nararamdaman mo sa tuwing may naa-approve na manuscript. Ibig lang sabihin, malaki ang potensiyal mo na maging tulad ng isa sa mga hinahangaan mong manunulat.

Disadvantage: Rejection. Dahil hindi naman parating maa-approve ng pubhouse ang nobela natin. Masakit, siyempre. Pinaghirapan mo, eh. Pinagpuyatan. Tapos, ibabasura lang. Cheret.


3. Advantage: ‘Yung makahilera ng libro mo ang mga libro ng mga hinahangaan mo. Heaven rin ‘yung feeling na makita mo ‘yung pinaghirapan mong nobela na naka-display sa bookselves ng bookstores!

Disadvantage: ‘Yung expectation na soon, makikita mo rin ang libro mo na kahanay ng mga librong isinulat ng mga hinahangaan mo. Hindi naman masamang mangarap, pero masakit ang mag-expect. Haha.


4. Advantage: Marami kang napapasayang tao dahil lang sa mga nobela mo. ‘Yung kahit hindi ka nila kilala sa personal, sobra ang pagmamahal nila sa’yo - and that’s just because you do what you love best.

Disadvantage: Bilang na bilang sa darili ang nakakabasa ng gawa mo. Kahit sa tingin mo, maganda, sabi ng kaibigan mo, mahusay ka, sabi ng nanay mo, ikaw ang pinakamagaling. Pero ayun nga, puro mag kakilala mo lang at mga mahal mo sa buhay ang talagang nakakabasa at nakaka-appreciate ng nobela mo. Well, not bad, right? At least, may support!


5. Advantage: Fan messages. Mapapatunayan mong nasa tamang landas ka sa tuwing makakatanggap ka ng mga messages mula sa mga readers mo para sabihin kung gaano nila nagustuhan ang nobela mo, kung paano mo sila pinaiyak, pinakilig at pinagalit. Ito na siguro ‘yung pinakamagandang reward bilang isang writer.

Disadvantage: Hate messages. Bash dito, bash doon. Because you cannot please everybody. May masasabi at masasabi sila sa gawa mo, at sa iyo. Madaling sabihin na huwag pansinin pero siyempre, masakit pa rin.


6. Advantage: ‘Yung maraming susuporta sa’yo sa mga book signings at meetups. Picture-picture, autograph. Finally meeting your readers and making new friends.

Disadvantage: 'Yung magbo-book signing ka o meet-up pero lima lang ang pupunta. At kasama ka na doon, ha. Bad trip.


7. Advantage: Endless possibilities - sa pagsusulat. Kahit ano, p’wede mong isulat. Kahit ano, posible. Sabi nga, walang katapusan ang pagiging isang manunulat. P’wede mong gawing happy ending ang naunsiyami ninyong pag-ibig o maghiganti sa mga nakasakit sa ‘yo sa pamamagitan ng pagsusulat. P’wede mo ring makasama si crush kahit sa nobela lang. Yiieee.

Disadvantage: Endless possibilities. To the point na hindi ka na makatapos sa nobela dahil sa dami ng mga posibilidad isulat.


8. Advantage: It keeps you sane. Kahit ano pa ang nangyayari sa paligid, kahit ano pa ang problemang dumating, kaya mong mawala saglit. Kaya mong gumawa ng ibang mundo kung saan kaya mong i-control ang lahat.

Disadvantage: It’ll make you crazy, eventually. No explanation needed.

~~

Related post: Three Phases of Writing

No comments:

Post a Comment

What' You've Missed