Sunday, April 26, 2020

Old Plot, New Twist

Kakaunti pa lang naman ang naisusulat natin pero bakit feeling natin parang naisulat na natin lahat? Kaya sobrang nakakahanga ‘yung mga beterano’ng writers na patuloy pa ring nagsusulat at hindi nawawalan ng mga ideya.

Mahirap kumawala sa cliche story dahil halos imposible nang makabasa ng unique plot sa ngayon. Ang p’wede lang siguro nating gawin bilang mga manunulat ay maging creative to make cliche work for our advantage.

Kung mayroon kang cliche na idea o character, mag-isip ka ng paraan kung paano magiging ‘kakaiba’.


1. Bagong perspective. P’wede kang mag-introduce ng bagong character o gumamit ng bagong POV.

2. Ibahin o dagdagan ang details ng backstory ng bida. This way, you will be able to explore your hero more and develop his/her character better.

3. Ibahin ang location o setting. Masyado nang tipikal na na opisina o unibersidad nangyayari ang mga eksena. Bakit hindi mo baguhin? Dalhin mo ang mga bida sa gubat? O sa isla o kaya sa ibang planeta? Lol

4. Change or improve the setting. Halimbawa, sa mga proposal scenes. Very cliche na ‘yung bonggang proposal - may flowers, orchestra, flash mob, surprise, the works. Para kumawala sa ‘cliche scene’ tulad nito, mag-isip ng kakaibang eksena. Tipikal rin sa mga romance novels na sa proposal o kasal nagtatapos. Break the norm.

5. Time. Kung period ang plot, gawing modern o kung modern, gawing futuristic. P’wede ring paghalu-haluin.

6. Write the opposite. Halimbawa, sa halip na mag-settle sa rags to riches na plot na parating nakukuha ang lahat ng pangarap, bigyan ng twist ang story at gawing medyo bittersweet ang ending. Or if you want to stick to your happy every after, huwag ibigay sa bida ang lahat - p’wedeng napangasawa nga niya ang kanyang prince pero ang kapalit nito ay ang pagkamatay ng isang malapit sa kanya.

PS: I’m not saying that cliche is bad and we should not write cliche. This is just for those who want to try something different. Just remember that most readers love the unexpected so make an effort to give it to them.

~~

No comments:

Post a Comment

What' You've Missed