Tuesday, April 21, 2020

"ML o Ako?"

Hi po Miss Cee, alam ko medyo mababaw itong problema ko pero po kasi, simula nung maglockdown, syempre hindi na kami nagkikita ng boyfriend ko. Hanggang chat na lang po kami at videocall. Gusto ko po kasi sana, lagi kaming magchat kaya lagi kami nag-aaway kasi lagi siyang busy sa ML. Yun po lagi ang dahilan ng tampuhan namin kaya minsan parang gusto ko na lang makipag-break pero hindi ko po kaya kasi mahal na mahal ko po siya. Naiinis lang talaga ako lagi parang hindi niya ako priority. Pakiramdam ko po kasi mas importante po sa kanya ang game kesa sakin. Ano po gagawin ko? ~ Sarah

Sarah,

Marami yatang may ganyang problema ngayon, ano? Though sa simula, you'd think na oo nga, medyo mababaw pero if you 'really' think about it, may point kung bakit ka namomroblema. Because you should know your priorities when you are in a relationship. Okay lang naman na maglaro o mag-enjoy sa hobbies pero siyempre dapat, in moderation at dapat hindi nakaka-interfere sa quality of life at love life.

Nasabi mo na madalas n'yong pag-awayan ng boyfriend mo ang kawalan niya ng oras sa 'yo so this means, aware siya sa sitwasyon, sa fact na hindi mo gusto na nakukuha na ng oras ng paglalaro niya ang oras na dapat ay sa'yo. Ngayon, kung hindi siya affected na affected ka, something's wrong with him.

It's up to you now. Kaya mo pa bang mag-tiis hanggang sa matapos ang lockdown at sa wakas ay magkasama na uli kayo? O mari-realize mo na hindi kagandahan ang attitude ng boyfriend mo?

Kung sa akin lang, hahayaan ko siya sa bisyo niya. Hindi ko siya kukulitin, I'll give him all the time in the world to enjoy his game. Siguro, kung sawa na siya sa laro, maaalala na niya ako at kapag nangyari 'yon, tsaka ko siya ibe-break. HAHA. Pero sabi mo nga, mahal na mahal mo siya kaya hindi mo kayang makipag-break. Ganito na lang. Talk to him, as in have a serious talk. Sabihin mo lahat ng nararamdaman mo tungkol sa kawalan niya ng oras sa'yo dahil sa paglalaro niya. If he promise that he's willing to change for you, lucky you, congratulations! Pero kung panibagong away na naman dahil do'n, I guess it's time to think things through.

Hindi naman sa gusto natin na sa atin lang nakatutok ang atensiyon ng ka-relationship natin pero dapat, alam natin ang worth natin as a girlfriend and as a human. Don't settle for less, ika nga. 


Related post: My Ex's Ex

No comments:

Post a Comment

What' You've Missed