Friday, April 17, 2020

'My Ex's Ex'

Hi ate I saw your post about giving about love problem and after reading your post. I'll try to asked you something. Sana matulongan niyo ako sa ibibigay niyong advise ito kasi. Alam nilang lahat na nakipaghiwalay na ako sa Ex ko tapos sinasabi ko sa kanila na masaya ako at maayos na naka-move on na pero ang totoo po kasi inisip ko pa rin siya gabi-gabi kahit mali na tapos naghahangad pa ako na contact-in niya ako ulit. Paano ko po ba siya kalimutan like yun hindi na nakalaan sa kanya utak ko at puso for real. Actually ate kaya po bawal na kami at nakipaghiwalay ako kasi nakabuntis siya ng ibang girl which is yun Ex niya po.

~ Ann

Ann,
Believe it or not, 90% yata ng relationships ay naghihiwalay dahil sa 'nakabuntis' issue. Mahirap naman talaga, lalo na't minahal mo talaga siya nang bongga. Oh well, that's love. Minsan masaya, madalas masakit haha. Don't worry, hindi naman talaga posible na gigising ka na lang isang araw na hindi mo na siya mahal, diba? Moving on takes time and for some it takes a lot of time. Huwag mong pilitin na maka-move on. Basta kapag nasasaktan ka pa, iyak lang. That's part of the process. Kung pipilitin mong mag-move on agad pero ang puso mo ay masakit pa rin talaga, babalik at babalik ka sa umpisa n'yan.

So, paano nga ba mag-move on? First of all, dapat na-accept mo na 'yung fact na hindi na kayo p'wedeng magkabalikan, ever. Dahil hello, nakabuntis na siya at worse - ex pa niya ang nabuntis niya. Masakit na katotohanan, diba? Pero minsan, kailangang ingudngod ang katotohanan sa harap natin para lang matanggap natin. Ito pa - nabuntis niya ang ex niya habang may kayo pa. Oh, diba? Sino ang matinong lalaki na gagawa n'yan? Kapag sinabi niyang mahal ka pa rin niya after what he had done, sige. Mahal ka niya pero hindi ka niya nirespeto. At minsan, mas mahalaga ang respeto kaysa sa pag-ibig.

Huwag nang magkaroon ng false hope o kahit mag-wish upon a star na baka magmilagro ang langit at bumalik siya sa'yo. Ayun pa pala, huwag nang aasa na babalik siya at huwag na huwag iko-consider na tanggapin siya uli, naku dahil ikaw na ang may problema n'yan, hindi siya. Men will always be men at kapag binigyan mo 'yan ng pagkakataon na makalapit sa'yo, magni-ninja moves 'yan para muling makapasok sa puso mo at kapag nangyari 'yon, lagot na. 

Again, walang masama kung minsan maisip mo siya paminsan-minsan dahil hindi mo naman agad-agad matuturuan ang utak at lalong hindi p'wedeng pilitin ang puso na tumibok sa iba. Pero, may paraan para makalimot kahit paano. Make yourself busy. Isip ka ng bagong hobby or balikan mo 'yung mga dati mong activities, go out with friends - ay hindi pala ito p'wede sa ngayon, haha. Talk to your friends na lang, just be happy.  Basa, sulat, nood Kdrama. Pero iwas muna sa mga favorite songs n'yo, bes kasi para mo na ring pinatakan ng kalamansi 'yang sugat mo kung sakali. Mahapdi, diba? At lalong huwag magkakamali na magbasa ng mga luma n'yong messages dahil para mo na ring pinukpok ng hammer ni Thor 'yang puso mo. Maawa ka naman.

Have a diary. Doon mo ibuhos lahat ng nararamdaman mo, mga iniisip mo, mga gusto mong mangyari. Murahin mo siya do'n, isumpa mo. Malaki ang maitutulong ng diary sa paglabas ng mga hinanakit sa buhay lalo na kung wala kang makausap tungkol sa problema mo.

Close all means of communication. Everything - text, call, private message, email, Twitter, basta lahat. Kung p'wede, i-unfriend mo na siya sa lahat ng social media o kaya i-block mo. Kasi, the more na may balita ka pa tungkol sa kanya, the harder for you to forget.

Kailangan mo bang maghanap ng iba? Nasa sa'yo 'yan. Kung ako ang tatanungin, walang masamang makipag-mingle sa mga single guys pero know your limits. Don't trust anybody, lalo na't lalaki. Naku. Lalo na sa panahon ngayon. Naku uli. Friends-friends, no problem. But always be careful. Also, don't entertain other guys just to forget. Don't be on the rebound. Hindi porque nasaktan ka, may license ka nang manakit. Huwag maging mapanakit.

Sa totoo lang, wala namang masama sa hindi pag-move on agad as long as hindi nakaka-apekto sa buhay mo. Lahat naman tayo may mga excess baggage, 'yung iba lang mas magaling magdala kaysa sa atin. 

Related postML o Ako

No comments:

Post a Comment

What' You've Missed