Thursday, April 30, 2020

On Using Romance Novel Plot Generator Website

The concept of the story below was actually made by a certain romance novel plot generator website. Not entirely though. Fill in the blanks siya, it'll just help you come up with a plot for your novel. Genius, eh?

So ayun, sinubukan ko siya. Actually, I've tried a few pero pare-pareho lang naman ang ino-offer nila at karamihan ay nonsense haha. This certain site kung saan na-generate 'yung pinost ko na That Moonless Summer Night was actually good as long as malawak ang imagination mo para mas ma-develop ang plot. Ang downside, 'yung ibang parts, inuulit-ulit lang. Iniiba lang ang names, characterization, location, jobs at conflict. Fill in the blanks lang talaga kaya hindi malayong may makapareho ang magiging story mo lalo na kung magde-depend ka lang sa plot generator.

Though the plot was generated, marami akong idinagdag at binago, bukod sa tinraslate ko siya sa Tagalog kaya guilt-free pa rin kahit paano. At sa akin galing ang title, so I can still use it in my next project. 

Uulit pa ba ako? Hmm, hindi na. Paranoid kasi ako sa ganyan. Baka mamaya, may kapareho pala 'yung maisulat ko, mapagbintangan pa akong plagiarist. Haha. Do I recommend it? Not really. Para kasing pandaraya. Para sa akin lang naman. Siguro okay lang kung 'yung tipong walang-wala ka na talagang maisip at ubos na ubos na ang creative juices. For inspiration lang para magising ang mga naiidlip na braincells.

I wonder if some writers actually use these plot generators to come up with ideas for their novels. Anyway, here's the story I've written by using a romance novel plot generator site. Share your thoughts about it!

~~

That Moonless Summer Night


MADILIM na nang marating ni Yanna ang payak na nayon ng San Agustin. Halos apat na oras rin ang itinagal ng biyahe mula Maynila kaya naman laking pasasalamat niya nang sa wakas ay makakapagpahinga na rin siya.

“Malapit na, Yanna. Kaunti na lang,” sabi niya sa sarili. Ilang minuto na lamang ay mararating na niya ang kanyang destinasyon. Mula sa rearview mirror ay hinapyawan niya ng tingin ang likurang bahagi ng sasakyan at napa-buntung-hininga. Lahat ng kanyang mahahalagang gamit ay maayos na nakasalansan doon, kasama ang paborito niyang teddy bear na regalo ng kanyang namayapang ina noong ika-pito niyang kaarawan.

Bihira ang mga bahay sa lugar at bukod sa pangunahing kalsada ay wala na siyang nakikitang sementadong daan. Muli siyang napabuntung-hinga nang maalala na dito na siya titira mula ngayon, malayo sa nakagisnan niyang maingay at abalang buhay sa Maynila.

Nang malapit na siya sa isang kamalig ay namataan niya ang isang liwanag na tila ba nag-aapoy sa di kalayuan. Sunog!

Nagmamadali niyang itinabi ang sasakyan, lumabas mula roon at patakbong nilapitan ang sunog. Mabilis kumalat ang apoy dahil na rin sa lakas ng hangin at init ng panahon. Halos kainin na ng apoy ang kalahati ng kamalig at panalangin lang niya ay walang anumang hayop ang nasa loob ng mga oras na iyon pero imposible iyon dahil alam niyang iyon ang kamalig na nagsisilbing animal shelter at headquarters para sa bago niyang trabaho.

Pakiramdam ni Yanna ay para niyang pinapanood ang pagkasunog ng bago niyang buhay. Ano nga bang klaseng senyales iyon para sa kanyang pagsisimula ng bagong buhay?

Kahit malayo ay unti-unti na niyang nararamdaman ang init na dulot ng napakalaking apoy na iyon. Nanunuot iyon sa kanyang balat at tila tinutunaw ang kanyang mahabang buhok habang papalapit siya at sinusuong ang napakakapal na itim na usok. Mariin siyang pumikit para iwasan ang nakakapuwing na pinaghalong usok at alipato. Malapit na siya sa entrada nang bigla siyang bumangga sa tila sementong dingding na nagpawala ng kanyang balanse.

“Whoa, dahan-dahan, Miss,” narinig niya mula sa kanyang likuran. Malalim iyon, masarap sa pandinig. Dalawang malalaking kamay ang naramdaman niyang humawak sa kanyang magkabilang balikat para alalayan siya. Wala na siyang nagawa nang hilahin siya nito palabas, palayo sa tila-impyerno’ng init na iyon.

Napahawak siya sa kanyang dibdib nang sa wakas ay nakaharap na niya ang nagmamay-ari ng napakagandang boses. Titig na titig sa kanya ang kulay tsokolate nitong mga mata na tila ba may gusto itong ipahiwatig. Napailing siya. Kung anu-ano pa ang naiisip niya sa kabila ng trahedyang nangyayari. Siguro, dala lang iyon ng sobrang init na tumunaw na rin sa kanyang kakayahang mag-isip. Masyadong abala ang kanyang utak tungkol sa kung anu-anong bagay kaya hindi niya napansin ang ilang umiiyak na tuta sa matipuno nitong mga braso.

Lalo lamang yatang natunaw ang kanyang puso. Bihira na lamang ang mga lalaking tulad nito na itataya ang sariling buhay para lamang magligtas ng mga hayop. Napatitig tuloy siya rito. Kahit na nga nangingintab na ito sa pawis at halos matakpan na ng dumi at uling ang buong mukha ay para pa rin itong knight in shining armor sa kanyang paningin.

“Sino ka?” mahina niyang tanong.

“Iñaki,” sagot nito. Napahigit siya nang hininga nang mas lumapit ito sa kanya hindi lang para iabot sa kanya ang tatlong itim na tuta kundi punasan ang dumi sa kanyang pisngi. Marahan rin nitong inayos ang ilang hibla ng buhok niya na kumawala sa pagkakatali.

Isang malaking hakbang palayo ang ginawa ng binata, palayo sa temptasyon na nakatayo sa harapan nito. Inisip ni Iñaki kung bakit walang nagbabala sa kanya kung gaano kaganda ang dalagang iyon?

“Ikaw siguro si Yanna.”

Hindi na iyon nasagot ni Yanna dahil mabilis na itong tumakbo palayo, papapasok sa kamalig para maglitas pa ng mga ligaw na hayop na inaalagaan ng shelter.

Dahan-dahan niyang inilapag ang mga tuta sa damo, malayo sa lumalaki pang apoy. Narinig na niya ang tunog ng truck ng bumbero kaya nakahinga na siya nang mas maluwag. Habang nakaupo sa tabi ng daan ay pinapanood niya ang pag-apula ng sunog. Ilang sandali pa ay nakita niyang humahangos si Iñaki palapit, buhat ang nanay ng mga tuta na noon ay mahimbing nang natutulog. Itinabi ito ng binata sa mga anak nito at saka muling patakbong bumalik sa shelter.

Halos kinse minutos pa ang itinagal bago tuluyang naapula ang apoy. Isa sa mga bumbero ang nagdala kay Yanna sa isang bahay na bato sa pinakadulong bahagi ng kalye’ng iyon. Sinabi nito na doon na muna niya dalhin at alagaan ang mga nailigtas na mga aso.

Habang abala sa paglilinis sa mga tuta ay abala rin ang kanyang utak sa pag-iisip ng susunod niyang gagawin. Ano nga ba ang mangyayari ngayon? Paano na ang trabaho niya at ang animal shelter? Ngayong nasunog ang shelter, saan na siya titira? May galit ba ang Diyos sa kanya kaya nangyayari ang lahat o iyon na ay isang senyales na mali ang desisyon niyang iwan ang lahat sa Maynila at magsimula ng bagong buhay sa lugar na iyon?

Siguro naman ay may plano ang bago niyang boss na muling magtayo ng bagong animal shelter dahil kung wala, wala na ring dahilan para manatili pa siya roon.

Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan niya. Kanina lang ay puno siya ng pag-asa sa bago niyang tatahaking buhay pero ngayon ay kasama na ng mga nasunog ang kanyang kinabukasan.

Siguro, kung mayro’ng isang magandang pangyayari’ng naidulot ang sunog, iyon ay ang pagkakakilala niya kay Iñaki. Pero sino nga kaya si Iñaki? Saan ito nanggaling? Makikita pa kaya niya itong muli? Napangiti siya. Hindi niya masabing guwapo ito dahil natakpan ng dumi at uling ang kabuuan nito mula ulo hanggang paa. Pero may kung ano sa pagkatao nito na nakapukaw sa kanya, na nagdulot sa kanya ng pakiramdam na matagal na niyang hindi nararanasan. Alam niya sa sarili na may kakaibang nangyari nang magkatitigan sila kanina. Oo na, aaminin na niya na ngayon lang nangyari ganoon sa kanya at mas lalong once in a blue moon lamang siya maka-engkwentro ng ganoong lalaki. Siguro nga, dahil lang sa pinaghalu-halong emosyon kaya ganoon ang naramdaman niya.

Walang physical attraction. Walang chemistry. Sunog lang ang meron.

~~

MATAPOS maiayos ang mga aso sa pinagpatung-patong na karton at diyaryo ay muli niyang narinig ang malalim na boses na siya ring narinig niya kanina. Nilingon niya ito at muntik na siyang mapanganga. Kaboses iyon ni Iñaki pero sigurado siyang hindi iyon si Iñaki. Ang lalaking nasa harap niya ngayon ay bagong ligo at kitang-kita ang kaguwapuhan nito. Napahigit siya ng malalim na hininga nang lumapit ito sa kinatatayuan niya. Mabango ang sabong ginamit nito, maging ang shampoo at aftershave. Mula sa mapungay nitong mga mata ay nahagip ng paningin niya ang tumulong tubig mula sa buhok nito pababa sa pisngi nito, sa leeg hanggang sa dibdib. At dahil wala itong anumang suot maliban sa puting tuwalya na tumatakip sa ibabang bahagi ng katawan nito, kitang-kita niya ang nagsusumigaw nitong abs na para bang nang-aanyaya na hawakan niya ang mga iyon.

May kung ano pa itong sinasabi pero hindi niya naintindihan dahil mas malakas pa yata ang tibok ng puso niya kaysa sirena ng bumbero. Nabagok ba ang ulo niya kanina sa kamalig at napunta sa paraiso? Ito na ba ang gantimpala sa kanya ng Diyos dahil sa mga kabutihang nagawa niya sa lupa? Kung ganito rin lang ang sasalubong sa kanya sa kabilang-buhay, gugustuhin na siguro niyang sumakabilang-buhay nang paulit-ulit.

“Okay ka lang, Miss?” nakangiti nitong tanong at noon niya nasigurado na ang kanyang maruming knight in shining armor kanina at ang mabangong hunk model na kaharap niya ngayon ay iisa. Napalunok siya at pinilit na iiwas ang tingin sa matipuno nitong katawan bago pa nito mabasa ang nasa isip niya. Mukha itong modern-day gradiator sa malapad nitong balikat at perpektong mukha, Nang muli niya itong tapunan ng tingin ay nakatitig lang ito sa kanya. May kakaiba sa paraan ng pagngiti nito pero sa palagay niya ay pinipigilan nito na pagtawanan siya. “Okay ka lang?” muli nitong tanong.

Naku, hindi niya alam kung gusto niya itong sampalin o halikan. Pero sa halip ay tumikhim siya nang dalawang beses bago sumagot. “O-oo naman.”

Sumandal si Iñaki sa dingding at sinuklay ng mga daliri ang alun-alon nitong buhok habang matamang nakangiti sa kanya, nakatitig. Umiwas tuloy ng tingin si Yanna dahil sa kaba na dulot nito.

~~

AKO nga pala uli si Iñaki,” muli niyang pagpapakilala sabay abot ng kanang kamay sa hamak na mas maliit na kamay ng dalaga.

“Yanna. Rubio.”

Sinubukan niyang huminga nang maayos at nanalangin na sana ay tulungan siya ng Diyos sa kung anumang desisyon niyang gagawin. Ngayong nasunog ang animal shelter ay sigurado siya na walang matutuluyan ang dalaga hanggang sa muli itong maiayos. Lihim siyang napangiti. Ngayon, hindi na niya kailangang gumamit ng pick-up line para lang mag-imbita ng isang napakagandang babae na kakikilala lang niya para matulog sa kanyang bahay.

“Welcome to San Agustin, Miss Yanna.”

Tumangu-tango siya at ngumiti. “Grabe palang mang-welcome ng dayo dito sa inyo. Daig pa ang kidlat. Nakakapaso. Parang masamang pangitain yata, ano?”

Pinigil ni Iñaki na mahipnotismo mga ngiti ng dalaga at pilit na pinaalala sa sarili kung bakit hindi siya dapat na mahulog dito, o mapalapit rito, o haplusin ang magandang katawan nito. Pero hindi niya mabitiwan ang malambot nitong kamay. Mainit ang epekto ng pagkakahawak nito sa kanyang kamay na para bang tinamaan siya ng kidlat. “Hmm, tama. Nakakapaso.”

Nanghinayang siya nang bawiin ni Yanna ang kamay. Nakita niyang dinilaan nito at kinagat-kagat ang pang-ibabang labi at tsaka siya tiningnan nang maigi. “Bakit nga pala nando’n ka sa shelter kanina? Bumbero ka ba?” mapanuri nitong tanong. Habang tumatagal ay sumasarap sa pandinig niya ang malumanay nitong boses.

“Dito ako nakatira.”

Napalunok si Yanna at biglang namilog ang mata. “Ikaw.” Hindi iyon isang tanong. Sa kauna-unahang pagkakataon, napaisip si Iñaki kung pareho ba sila ng nararamdamang atraksiyon sa isa’t-isa. “Ikaw ang bago kong boss!”

Tumango siya. “Yes, ma’am. Dr. Iñaki Gabrielli, D.V.M. at your service.” Agad niyang napansin ang pag-aalala nito dahil sa sitwasyon. “Don’t worry, aayusin natin ang shelter. Agad-agad.”

“Salamat naman. Pero saan ako matutulog ngayon? Puro gamit ang laman ng likod ng kotse ko, hindi ako p’wedeng matulog do’n hanggang sa magawa ang shelter.”

“Dito ka muna sa akin. May bakante’ng kuwarto sa itaas, doon ka muna hanggang sa maging maayos ang lahat.” Lumapit siya sa dalaga hanggang sa ilang pulgada na lamang ang namamagitan sa kanila. Pinanood niya ang mabilis na pagtaas-baba ng dibdib nito at napalunok siya dahil doon. “I look forward to a good and productive relationship with you.”

Yanna shook her head, tossing her long dark brown hair. “Assistant lang po ako, Doc.”

“Oo nga,” he nodded. “Ganoon na rin ‘yon. Kailangan ng magandang relationship sa pagitan ng boss at assistant para magkaroon ng magandang result. Well, I’m sure wala akong magiging problema sa’yo dahil pagkatapos ng interview sa’yo ni Doc Peralta, ang magiging assistant ko raw ay mabait, may mabuting puso at seryoso sa trabaho. Pero may isa siyang hindi sinabi sa akin. Wala siyang nabanggit na maganda pala ang magiging assistant ko.”

Yumuko si Yanna at ngumiti nang kimi. “Hindi rin nasabi ni Doc Peralta sa akin na mukhang GQ model ang magiging future boss ko.” Mahina ang pagkakasabi nito niyon pero sapat na para marinig ni Iñaki.

Napailing siya. Oh, this would be fascinating. Now, he’s certain that she’s attracted to him the way he’s drawn to her, whether she admits it or not. Marami siguro siyang nagawang kabutihan noong past life niya para bigyan siya ng Diyos ng isang tulad ni Yanna. Sinasabi na nga ba niya na may dahilan ang lahat ng nangyayari. Kung hindi nasunog ang animal shelter ay wala sila sa sitwasyon nila ngayon, wala siyang Yanna na makakasama sa iisang bubong. Kabaligtaran ng paniniwala ni Yanna, hindi masamang pangitain ang lahat, kundi isang napakagandang pagkakataon.

Sinenyasan niya si Yanna na pumasok sa pasilyo. “’Yung kuwarto sa kanan, iyon ang magiging pansamantalang kuwarto mo. Isusunod ko na lang ang maleta mo habang naliligo ka. Bukas ng umaga, tutulungan kitang mag-ayos ng mga gamit.” Bahagya pa siyang lumapit rito at mas binabaan ang boses hanggang sa halos maging bulong na lang. “Welcome home, Miss Yanna Rubio.”

Isang matamis na ngiti ang itinugon nito at pagkatapos ay tumalikod at masiglang lumayo. Iiling-iling siyang napapangiti habang pinapanood itong umakyat ng hagdan. She’s stunning and fiery, no doubt. And he didn’t know if he’d be happy about it.

The End



No comments:

Post a Comment

What' You've Missed