Monday, April 20, 2020

Writer’s Block pt. 2

Paano kung talagang hindi ka makapagsulat? ‘Yung kahit anong pilit mo, walang lumalabas na ideya? Hindi ka naman tinatamad dahil gustung-gusto mo na talagang magsulat pero sadyang may kung ano’ng humahadlang sa ‘yo para gawin ‘yon. That’s what we call writer’s block - some call it laziness or an excuse but whatever term we use for it, it’s real. It’s there, just waiting to devour you.

1. Tanggapin mo na hindi ka makapagsulat. Acceptance lang talaga minsan. Parang breakup. Hindi ka tuluyang makaka-move on kung hindi mo pa natatanggap na wala na talagang kayo.

2. Don’t think about it too much. Mas lalo ka lang hindi makaka-move on, sige ka. Kung hindi mo pa maisip kung ano’ng eksena ang susunod na isusulat o kung ano ang magandang dialogue para sa conflict ng kwento mo, p’wede ka namang magsulat ng iba, pansamantala.

3. Have a writing ritual. ‘Yung kaya mong sundin regularly. P’wede mo siyang isama sa morning ritual mo habang nagkakape o bago matulog. Ang goal mo ay ang makapagsulat kahit paano, kahit 100 words a day.

4. ‘Oh tukso, layuan mo ako’ technique. Stay away from distractions. Alam na naman natin ito, diba? Facebook, Instagram, YouTube. Mga ganyan. Isama mo na rin ang Kdrama, Netflix at IFlix. Pati mga libro, manga at comics, iwasan mo muna. Pero kung sa mga ‘yan ka nakakakuha ng inspirasyon, p’wede naman, basta siguruhin mo na may katabi kang alarm clock.

5. Baka kailangan mo lang ng pahinga. Mga ilang linggo o ilang buwan na huwag mo munang harapin o isipin ang MS mo. Keep yourself busy - kahit ano, basta huwag na huwag mong isipin ang tungkol sa nobela mo. Tapos, kapag binasa mo uli, magsimula ka sa simula. This way, magiging sariwa ang lahat na para bang ngayon mo lang uli ito nabasa. Mas magiging madali na para sa’yo na makita ang mga mali at madali mo na ring madudugtungan ang story.

6. Doodle, paint, sketch. Writers are born creative and if you can’t put your ideas into words, try it with colors. Mag-paint ka or work on your adult coloring book. This helps relieve stress and pressure from your writer’s block.

7. Travel. Siyempre, after COVID-19. Kung may oras at budget, go to the places you’ve never been to. Sa probinsiya o sa ibang bansa. This is actually the best way to deal with writer’s block. Sino ba naman ang hindi gaganahan kung makakarating ka sa iba’t-ibang lugar at makaka-experience ng iba’t-ibang klaseng kultura at pagkain,? Pero siyempre, hindi naman lahat ay may kakayahang gawin ‘yan. Kung tulad kita na walang oras at walang budget, p’wede ka pa rin namang mag-’travel’ nang hindi kailangang gumastos o mag-leave sa trabaho. Sabi nga, be a tourist in your own hometown. Alamin ang mga magagandang puntahan sa lugar n’yo - bagong coffee shop, karinderya, sa park, art museum, bundok. Minsan kasi kailangan lang natin ng ibang environment para gumana ang utak. Magandang exercise rin ito para mag-people watch at mag-observe sa mga pang-araw-araw na nangyayari sa buhay.

8. People watching. P’wede mo itong gawin kahit saan - well, noon. Sa jeep, sa FX, sa hintayan ng taxi, sa coffee shop, sa eskuwelahan, sa opisina. Sa ngayon, you can still watch people through your window. Maging aware sa paligid, mag-obserba ng mga tao at gawan sila ng kuwento. ‘Yung babae'ng kapit-bahay n'yo na nakatanaw sa malayo, bakit kaya nakasimangot? Siguro, hindi siya binili ng fries ng boyfriend niya nung masakit ang puson niya - and from there, you can already make a story.

9. Look for your muse. Ano nga ba ang sinasabi nilang ‘muse’? This is someone or something that inspires you to write. So, ano o sino ang inspiration mo para makapagsulat? Bawat writer, may muse ‘yan. Kung hindi mo alam kung bakit ka nagsusulat, paano kapag dumating ang oras na biglang mawala ang ‘drive’? Wala na. Pero kung aware ka sa mga dahilan ng kagustuhan mong maging writer, mas magiging focused ka at mas madali para sa’yo ang makabalik sa ‘writing zone’.

10. Talk to someone - a co-writer, your mentor or someone you look up to. Maraming writers ang handang makinig sa mga angst natin pagdating sa pagsusulat at handa rin silang tumulong. Minsan kasi, kailangan lang natin ng karamay. Cheret.

11. Brainstorming. You can do this in three ways: Computer, paper, recorder. The goal is to get your ideas out there. Kung kaya mong pigain mo ang utak mo para makuha lahat ng ideas, gawin mo.

12. Writing prompts. Sometimes, it’s all about practice. Writing prompts are helpful for brainstorming lalo na kung wala ka na talagang mapigang creative juice sa utak mo. Maraming available na writing prompts online na p’wede mong gamitin araw-araw para bumalik ang drive mo sa pagsusulat.

13. Kausapin ang sarili. This works for me, all the time. Tanungin mo ang sarili mo kung ano ang mga gusto mong isulat, mga pangarap mo sa buhay, mga gusto mong sabihin kay crush, mga pantasya mo tungkol kay crush, haha! Soon enough, magtutuluy-tuloy ang pasok ng ideas.

14. Iligo mo lang ‘yan. Hindi ko rin alam kung bakit ito nagwo-work sa akin pero sa tuwing nasa banyo ako, mas gumagana ang utak ko. Bigla-bigla akong nakakaisip ng plot, ng dialogues at scenes. Try mo minsan, baka kulang ka lang sa ligo. Lol


~~

Related post: On Writer's Block Pt. 1

No comments:

Post a Comment

What' You've Missed