Sunday, May 3, 2020

On Antagonist

Pansin ko sa mga antagonists sa mga teleserye sa Pinas, masyadong stereotyped - sigaw nang sigaw, puro paghihiganti na lang. ‘Yung maiinis ka lang talaga dahil nakakainis talaga dahil madalas, iisa lang ang personalidad nila. Bihira akong makapanood ng tipong kahit kontrabida, mamahalin mo pa rin.

1. Hindi naman porque kontrabida, dapat kasusuklaman na at puro negative traits na lang. Remember, hindi magiging bida ang bida kung walang kontrabida kaya dapat kung gaano mo pinag-aksayahan ng panahong buuin ang bida mo, dapat gano’n rin sa kontrabida.

2. Tulad ng bida, kailangan rin nila ng goals, motivation, strengths and weaknesses. Huwag ‘yung inilagay mo lang sila sa istorya mo para may mang-asar sa bida na wala namang dahilan. Bigyan ng magandang rason kung bakit ganito o ganyan, kung bakit siya naging kontrabida. Everything has a reason, ika nga.

3. Bigyan ng ‘time to shine’ ang kontrabida mo. Mas maganda sana kung may POV rin ang antagonist para mas mabigyan mo siya ng chance na maibahagi niya ang kanyang saloobin tungkol sa mga bagay-bagay. Outlining your novel from your kontrabida’s POV is also good. This way, you can develop his/her character even better.

4. Antagonists are also ‘human’. Huwag ‘yung sobrang powerful na kayang gawin lahat para masira ang bida. Hindi na makatotohanan, bes.

5. Huwag rin naman silang gawing masyadong mahina dahil mawawalan na ng challenge ang bida kapag gano’n - at mawawalan na rin ng kwenta ang kwento mo.

6. Hindi porque kontrabida ay puro kasamaan na lang ang alam niyang gawin. Bigyan mo rin siya ng pagkakataong manalo paminsan-minsan para hindi predictable ang karakter niya sa istorya.

7. Hindi lang dapat kamuhian ang mga kontrabida. An effective antagonist is someone who is also loved by the readers. Hindi ‘yung puro inis lang ang contribution niya sa kwento. Your readers must love hating your antagonist.

8. Bigyan siya ng kahit kaunting ‘charm’. May moment rin dapat siya na nakakatawa, nakakaaliw o nakaka-fascinate. Because again, antagonists shouldn’t be jus evil. His/her character should be deep, somebody you’d love to have a conversation with.

~~

Related post: On Protagonist

No comments:

Post a Comment

What' You've Missed