Monday, May 4, 2020

On Novel Template

Maraming beses ko nang nasubukang magsulat ng nobela na walang outline. 'Yung tipong kung saan mapadpad, kung ano ang mangyari, bahala na si Batman at minsan, nakaka-frustrate. It worked for me and it could work for others but it's not advisable especially if your goal is to write for a living.

So, here's something I've read somewhere (Becoming a Better Writer yata ang pamagat, di ko na maalala), na sinusubukan kong isabuhay sa mga bago kong isinusulat na manuscript, na sana makatulong sa mga tulad kong nagkikikahos na manunulat:

1. Sulat ka ng 1-10. Sa number 1, isulat mo 'yung opening scene mo, kahit isang sentence lang, just to have an idea on how to start your novel.

2. Talon sa number 10. Isulat mo 'yung last scene mo, kahit isang sentence lang rin.

3. Tapos, in between, tsaka mo isulat ang plot points, starting from the beginning to the end.

Simple yet effective. Sa ganitong paraan kasi, malalaman mo na ang pagkakasunud-sunod ng mga scenes, kung saan mo ilalagay ang climax, conflict, etc. Malalaman mo rin kung may point ba ang story mo, kung maganda ba o may moral lesson ba, kung worth it pa bang ituloy o ibasura.

Kung hindi ka satisfied, back to square one pero kung feeling mo, may patutunguhan, push! Try mong pagdugtung-dugtungin ang mga scenes hanggang sa makagawa ka na ng description ng mga lugar, actions, conversations at kung paano mase-set-up at mare-resolve ang conflicts.

And before we know it, may draft na tayo ng bago nating novel! Pero siyempre, draft pa lang 'yan at simula pa lang 'yan ng ating pakikipagsapalaran haha! Good luck sa atin!

~~~


Related post: On Crappy Writing


No comments:

Post a Comment

What' You've Missed