Saturday, May 9, 2020

On Writing a ‘Marketable’ Novel

KAPAG singer ka, pangarap mong mag-concert sa harap ng malaking audience. Kapag dancer ka, pangarap mong mag-backup sa isang sikat na performer. Kapag artist ka, magkaroon ng isang one-man show. At kapag writer ka, ang maka-publish ng libro'ng tatatak sa maraming mambabasa. Gano'n siguro talaga. Lahat naman, diba? So, paano nga ba sumulat ng isang nobela’ng bebenta?

1. Alamin ang pagkakaiba ng traditional publishing sa self-publishing. Traditional publishing vs. Self-publishing. Traditional ‘yung mga kilalang pubhouses. Magsa-submit ka ng MS, hintay ng result, ganyan. Sila ang bahala sa lahat - cover, format, design, marketing. Sa self-publishing naman, mas may control ka - sa design, sa format, sa lahat, pati sa marketing, copyright, royalty, sa iyo. Do your research to know more about the two bago magdesisyon.

2. Genre. Siyempre, dapat alam mo na kung ano’ng genre ang gusto mong isulat. Rule of thumb, piliin kung saan ka komportable - at least sa simula. Hindi naman required na iisang genre, p’wedeng halo, 2-in-1 o 3-in-1, parang kape. Kung gamay mo na at gusto mong sumubok ng iba, push lang. Also, if you want your novel to sell, choose a popular genre.

3. Concept that sells. Mag-research kung ano ba ang mabenta sa market ngayon. Halimbawa, sa romance genre, ano ang concept na tingin mo ang mas tinatangkilik? Pang-teens ba? Heavy drama ba? Romcom? Dito okay na maki-bandwagon. Siguro nga, kaya maraming writers ang nakikisunod sa uso kasi they want to penetrate the market. This is why research is important. Dapat alam mo kung ano ang sinusulat ng mga writers at kung ano ang binabasa ng mga readers. Kapag alam mo na kung ano ang ‘marketable’, p’wede mo nang simulang magsulat. Pero pero pero, bukod sa pagiging marketable na concept, dapat isaalang-alang mo pa rin ‘yung kung ano talaga ang gusto mong isulat dahil mahirap magsulat ng bagay na wala naman do’n ang puso mo.

4. Consider your audience or market. Dapat, alam mo kung sino ‘specifically’ ang target market mo. Pang teens ba? Adult? Halimbawa, kung gusto mong i-target ang mga teens, go for YA (young adult fiction). Makakatulong rin kung magiging familiar ka sa mga YA books and authors para magkaroon ng mas malawak na ideya tungkol sa genre.

Real talk. Iba kasi ‘yung pagsusulat ng kung ano ang gusto mo sa pagsusulat ng kung ano ang bebenta. Ngayon, s’werte ka kung marketable talaga ang gusto mong isulat. Jackpot, ika nga.

~~~

Related post: Paano Nga Ba Ma-Publish?

No comments:

Post a Comment

What' You've Missed