Wednesday, May 20, 2020

Reasons Kung Bakit Bina-bash ang Writers

1. Sobrang sikat. Sabi nga, kapag hitik ang puno, binabato. May mga tao kasi talaga na puro inggit ang nasa katawan at hanggang bash na lang ang kayang gawin.

2. Ka-kompitensiya ng idol nila. Siyempre, ang fan ay fan at gagawin nila ang lahat para sa idol nila, kahit pa nga makapanakit ng iba.

3. Mahilig ring mam-bash ang writer ng kapwa writer. Siyempre, papayag ba naman ang ‘loyal’ readers na i-bash ang favorite writer nila?

4. War freak si writer. Kaunting masamang komento tungkol sa nobela, naka-angil agad.

5. Masyadong pa-fame, feeling celebrity. To the point na minsan, nakakapikon na kaya may mga readers na hindi nakakapagpigil.

6. Malaki ang ulo ni writer. Feeling perfect lahat ng gawa niya at walang espasyo ang pagkakamali.

7. Self-bashing technique. Wala naman pala talagang readers na namba-bash. Imagination lang niya ‘yon.

8. Know-it-all/feeling know-it all. Kapatid ng malaki ang ulo. Alam lahat at kapag may nag-point out ng mali, ayun, nag-a-amok.

9. Pa-victim. Parating feeling talunan, parating nagse-self pity nang walang dahilan.

10. Masama ugali. Period.

Ang mga bashers, nariyan lang at hangga't pinapatulan, dumarami ang mga 'yan.

~~~

Related post: Nagsusulat Ka Dahil?

No comments:

Post a Comment

What' You've Missed