Wednesday, May 6, 2020

To Flashback Or Not To Flashback?

Lahat ba ng story, kailangan ng flashback? Hindi. May mga nobela na mas maganda kung walang flashback at mayroon namang hinihingi ng pagkakataon. Flashback can make or break your novel kaya dapat, maging maingat sa paggamit nito.

1. Right timing. Huwag basta-basta maglalagay ng flashback. Maghintay ng tamang moment, ika nga. Siguruhin na may detalye na at impormasyon tungkol sa bida bago mag-flashback. I-tease muna ang readers, pasabikin muna sila, ‘yung tipong magmamakaawa silang malaman kung ano nga ba ang backstory ng bida.

2. Right spot. Huwag basta-basta maglagay kung saan-saan. Dapat, may trigger muna bago ka mag-introduce ng flashback. Halimbawa, biglang muling pagkikita ng dalawang bida na makapagpapaalala sa kanila ng nakaraan o kaya ay may naamoy na pamilyar na pabango ang bida, dahilan para maalala niya si ex. Yiiee. Ganito rin dapat sa pagbalik sa ‘present’ time mula sa flashback. Kailangan, may rason rin, Halimbawa, habang nagre-reminisce ang bida, biglang may babatok sa kanya o matatapunan siya ng mainit na kape, dahilan para makabalik siya sa kasalukuyan.

3. Kailangan nga ba? Siguruhin na kailangan sa kwento ang flashback. Tipong hindi uusad ang kwento, o hindi makukumpleto ang kwento kung wala ito.

4. Gaano kahaba? Huwag masyadong mahaba to the point na p’wede nang gawan ng panibagong nobela ang flashback. Dapat, sakto lang. Flashbacks should only include important points or ‘key moments’ so keep it short. Kung halos kalahati na ng nobela ang flashback mo, sana isinama mo na lang ito sa simula ng nobela. PERO siyempre, depende ito sa story mo. Kung feeling mo, kailangan mo ng mahabang flashback, dapat ma-justify mo ito.

~~

Related post: Nagsusulat Ka Dahil?

No comments:

Post a Comment

What' You've Missed