Monday, June 22, 2020

Mga Uri ng Readers sa Wattpad

1. Mga ‘User Friendly’. ‘Yung todo comment na ang ganda-ganda ng gawa mo, na lahat ng works mo, naka-save sa reading list niya, na matagal mo na siyang follower. Then, at the end of the comment, may link ng mga gawa niya na ipapabasa sa’yo at ipapa-comment rin.

2. Grammar Nazi/Editor. Lahat ng mali, napapansin - grammar, plot, loopholes. Papasa na sanang proofreader, in fairness pero kapag binisita mo ang profile at binasa ang mga works, waley rin.

3. Demanding. ‘Yung puro ‘kailan ang update, author, mag-update ka na, ang tagal ng update!’ ang comment at kapag hindi mo nasunod ang gusto, mananakot pa na ia-unfollow ka.

4. Mahilig mag-rant. Lahat na lang ng parte ng story mo, may reklamo. Pangit ang plot, hindi niya gusto ang bida, ayaw niya ng desisyon ng bida. Basta, lahat na lang, may masasabi. Parang walang makausap sa bahay kaya sa comment box nagbuhos ng sama ng loob.

5. Mga ipinanganak na haters/bashers. ‘Yung hindi pa nakuntento sa pangba-bash sa story mo, pati personal mong buhay idinadamay pa. Lodi ‘yung mga hindi naman talaga binasa ‘yung story mo pero may nakahandang bash!

6. Die-hard fans. Bawat sentence, bawat dialogue, may comment! Kahit hindi kagandahan ang kwento, the best para sa kanila. Yey!

7. Mga bona fide readers. Sila ‘yung walang masamang tinapay. Nagsasabi talaga ng totoo. Kung may hindi nagustuhan o napansing mali sa nabasa, sasabihin sa paraang hindi nakakasakit ng damdamin. At kung nagustuhan ang nobela, iko-congratulate ang writer at ipu-push para magsulat pa nang magsulat. Hindi rin sila palahingi ng update araw-araw dahil naiintindihan nila na hindi madaling magsulat at hindi lang naman pagsusulat ang buhay ng isang writer.

Sana, lahat, #7. HAHA.

~~~

No comments:

Post a Comment

What' You've Missed