Quote of the Day

“Success is getting what you want, happiness is wanting what you get” ― W. P. Kinsella

Thursday, June 30, 2022

For the Love of Agnes (Chapter 1)

 


“RISE
and shine, my Sweetie. It’s almost eight o’clock so you better get your sexy ass off of bed or I’ll go there and do it myself!”

“How I wish you could,” halos pabulong na tugon ni Agnes sabay pindot sa kanyang itim na clip-on mobile ear cuff o MEC device na nagsisilbing hikaw sa kanyang kanang tainga. She used to love his low baritone voice every time he wakes her up in the morning but after a couple of years, it’s starting to irritate her. Pero alam niyang hindi naman ang boses na iyon ang ikinaiirita niya tuwing umaga, kundi ang katotohanan na halos isang dekada na siyang gumigising nang mag-isa.

Tinalukbong niya ang makapal na blanket, pilit idinilat ang mga mata at dahan-dahang minasahe ang sintido. Ano’ng oras na ba siya nakauwi mula sa company party na dinaluhan kagabi? Sa totoo lang ay hindi na niya maalala. Ni hindi na nga niya maalala kung paano siya nakauwi at kung paano siya nakapagpalit ng damit.

Bigla niyang tinanggal ang blanket na nakatalukbong sa kanyang ulo para ilibot ang paningin sa paligid. Champagne pink wallpaper, check. Ivory colored satin curtain, check. Opaque sliding glass door, check. Nakahinga siya nang maluwag nang malaman niya na naroon nga siya sa loob ng kanyang kuwarto at nakahiga sa sarili niyang kama.

“You have a new message, Sweetie. Do you want me to read it for you?” narinig niyang sabi ng kanyang ever-reliable voice assistant na si Blake sa kanyang MEC.

“Yes, please.” Tumayo siya at wala sa sariling tumangu-tango.

“Alright then, opening message…It is from your friend, Eve…kadarating lang raw niya sa lobby. May client meeting raw kayo at nine o’clock this morning.”

“Oh, shit!”

“Excuse me?” may disgustong tanong ni Blake. “Watch your word, Sweetie.”

“I’m sorry! You know how much I hate being late!”

“Sino ba ang dapat sisihin? Sino ba ang halos umagahin na naman ng uwi?”

“Oo na, ako na nga ang may kasalanan, okay? Bye.”

“Bye, Sweetie! Take care.”

Matapos pindutin at tanggalin ang ear cuff ay nagmamadali siyang pumasok sa kanyang banyo, naligo at mabilis na nagbihis. This is the reason why Agnes hates Mondays. Being one of the client executives at FabriTech, it is her responsibility to deal with new clients and maintain good relationships with existing ones. And it was never easy. With the fast growing industry, they have to keep up with the newest designs and the newest technology.

FabriTech has been around for almost a decade and with their company being the innovator and on the top spot in the spray-on fabric industry, she has to ensure that it stays that way until the end of time.

Dahil na rin siguro sa nakasanayan na niyang parating naghahabol ng oras tuwing Lunes ng umaga, nagagawa na niyang mag-make-up nang hindi tumitingin sa salamin habang nagbabasa ng mga holographic emails and messages sa kanyang MoonWatch. Pagkaraaan ng halos sampung minuto ay tumayo na siya, kinuha ang paboritong itim na executive tote bag at tumuloy na sa kusina. When she glanced at her watch, it’s almost nine o’clock so she didn’t even have time to have breakfast, as usual. Kaya naman binuksan na lamang niya ang ref para kumuha ng isang edible WaterPod pero bago pa niya iyon magawa ay may nahagip ang kanyang mata. Napatigil siya sa paglalakad at literal na napanganga.

“Oh, good morning, Agnes, mabuti’t gising ka na. I prepared breakfast for you.”

Hindi nakagalaw si Agnes sa kinatatayuan. Sa buong buhay niya ay ngayon lamang siya nakakita nang ganoo’ng lalaki sa malapitan. The man was smiling at her as if he’s thrilled to see her and he’s staring at her as if she’s the most beautiful woman he has ever seen.

"I’m sorry if I raided your kitchen. Hindi ko alam kung ano ang gusto mo for breakfast so I cooked whatever there is inside your smartfridge. Bacon and eggs, toast, fresh orange juice,” masaya nitong sabi matapos ihain ang umuusok pang sunny side up sa mesa. “Do you like anything else? Coffee, tea…me?” mapang-akit nitong tanong.

Napalunok siya at nanalangin na sana ay hindi iyon isang panaginip lang. There was actually a half-naked gorgeous man in her kitchen who cooked for her and who had just offered himself to her. But who is he, really?

“Sino ka at paano ka nakapasok dito?” Sa halip ay tanong niya nang hindi inaalis ang paningin sa lalaki. Kahit sino sigurong babae ay mahihirapang alisin ang tingin rito, lalo na kung ganoon na bukod sa distressed jeans ay wala na itong ibang saplot sa katawan.

“Are you serious?” Saglit na nagsalubong ang makakapal nitong kilay na napalitan ng napakatamis nitong ngiti. Dahan-dahan itong lumapit sa kanya habang dahan-dahang hinuhubad ang suot nitong kulay pula niyang apron na may nakalagay na ‘Too hot to handle’ sa harapan, na para bang inilalarawan kung gaano ka-’hot’ ang pangangatawan nito. Isinampay ng binata ang apron sa balikat at saka muling nagtanong. “Wala ka bang naaalala na nangyari kagabi?”

Shit. Napalunok siya habang titig na titig pa rin sa kaharap. Hindi na niya napigilan ang mga mata nang maglakbay ang mga iyon mula sa mukha nito at pababa pa. Gusto niyang batukan ang sarili dahil hindi dapat siya nadadala sa mala-Greek God nitong katawan pero babae lang siya at sa halos sampung taon niyang single, normal lang siguro ang maakit sa ganoo’ng kakisig na lalaki. “M-may nangyari sa atin kagabi?” Dahil kung mayroon man, siguradong maaalala niya iyon, dapat na maalala niya iyon lalo na kung tulad ng lalaki sa kanyang harapan ang kasama niya.

“Well, almost,” natatawa nitong tugon. “But you were too drunk last night and I’m not the type who takes advantage of drunk women so nothing happened. I just got you home, cleaned you up and watched you sleep.”

“Cleaned me up? Ibig mong sabihin, ikaw ang nag…”

“Yes, ma’am, ako ang nagpalit ng damit mo. Pinunasan rin kita para medyo mawala ang pagkalasing mo.”

Nanlaki ang mga mata niya. “Oh my…so nakita mo ang…”

“Yep, I saw everything,” muli nitong tugon na titig na titig sa kanya. “And I must say that everything about you is just…perfect.”

Ramdam niya ang pamumula ng pisngi lalo na nang tumango ito at mas lumaki ang pagkakangiti. Kulang na lang ay kainin siya ng lupa sa sobrang kahihiyan. Napailing siya at napakapit sa gilid ng marmol na mesa. Pilit niyang inisip ang mga nangyari kagabi, o ang mga hindi nangyari pero wala talaga siyang maalala.

“Sit down and eat. You haven’t eaten anything since last night, I’m sure you’re starving.”

OF course, he’s right. Ngayong nasa harapan siya ng inihain nitong umagahan ay tsaka niya naramdaman ang sobrang gutom. Hindi na niya matandaan kung kailan ang huling pagkakataon na nakakain siya ng totoo’ng pagkain - ‘yung homecooked, ‘yung hindi processed or take out. Simula nang mauso ang KitchenDoc noong nakaraang taon, hindi na niya kinailangang magprepara o magluto ng pagkain. With just a few clicks, she’d be able to eat whatever she wanted, guilt-free because with her KitchenDoc, she’s even able to grow, prepare and cook her own food.

Tahimik niyang pinanood ang binata habang naglalagay ito ng pagkain sa kanyang plato. Walang sali-salita siyang nagsimulang kumain at hindi niya napigilang mapangiti nang matikman ang niluto nito para sa kanya.

“So, what’s our plan for the day?”

~~

For the Love of Agnes Chapter 2

 

No comments:

Post a Comment

Popular Posts