Quote of the Day

“Success is getting what you want, happiness is wanting what you get” ― W. P. Kinsella

Monday, July 4, 2022

For the Love of Agnes (Chapter 2)


PLAN?” Hindi naituloy ni Agnes ang pag-inom ng orange juice. Nakaupo na ang lalaki sa harap niya, nakapalumbaba at nakatunghay lamang sa kanya. Wala pa rin itong damit pang-itaas at hindi niya alam kung ikatutuwa niya iyon o hindi. 

“Yes, plan. Ano ang gusto mong gawin natin ngayong araw?”

“Ahm…may trabaho ako ngayong araw…ikaw ba, wala?”

Umiling ito nang hindi inaalis ang napakagandang ngiti. “Fortunately, I don’t have to work because I’ve got everything I need. Especially now that I’ve met you.”

Alam niyang hindi dapat pero talaga namang kinilig ang mga internal organs niya sa narinig. Paano ba namang hindi samantalang ngayon lang siya nasabihan nang ganoon, ng isang napakaguwapong lalaki na para bang nabuhay mula sa isang Men’s magazine? Pero bago pa siya tuluyang mahulog sa nakakatunaw nitong mga titig ay ginising ni Agnes ang sarili sa katotohanan - na hindi niya kilala ang binata at wala siyang alam na ano pa man tungkol rito. 

“I’m sorry pero…ano nga pala uli ang pangalan mo at saan at paano tayo nagkakilala?”

“Well…” Umayos ito ng tayo, hinatak ang isang upuan, itinabi iyon sa kanya at saka naupo. Agnes had to inhale sharply as his fresh and woodsy scent filled her nose. “The name’s Amiel. Nagkakilala tayo sa company party kagabi. Ikaw pa nga ang lumapit sa akin, ang nag-alok ng drinks at ang nagyayang magsayaw, diba?”

“Are you sure?” alanganin niyang tanong. 

“Yes. You want proof?”

Bago pa man siya nakatugon ay inilapit nito ang bisig sa kanyang mukha at pinindot ang suot nitong MoonWatch. Agad na bumungad sa kanya ang holographic recorded video ng nangyari kagabi. Muli, gusto na lang niyang kainin ng lupa dahil sa sobrang kahihiyan.

“I’m so sorry. Baka isipin mo na gano’n talaga ako but that was the first time that something like that happened to me. I never get drunk and worse, approach and offer drinks to random guys.”

“But hey, I’m not just some random guy.” Kumindat ito at ngumiti. “Don’t worry. Hindi naman kita p’wedeng i-judge dahil lang sa nangyari kagabi. I’m sure may dahilan kung bakit ka naglasing at kung bakit mo ako nilapitan. Truth is, I’m glad you did because I don’t know if I’d have to courage to approach you.”

“Oh, wow...where have you been all my life?” hindi niya napigilang tanong. “I mean…where are you from, exactly?”

Bahagya itong nagbaba ng tingin at kiming ngumiti dahil sigurado siyang narinig nito ang sinabi niya. “Fifteen minutes from here, via HyperPod.”

The HyperPod covers at least 38 kilometers in 15 minutes so he’s probably from a near province. With the HyperPod, it’s basically traveling inside a tube. Sa halip na mga train wagons, binubuo ng capsules ang HyperPod kung saan sasakay ang mga pasahero. Ang bawat capsule ay may kapasidad na dalawampung tao, na nasa loob ng vacuum tube. Triple ang bilis nito kumpara sa bullet train kaya naman ito na ang naging pangunahing paraan ng transportasyon simula noong 2055. 

“Ah, by the way, how about dessert? I can make a 2-minute microwave brownie for you.”

Nakangiti ito nang sabihin iyon kaya naman hindi rin niya napigilang mapangiti. He’s gorgeous, he’s chivalrous and he cooks, for Christ’s sake. Wala na yatang ganoong lalaki sa mga panahon ngayon at napakasuwerte naman niya para makakilala ng isang tulad nito. 

“Don’t tell me you’re on a diet because you don’t need it.”

Muli, pinamulahan siya ng mukha. “I’m not on a diet pero hindi talaga ako mahilig mag-dessert. And this is too much already, Amiel…hindi mo naman kailangang ipagluto ako. In fact, hindi mo naman kailangang mag-stay pa rito para lang masiguro na okay ako.”

“Women like men who cook, right? And women love it when men stay until breakfast. So here I am. I stayed and made you breakfast.”

Kung p’wede lang tumili sa sobrang kilig, kanina pa niya ginawa. Pero dapat kalma lang, dahil ayaw niyang pahalata na hulog na hulog na siya sa binata. 

“So, tell me. What else do you want me to do for you?” tanong nito sabay kindat. 

Was he seducing her? 

Pilit niyang binasa ang malamlam nitong mga mata pero wala siyang makita mula roon kundi ang sarili niyang repleksyon. He was intently staring at her eyes, just staring. God, she has never been stared at like that before and it felt so good that she has the urge of just kissing the guy and forgetting about anything like for instance, her meeting, which is happening any minute now.

“Oh, no. Late na naman ako sa meeting!” Tumayo na siya at mabilis na kinuha ang mga gamit sa ibabaw ng mesa. “Thank you for this and I’m sorry, I don’t want to be rude but I have to go.”

“Gusto mo bang sumama ako sa office mo?” tanong nito sabay kuha sa itim nitong polo na nakasampay sa sandalan ng isa sa mga upuan. “O hintayin na lang kita dito hanggang sa makauwi ka? I will cook a special dinner for us.”

“A-Amiel...it’s Amiel, right?” alanganin pa niyang tanong. I am really thankful for what you’ve done pero hindi mo na kailangang sumama sa akin o hintayin ako dito. It’s okay.” Lumakad na siya papunta sa pinto at inilapat ang palad sa Biometric Palm Scanner. Ilang segundo lamang ay umilaw iyon, tumunog at pagkatapos ay bumukas na sa wakas ang pinto. 

“Okay, pero kailan uli kita makikita?” tanong nito matapos makapagsuot ng polo. Kasunod pa rin niya si Amiel sa elevator at hanggang sa napakalawak na lobby ng tinutuluyan niyang Luna Sky Tower. Kailangan pa niyang utusan si Blake para i-scan ang lokasyon ng kaibigang si Eve at nang ma-locate iyon ng kanyang VeeBee ay nakita niya ito na mag-isang nakaupo sa lounge kung saan ito kanina pa naghihintay.

“H-how about I’ll get your number and I’ll call you as soon as I can?” nagmamadali niyang sabi nang hindi tumitingin dito. Pasimple niyang pinindot ang MoonWatch at iniabot rito ang kanyang kanang kamay para ma-scan ang number ng binata dahil palapit na sa kanilang direksiyon si Eve na abot-tainga ang ngiti. 

“Fine.” Pinindot rin nito ang sariling MoonWatch at idinikit sa kanyang relo. “I’ll wait for your call or I’ll just call you, okay?” 

Tatango na sana si Agnes at magpapaalam na kay Amiel pero parang kidlat si Eve na mabilis ito’ng tinabihan. 

“Sinech itey, bessy? Hindi mo ba ako ipapakilala?” todo-ngiting tanong ni Evelyn na titig na titig sa binata. Maagap itong nakipagkamay.

“The name’s Amiel, Agnes’ boyfriend.”

Napanganga si Eve at salitan silang tiningnan. 

“He’s kidding. We just met, Eve,” paliwanag niya. 

“Well, yeah, we just met but I’m gonna be her boyfriend, real soon,” nakangiti nitong sabi sabay tingin sa kanya. “Right, honey?”

~~

No comments:

Post a Comment

Popular Posts