Quote of the Day

“Success is getting what you want, happiness is wanting what you get” ― W. P. Kinsella

Thursday, July 7, 2022

For the Love of Agnes (Chapter 3)

OH my gosh. Choosy ka pa, bessy? That Amiel guy is the hottest I have ever seen in my entire existence, no exaggeration! Tapos, sasabihin mo lang na you’ll think about it kung ibo-boyfriend mo o hindi? Naku naku, Agnes! Gusto mo bang i-untog ko ang ulo mo sa pader para matauhan ka? 2090 na ngayon, baka nakakalimutan mo. Aba, isasabuhay mo ba talaga ‘yang Maria Clara peg mo?”

Kumunot ang noo niya dahil wala siyang ideya kung sino ang Maria Clara na sinasabi nito.

“Oh, I forgot. Hindi mo nga pala kilala si Maria Clara. Well, ‘lemme give you a quick Philippine history lesson. Si Maria Clara ang heroine ni Dr. Jose Rizal sa nobela niya na Noli Me Tangere noong 1887. Si girl lang naman ang epitome ng isang dalagang Pilipina noon - mahinhin, conservative, mayumi, submissive, hindi makabasag-pinggan. Parang inaasta mo, ngayon.”

Umiling siya at nagsalin ng wine sa kanyang baso. Kung hindi lamang siya pinilit ni Eve na pumunta sa bar na iyon pagkatapos ng trabaho. Pero marami na siyang utang na pangako sa kaibigan na hindi niya natutupad kaya iyon lamang ang pagkakataon para mabayaran niya ang lahat ng iyon. 

The bar was one of the newest in the city where the old meets the new. Neon lights mixed with the Japanese inspired interiors complete its aesthetic appeal. It’s already her favorite hangout place to date, she’s got to admit and if not for Eve’s connections, she wouldn’t be able to discover it.

Bukod sa malawak na dance floor ay mayroon din itong high-tech bar kung saan p’wedeng um-order sa isang robotic bartender na bukod sa mukhang totoong tao ay kaya ring makipag-usap na parang tao. Sabi nga ni Eve, it’s going to be the future - machines and artificial intelligence. Dahil ngayon, hindi lang doon sa Futurum mayroong AI employees kundi maging sa mga bangko, malls at ospital.

Artificial intelligence at workplace isn’t new. It has been around for almost a century but the emergence of the most advanced human-like AI robots had just started for about two decades ago.

“I’m sure you know nothing about Dr. Rizal because you grew up in the States but this isn’t about him, bessy. This is about you, your love life, your future and Amiel. Naku, kung single lang talaga ako, a-angkinin ko na ‘yang si Amiel na ‘yan agad-agad! Susmio, sa panahon ngayon, wala ka nang makikilalang tulad niya. Guwapo, makisig, mabait, marunong magluto at higit sa lahat, bet na bet ka, bessy!”

Pero muli, umiling-iling lang si Agnes. “May pinainom ka ba sa akin kagabi? Nag-blackout ako, Eve. I have no idea what happened after the party. The last thing I knew, I was on my bed, inside my room.”

“Sorry,” nangingiti pang paumanhin ni Eve. “Gusto ko lang namang subukan ‘yung party drug na bigay sa akin ni Gideon na bagong release raw ng pharmaceutical company nila.”

“At ako talaga ang ginawa mong guinea pig?”

“No harm done naman, diba? At least now we know that it works!”

“Yeah right, it works just fine!”

This new party drug is going to be released by the name Felicity. Both a stimulant and a hallucinogenic, it causes the user to feel real good without any side effects – well aside from forgetting everything the morning after. Which, according to Eve could be easily tweaked. 

“Eh kung may nangyaring masama sa akin kagabi, ha?”

“Bessy, hahayaan ko ba namang mangyari ‘yon sa’yo? Pasalamat ka nga dapat sa akin dahil kung hindi dahil do’n, hindi mo makikilala si Amiel. Sige nga, sabihin mo nga sa akin, magkakalakas ka ba ng loob na lapitan at isayaw ‘yung si Amiel kung hindi dahil sa party drug na ibinigay ko sa’yo? Hindi, diba?”

“Pero-”

“Walang pero-pero, Agnes! Ilang taon ka na bang single? At sa panahon ngayon, sa tingin mo ba makakahanap ka pa ng matinong lalaki? Oh, let me rephrase that - sa tingin mo ba, makakahanap ka pa ng lalaki sa panahon ngayon?”

Of course, Eve has a point. She always has a point. Simula noong 2040, biglang bumaba ang populasyon ng eligible men dahil na rin sa panukala ng gobyerno na ipadala ang lahat ng lalaki sa giyera sa iba’t-ibang bansa para protektahan ang natitirang isla ng Pilipinas mula sa pananakop ng mga dayuhan. Kaya naman bilang na lamang ang mga lalaki sa bansa - iyo’ng mga miyembro ng pamahalaan, mga doktor, siyentipiko at iba pang kasapi ng mga mahahalagang sangay ng siyensiya at teknolohiya – na wala na ring oras sa pagdating sa pag-ibig.

Ah, love. The word seems like a fairy tale now.

At isa lang ang ibig sabihin no’n - bumaba na rin ang tiyansa nilang mga babae na makatagpo pa ng Mr. Right. These days, Mr. Right is just a tale created by earlier generations to give women false hope. It is only an illusion, a myth that should be dispelled from the face of the earth. At marahil ay dahil na rin sa advanced technology, unti-unti nang nawawala ang koneksiyon ng mga tao sa bawat isa. Ito rin ang dahilan kung bakit mas pinipili ng mga tao ang tulad ni Blake bilang ‘companion’. Gone were the days when men and women have to copulate to reproduce not just because of isolation but also because of the rise of infertility rate. 

“It’s time for you to give that Blake up, for Christ’s sake. Kailangan mo rin naman ng totoong human intimacy.”

Napalabi siya. “Sino ba ang ayaw ng totoong human intimacy? Kasalanan ko ba kung wala naman akong makitang lalaki na karapat-dapat sa human intimacy na ‘yan?”

“Ngayon, meron na bessy! At malaking kasalanan kapag pinakawalan mo pa si Amiel, sinasabi ko sa iyo! Naku, kung wala akong Gideon, naku talaga, ikukulong ko na sa kuwarto ko ‘yang si Amiel at 24/7 kami doon! My gosh, nakita mo ba ‘yung biceps niya? Parang ang sarap lambitinan, bessy! ‘Yung chest at abs muscles, pumuputok sa kanyang shirt! Grabe, iniisip ko pa lang, nanlalambot na ang mga tuhod ko!”

Natawa na lang si Agnes sa kaibigan dahil hindi nito mapigil ang kilig. Totoo naman na nakakakilig ang kakisigan ni Amiel at napatunayan niya iyon noong madatnan niya itong hubad-baro na naghahanda ng umagahan sa kanyang kusina. 

Inikot ni Agnes ang mga mata sa paligid at lihim na hiniling na sana ay makita roon si Amiel. Dalawang araw na ang nakalilipas mula nang nagkakilala sila ni Amiel at kahit pa nga gusto niya itong tawagan ay parati siyang nauunahan ng hiya. Hindi dahil sa mahiyain siya kundi dahil sa hindi siya sanay sa mga ganoong bagay. Hindi na siya sanay humarap at makipag-usap sa mga lalaki, maliban kay Blake na halos ituring na niyang virtual boyfriend. 

Lahat yata ng kakilala niya, mapa-babae o lalaki ay may virtual relationships, maliban kay Eve na isa sa mga nalalabing masuwerteng babae na nakakilala ng Mr. Right. Kung sabagay, suwerte yata ang kaibigan sa lahat ng bagay. Maganda ito, masayahin. She’s one of the most talented fashion designers in their company and one of the best paid as well. Tulad niya itong nag-iisang anak kaya naman itinuring na niya itong kapatid. 

Si Eve ang nagpakilala sa kanya sa konsepto ng VeeBee o virtual boyfriend at si Blake ang kanyang una at tanging VeeBee at isipin pa lamang niya na hindi na niya ito makakausap ay parang tinutusok na ang puso niya sa sakit. 

“Come on, Agnes. Blake is just an AI. P’wedeng-p’wede kang bumili ng kahit ilang Blake o p’wede kang bumili ng mas bagong version pero Agnes, wala ka nang makikitang tulad ni Amiel sa mundong ito. I mean, seriously, baka siya na lang ang nag-iisang lalaking ganyan ngayon!”

Iyon ang paulit-ulit na paalala sa kanya ni Eve sa tuwing sinasabi niya rito ang dahilan sa pagdadalawang-isip niyang mas kilalanin pa si Amiel. 

“Sabihin mo nga sa akin, bessy, saan ka ba talaga takot, sa commitment o sa intimacy?”

Ilang sandali pa bago siya nakatugon. Inubos muna niya ang lamang beer sa baso atsaka tiningnan ang kaibigan. “P’wede both?”

“Hay naku,” napapailing sa sabi ni Eve. “Paano mo maisasakatuparan ang pangarap mo na maging kauna-unahang babae’ng magsisilang ng kauna-unahang sanggol sa siglong ito kung takot ka sa commitment and worse, sa intimacy?”

Hindi rin niya alam basta ng alam lang niya, hindi pa siya handa sa ganoon sa ngayon.

“Eh kailan ka pa magiging handa, kapag tuluyan nang maubos ang mga lalaki sa planet earth?”

Yeah, that could really happen in their lifetime - ‘yung maubos na ang populasyon ng mga kalalakihan sa mundo at sa oras na mangyari iyon ay tuluyan nang magiging panaginip na lang ang matagal na niyang pinapangarap na magkaroon ng anak.

“Better call him, Agnes. Now. Bago ka pa maunahan ng iba.” 

No comments:

Post a Comment

Popular Posts