Quote of the Day

“Success is getting what you want, happiness is wanting what you get” ― W. P. Kinsella

Tuesday, July 19, 2022

Location, Location, Location


Aside from powerful characters, isa sa mga dapat bigyang pansin sa pagsusulat ng nobela ay ang lokasyon. Dapat sa umpisa pa lang, madala mo na ang mga readers mo sa mundo mo. Dapat, chapter 1 pa lang, maramdaman na nila na parang nando'n sila mismo sa lugar ng pinangyarihan, mapa-coffee shop man 'yan o gubat o kahit sa ibang planeta pa.

You have one goal - to convince your readers that they are actually 'there', with your characters. Therefore, you need vivid desriptions of the place, things, weather, etc. 

Mahirap? Oo naman. Sobra. 

Isa sa mga problema ko kung bakit hindi ko naitutuloy ang pagbabasa ng mga stories online is nakukulangan ako sa description. Hindi ko ma-imagine ang scene kasi nga kulang sa detail o sa paglalarawan ng lugar kaya hindi ko rin masyadong ma-'feel'. Hindi ko alam kung ako talaga ang may problema pero bilang reader, you need to bring me to the scene as early as possible.

So, example, chapter 1. Dialogue ng main character - then, maiistorbo ng sekretarya niya, dala ang sandamakmak na papeles. Doon pa lang, malalaman na kung nasaan ang bida - nasa opisina. Magdagdag ng iba pang descriptions para mailarawan nang mas mabuti ang opisina - maliit ba, malaki, magulo, malinis? P'wedeng gamitin ang show don't tell technique para mas maging powerful.

When it comes to building sense of location, details are important. P'wede mong sabihin na - Sa isang simpleng bayan ng San Agustin nakatira si Maria. Pero masyadong generic, diba? Kumbaga napakaraming simpleng bayan, so what makes San Agustin different? 

Make it better - Mabibilang lamang sa daliri ang bahay sa bayan ng San Agustin. Gawa ang mga ito sa pawid ang ang ilan ay sira na ang ilang bahagi at tila napaglipasan na ng panahon. Bago marating ang lugar ay kinailangang tawirin ni Maria ang ilog kung saan kitang-kita niya ang iba't-ibang klase ng bato at maliliit na isda na tila ligayang-ligaya sa paglangoy. 

Bukod sa visuals, huwag kalimutang gamitin ang iba pang senses - smell, touch, hearing, taste. 

Avoid using boring nouns - bintana, gusali, sahig. Bigyan sila ng buhay by adding adjectives or other words that can help describe them better - basag-basag na bintana, mataas at modernong gusali, makintab na sahig na gawa sa marmol.

Hindi naman kailangang bawat paragraph ay may description ng lugar. Be selective. Trust your instinct as a writer.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts