Quote of the Day

“Success is getting what you want, happiness is wanting what you get” ― W. P. Kinsella

Thursday, July 14, 2022

Sneak Peek of Ang Boyfriend Kong Hindi by Tamara Cee



 

"Alam ko na magiging mahirap para sa iyo na makita at makasama ako nang hindi siya naaalala pero Meg, gagawin ko lahat para iparamdam sa iyo na ako ito, si Nick, na iba ako kay Neil. Bibigyan kita ng mga bagong alaala, mga magagandang alaala na tatabon sa mga alaala mo sa kanya."

 





CHAPTER 1

YES, honey, I understand.”

Inihinto ni Meg ang kanyang lumang puting Beetle doon sa tabi ng kahabaan ng highway. Nakalagay ang headset niya sa tainga, kausap si Neil, na dapat ay kasama niya ngayon pauwing Batangas.

“I’m really sorry. Alam mo namang matagal ko na itong hinihintay, diba?”

“I know.” Tumangu-tango si Meg kahit hindi nakikita ng kausap. Nagsisimula nang uminit ang ulo hindi lang dahil sa sobrang traffic at sa init ng araw.

“Hindi ka galit?”

“Sabi ko naman sa iyo, okay lang.”

They have been planning on this trip for almost a month and now, he had to be in Singapore for that annual design conference at ito ang ipinadala ng kumpanya nito bilang executive engineer. Alam ni Meg na matagal na iyong hinihintay ng kasintahan, and it would probably lead to his anticipated promotion, as assistant to the president. Wala naman siyang puwedeng ibang isagot doon kundi okay lang.

“Honey, what if humabol ako sa kasal ng pinsan mo? I think I could manage if I make some adjustments.” muli niyang narinig sa kabilang linya.

“No, you don’t have to do that, Neil. That’s important to you.” Lalaine’s wedding is in three days and there is no way he could be there, she’s sure about that. 

“Honey, you know you are more important than anything else in the world for me.”

Hindi alam ni Meg kung kikiligin o maiinis dahil sa narinig. Neil always knows the right things to say. He’s sweet, understanding and adorable - he’s just perfect. And sometimes, he’s just too much.

“Sige na, baka ma-late ka sa flight mo.”

“Drive safely. And I’ll call you every now and then. Mag-iingat ka doon at huwag kang lalabas ng bahay nang nag-iisa.”

“Okay,” sagot niya sabay pihit ng susi ng sasakyan.

“I miss you already.”

“Yeah, ‘miss you too.”

“I love you.”

Maraming beses nang nakapangako si Neil na sasama sa kanya sa Batangas para makilala ang kanyang ina pero maraming beses na rin itong hindi natuloy. Dahil sa trabaho, sa mga conference at mga hindi inaasahang pangyayari, katulad ngayon. Maraming beses na rin niya itong pinagtakpan sa nanay niya, at ngayon ay nag-iisip na naman siya ng magandang dahilan sa hindi nito pagdating.

It has been almost a year…and it has been the best for Meg. At 26, na-promote siya bilang head ng kanilang accounting department at nakilala niya si Neil sa isang beach party na pinuntahan niya noon kasama ang kanyang mga kaibigan. Kinailangan pa siyang pilitin ng mga ito na dumalo sa kasiyahang iyon dahil nang mga panahong iyon ay gusto lang niyang maglagi sa bahay nang buong maghapon at magdamag. She was in the ‘mending a broken heart process’, and she didn’t want to go out, didn’t want to see other people, or even see herself in the mirror. Kung hindi niya siguro nakilala si Neil nang gabing iyon at hindi siya nito nasagip sa pagkalunod, it’s either she’d end up dead, or be a man-hater all her life, seducing every single male species on earth and tearing them up into million pieces.

Ilang minuto nang nakahinto ang sasakyan ni Meg sa coastal road at hindi niya alam ang dahilan ng sobrang traffic sa katanghaliang iyon. Napapailing niyang nilakasan ang aircondition ng kotse pero parang wala ring nangyari. Nasa harap niya ang bagung-bagong itim na Expedition, sa kanan ay isang magarang pulang Pajero at nang tumingin siya sa kaliwa ay nakangiti pa sa kanya ang lalaking nagda-drive ng magandang Porche. Saglit rin niya itong nginitian matapos maglagay ng CD sa player. Sa tuwing makakakita siya ng mamahaling mga sasakyan at ng mga nakasakay doon na komportableng-komportable sa pagkakaupo sa malalamig na sasakyan, gusto na niyang magsisi kung bakit nga ba nagti-tiyaga pa rin siya sa lumang beetle na ‘yon na panahon pa yata ng hapon. Ilang beses na siyang itinirik no’n sa gitna ng daan, sa kainitan ng panahon, at sa malakas na bagyo.

“Posporo na lang ang kulang d’yan, Meg, ah,” natatawang sabi ni Lalaine nang minsang bumisita ito sa apartment niya sa Maynila at makita ang lumang kotse. “Wala ka bang balak na palitan ‘yan?”

“May sentimental value sa akin ‘yan,” sagot niya. “’Yan na lang ang naiwan sa akin ng Tatay ko.”

Kaya siguro kahit ilang libong beses pa ulit siyang itirik ng sasakyan na ‘yon ay hinding-hindi niya iyon ipagpapalit sa kahit na ilang high-end na kotse. Alam niyang maraming alaala ang Tatay niya sa kotse na ‘yon at kahit man lang sa pamamagitan ng beetle ay parang nagkasama na rin sila ng Tatay niya.

~~

WALA pa ring pinagbago sa kabuuan niyon. Gawa ito sa bato, luma, katulad ng karamihan sa mga bahay doon sa lugar nila. Bihira na lang sa isang taon nakakauwi dito si Meg, kapag pista, Pasko, bagong taon, at kapag may mahahalagang okasyon katulad na lang ng kasal ng pinsan niyang si Lalaine.

Nagulat siya nang malaman na ikakasal na ang pinsan dahil sa kanilang dalawa, si Lalaine ang malayung-malayo na magpakasal. She’s been in love once and only once at sabi pa nito sa kanya noon ay magpapakasal lang ito sa tao’ng tanging minahal niya. Si Marvin. Her childhood sweetheart, at nasa elementary pa lamang sila ay sigurado na si Lalain na si Marvin na ang ‘the one’.

But as they live different lives, they ended up having relationships with different people. Para kay Lalaine, wala na ang ideya ng kasal at pagkakaroon ng sariling pamilya nang maghiwalay sila ni Marvin. Until one day, they met again. Sa isang ospital sa Manila, kung saan nagtatrabaho si Marvin bilang nurse. Nagkasakit noon si Lalain habang nagbabakasyon sa kanya at noon uli nag-krus ang landas ng dalawa. Si Marvin ang naging attending nurse ni Lalaine and the rest, as they say, is history.

And when Marvin proposed marriage in her hospital bed, she could only cry for so much happiness. 

Kaya siya biglang umuwi sa Batangas, para kay Lalaine. Matagal na iyong pangarap ng pinsan at sa kahit pa sobrang abala, pinilit niyang makakuha ng isang linggong bakasyon. Naisip niya na panahon na rin siguro para maipakilala niya si Neil sa kanyang ina pero dahil sa isang hindi inaasahang conference sa Singapore ay hindi na naman iyon matutuloy.

Habang kinukuha ang mga gamit sa kotse ay nag-iisip pa rin si Meg ng maidadahilan sa kanyang ina. Alam niyang hindi na naman siya nito titigilan sa mga pangaral tungkol sa nobyo niya. At nang makita niya ang nanay sa pintuan, wala siyang nagawa kundi ang ngumiti.

“Ikaw lang uli? Nasaan ang nobyo mong hilaw?” tanong nito sa kanya nang pababa sa malawak na  hagdan para salubungin siya. Maliit itong babae, maputi, maganda. Nakapusod ang buhok nito.

Ngumiti lang si Meg. “’Nay, wala ba munang good evening?” tanong niya. Nagmano siya rito at tinulungan siya nitong i-akyat ang dalawang bag.

“Good evening. Oh, nasaan ang nobyo mong hilaw?”

Hanggang sa pagpasok sa loob ng bahay ay tungkol pa rin kay Neil ang paksa ng usapan nila.

“’Nay, may biglaang meeting, siya ang pinadala sa Singapore.”

Naupo siya sa upuang kahoy at ninamnam ang unang gabi sa bahay. Doon siya ipinanganak, doon siya nag-elementarya, at nag-high school. At kung siya rin ang masusunod, gusto niyang doon na rin manatili habang-buhay. Pero nasa Maynila na ang buhay niya ngayon, ang trabaho, ang mga kaibigan at si Neil.

Gusto niyang sa bahay na iyon din siya magkapamilya, na parang imposible nang mangyari ngayon. Maraming pangarap si Neil para sa kanilang dalawa - sa Maynila, hindi doon. Nang muli niyang tiningnan ang kabuuan ng bahay, nanghihinayang siya sa hindi pagsama ni Neil.

Karamihan sa mga gamit ay luma na rin, panahon pa marahil ng mga Hapon. Kahoy ang mga upuan, narra ang hapag-kainan, pati ang mga cabinet sa mga kuwarto, at ganoon din ang mga kama. Malawak ang sala, na kasunod ang kusina at ang kainan na ibabang palapag ng bahay. May apat na kuwarto sa itaas pero ang paboritong parteng bahay ni Meg ay ang veranda dahil tanaw mula doon ang kabuuan ng bayan at masarap ang simoy ng hangin pag sapit ng dapit-hapon.

“Ano naman kaya ang susunod na alibi niyang si Neil? May meeting sa Iraq? Sa Afghanistan? Baka ipadala na siya sa buwan ng kumpanya nila sa susunod, ha.”

Napuno ng tawanan ang hapag-kainan, na matagal-tagal na ring hindi nangyayari. Pati si Joan na dala ang bandehado ng kanin ay natawa rin. Mas bata sa kanya ng dalawang taon si Joan, anak ito ng dati nilang kasama sa bahay sa isang African American. Pagkatapos makapaligo at makapagbihis ay tinulungan niya ang ina na maghanda ng hapunan, samantalang walang ibang bukang-bibig ang nanay niya kundi si Neil.

“Kaunti na lang, maniniwala na ako na imahinasyon mo lang iyang Neil na iyan.”

“’Nay, sabi ko naman sa inyo, narito iyon ngayon kung hindi importante iyong conference. Matagal na niyang hinihintay iyon. After that, baka ma-promote na siya.”

“At ano, lalong magiging busy at talagang hindi ko na siya makikilala, ganoon ba?”

Sa totoo lang, isa iyon sa mga inaalala ni Meg. Paano nga kung ma-promote si Neil? Siguradong mas magiging busy ito kaysa sa ngayon. Mas maraming meeting, mas maraming oras sa trabaho, pero ganoon talaga, naisip niya. Para rin naman iyon sa kanilang dalawa, iyon ang palagi niyang sinasabi.

“Naku, Meg, baka mismong araw ng kasal ninyo, i-cancel niya dahil may emergency meeting sa Mars.”

Magsasalin na sana si Meg ng juice sa baso nang may marinig silang nagta-tao po sa labas. Alas otso na noon ng gabi at sa mukha ng nanay niya ay wala itong inaasahang bisita nang mga oras na iyon. At nang dumungaw siya sa bintana ay halos mapatili siya sa tuwa.

~~

Ang Boyfriend Kong Hindi Teaser

Read full novel for free

No comments:

Post a Comment

Popular Posts