Quote of the Day

The idea of me is better than the reality of me. - Verity

Wednesday, July 20, 2022

Sneak Peek of Tasha's Blog Post #934: Pagsintang-pururot Revisited



“Ikaw ang babaeng gusto kong maging girlfriend noon pa, Tasha. At hindi ko alam kung bakit hindi mo ‘yon maramdaman. Have I already lost my charm with women? Because with you, I can’t seem to make anything right.”


EXCERPT:

ISANG araw bago ang Valentine’s, nakatanggap siya ng tawag at text message mula sa road manager ni Red, para sabihin na susunduin siya ng isang limo sa kanyang apartment, eksaktong alas nuebe ng gabi. 

Limousine. Kahit kailan ay hindi pa siya nakakasakay sa isang limousine. Ano nga ba ang bumabalot na misteryo sa pag-imbita ng isang Red Esquivel sa isang tulad niya na isang hamak na blogger lamang? Oo nga’t popular rin siya – pero sa social media lamang at hindi siya kailanman magiging ka-lebel ni Red. At sa tingin niya ay hindi rin naman siya ganoong kagandahan para pag-aksayahan ng panahon at sunduin pa ng limousine.

Tasha never considered herself as a head-turner - she’s as simple as any girl could get. Hindi siya katangkaran, hindi rin naman kaputian. Noon ay tampulan siya ng tukso dahil sa singkit niyang mga mata, na kinaiinggitan na ngayon ng karamihan dahil na rin sa pagka-uso ng Kpop at mga Koreanobela.

Siya ang tipo ng babae’ng tipikal na makikita sa harap ng laptop – nakasalamin, naka-pusod ang buhok, walang lipstick, walang make up. Nerdy, geeky. At kahit eksperto siya pagdating sa fashion dahil na rin sa trabaho, wala siyang hilig sa kung ano ang usong pananamit o itsura at wala siyang pakialam sa sinasabi ng ibang tao na mukha siyang manang o kaya ay masungit na librarian.

Marami na ang nagsabi sa kanya na kaunting make-up lang, kaunting ayos lang, papasa na siyang pang-cover ng men’s magazine. Because yeah, she’s got the body pero madalas naman niya iyong itinatago sa pamamagitan ng pagsusuot ng maluwag at mahabang damit, na hindi naman talaga nakakatulong. There were a lot of times when she hated her body because she couldn’t wear fitted shirts or tanktops or shorts or skirts without looking too provocative.

Tasha is not comfortable every time somebody calls her gorgeous. She’d rather be adored by her simplicity, wit and her infectious smile. Tasha is far from being called a ‘Diyosa’ but her charm got her the nickname ‘Chinita Sweetheart’, especially in different social media. 

Paano na lamang kapag pinagtabi sila ni Red Esquivel? Hindi kaya siya magmukhang personal assistant nito? Kaya ang payo ni Jene, mag-effort naman raw siya kahit kaunti, bumili ng bagong damit at magpa-parlor. It was too much of a hassle, but just for this time, for the sake of her job, she’ll try to come out of her comfort zone.

Isang light yellow floral summer dress ang napili niyang isuot at dahil sa natural na maganda ang mahaba niyang buhok, the stylist just made a texture that’s a bit undone, making her overall look more alluring. Kahit siya ay medyo nagulat nang makita ang sarili sa salamin. Jene’s right – with a bit of effort, she could look gorgeous and decent at the same time.

And then, the time has come. Eksaktong alas nuebe ng gabi nang may humintong kulay puting limousine sa harap ng kanyang apartment.

Wala siyang ibang kasama sa sasakyan kundi ang driver. Pagkasakay na pagkasakay niya sa limousine ay naamoy agad niya ang lavender na pabango sa loob. Kulay krema ang car seats na gawa sa authentic leather, may mga wine glasses, personal refrigerator at isang bote ng red wine na nakalagay sa ice bucket. 

It was a half-hour drive. Nagulat pa siya nang biglang bumukas ang pinto ng sasakyan at may isang naka-barong na malaking lalaki ang sumundo sa kanya. Maraming tao sa labas ng establisyimentong iyon, maraming ilaw at maraming reporters na may mga dalang camera. Hindi niya inaasahan na ganoong eksena ang madaratnan dahil ang alam niya ay isang simple’ng dinner lamang ang magaganap sa gabi’ng iyon.

May dalawa pang malalaking lalaki’ng nakabarong ang lumapit sa kanila na agad siyang pinalibutan habang papasok ng building. Parehong may dalang radyo ang mga ito, at ang isa ay may kausap sa kabilang linya. Sumakay siya ng elevator na kasama pa rin ang tatlong lalaki, hanggang sa huminto iyon at bumukas sa rooftop. 

Napakadilim roon at wala siyang maaninag kundi ang mga maliliit na ilaw na iba-iba ang kulay. Laser lights, disco lights, string lights, at lahat na yata ng klase ng ilaw. Halos magsiksikan ang mga tao sa dance floor habang ang iba ay nakapalibot sa mahabang bar sa kanang bahagi ng lugar. Bukod sa napakadilim, ay napakaingay rin roon at napakausok. Malakas ang tugtog na hindi niya alam kung ano, at sinabayan pa iyon ng mga sigawan at hiyawan ng mga tao.

Inalalayan siya ng kasama niyang security sa siko at iginiya papunta sa kaliwang dulong bahagi ng lugar at nakahinga siya ng maluwag nang sa wakas ay nakalanghap siya ng sariwang hangin.

“Boss Red, narito na po si Miss Tasha,” sabi ng sumundo sa kanya sa limousine kanina. Pilit niyang inaninag ang lalaki’ng nakatalikod sa kanila na nakatingin sa napakagandang skyline. Ilang saglit pa bago ito humarap sa kanila at itinaas ang kanang kamay bilang senyales na pinapaalis na nito ang mga lalaki’ng iyon.

Hawak ni Tasha ang kulay pula’ng clutch bag malapit sa kanyang dibdib, nakatunghay sa matangkad at makisig na lalaki sa kanyang harap. Nakita na niya si Red sa hindi na mabilang na magazines, billboards at commercials pero tama pala ang sabi ng marami, na iba talaga kapag nakaharap mo ito nang malapitan. At nang ngumiti ito sa kanya ay tuluyan na niyang nalimutan ang dahilan kung bakit siya naroon. 

“Hi, Tasha. Thank you for coming…so, how’s the drive?”

Perfect, kung p’wede lang niyang sabihin. Pero siyempre, hindi siya magpapahalata na noon lamang siya nakaranas makasakay sa limousine kaya ngumiti na lamang siya. At sa totoo lang, iyon lamang ang kaya niyang gawin sa mga oras na iyon – ang ngumiti. Dahil para bang ninakaw ng Red Esquivel na iyon ang kakayahan niyang magsalita.

“Upo ka,” nakangiti nitong sabi, na ipinagpasalamat ni Tasha.

Pinauna siya nitong maupo sa malambot na pandalawahang sofa na naroon. Tumawag ito ng waiter at um-order ng isang brandy at isang Margarita. 

Hindi niya napigilang titigang mabuti ang binata’ng katabi niya. Red was better looking in person, up close. His hair has short waves, his eyes were glistening sa tuwing natatamaan ng liwanag. Basa at mamula-mula ang mga labi nito na para bang napakasarap niyong humalik. Napapikit si Tasha at napailing dahil sa naisip na iyon. Sleeveless shirt ang suot ni Red, na nagpapakita ng toned muscles nito sa braso. At dahil sa nakaupo ito nang sobrang lapit, amoy na amoy niya ang pabango nito, na tila ba nagpapalasing sa kanya.

“Sorry kung medyo maingay rito at walang privacy. Wala na ko’ng time na mag-arrange ng dinner sa ibang lugar. We just finished our gig and everybody’s required to be here.”

Dahil sa ingay sa paligid, kinailangan pang ilapit ni Red ang mukha nito sa mukha niya para lamang marinig niya iyon - and yes, they almost kissed. At dahil doon ay lalong bumilis ang tibok ng puso niya. Nagulat pa siya nang bigla nitong hawakan ang kanyang kamay at hilahin palayo, papunta sa dance floor, na hindi na niya natanggihan.

Hindi siya mahilig sumayaw, at hindi talaga siya sumasayaw ng ganoon kaya bahagyang mga indak lang ang ginawa niya habang nasa harap niya si Red, na katulad lang rin niya ang mga galaw. Kailangan pa niya itong tingalain para lamang makita ang mukha nito. 

“Having fun?” malakas na sabi nito sa tainga niya.

Tumango siya, kahit pa hindi iyon totoo. For her, having fun is far from this kind of scene. Sa kabila ng ingay at sa dami ng tao sa paligid ay napansin niyang sa kanya lamang nakatingin si Red, which made her feel really uneasy. Nakatitig ito sa kanyang mga mata na para bang may gusto itong makita mula roon. Funny, his eyes, and the way he stares at her somehow feels familiar.

“Come on, doon muna tayo.”

Muli, hinawakan ni Red ang kamay niya at hinila pabalik sa kanina nilang puwesto. Pero sa pagkakataong iyon ay hindi na sila naupo. Kumuha si Red ng dalawang baso ng red wine sa dumaang waiter at ibinigay ang isa niyon sa kanya. Sumandal siya sa brick wall para pakalmahin ang sarili habang si Red ay nakaharap sa kanya, nakadantay ang isang kamay sa dingding. Again, he stared at her – the kind of stare that would definitely make any girl’s knees wobble. Siya ngang hindi fan ng Sly Crooner na iyon ay ganoon na ang epekto nito sa kanya, paano pa kaya kung katulad ni Jene ang tititigan nito ng ganoon? 

“P-paano mo nga pala nalaman ang tungkol sa akin?” sa wakas ay tanong ni Tasha, na kanina pa niya gustong itanong.

Kumunot ang noo ni Red at bahagyang natawa. Uminom muna ito ng wine bago tumugon. Hindi nito tinatanggal ang kamay sa dingding, maging ang mga mata nito sa kanya. “Sino ba ang hindi nakakakilala sa isang Tasha Suarez, The Silly and the Sassy Blogger?”

Sino nga ba ang hindi pa nakakabasa ng kanyang blog? Nang umpisahan niya ang ‘The Silly and The Sassy’ three years ago, it was an instant sensation. Siguro dahil na rin sa ang kanyang blog ang isa sa mga walang takot tumalakay sa mga paksang iniiwasan pag-usapan ng karamihan. Personal, politikal, relihiyon at kahit pa tungkol sa mga pribadong bagay ay hindi siya takot talakayin. That’s what the netizens love about her blog - it’s not just entertaining but it’s ‘realness’ is something most people could relate to. 

May ilang beses na rin siyang na-interview sa mga istasyon ng radyo at telebisyon at maging ng mga magazines at websites tungkol sa iba’t-ibang paksa. Sa umpisa, hindi naging madali para sa kanya ang ganoong klaseng atensiyon mula sa publiko pero nakasanayan na rin niya kalaunan. At nagpapasalamat na rin siya dahil sa sobrang dami na ng mga bagong blogs at websites ngayon ng katulad ng sa kanya dahil ngayon, hindi na lamang sa kanya nakatutukok ang buong atensiyon ng lahat. 

“Happy Valentine’s, Tasha,” mahina nitong sabi. “Wow, I never thought you’d be this…beautiful.” Masyadong malapit ang mukha nito sa kanya kaya naman hindi niya napigilang mapapikit. Suddenly, she felt lightheaded. 

Does he like her already? Because by the way he looks at her, it seems like it. He smelled a mixture of expensive perfume and wine and scotch – in other words, sexy. Narito siya ngayon dahil sa trabaho, dahil sa kailangan niya itong ma-interview kahit kaunti, hindi para sa ganito. Aminin man niya o hindi, she’s enjoying this peculiar night with Red. 

“I’m really glad to see you again,” bulong ni Red sa kanyang tainga. 

Again? Hindi na nagawa pang magtanong si Tasha tungkol doon dahil agad na tumungo si Red at dinampian ng halik ang kanyang mga labi. It was a light, playful kiss.

She was so stunned to do anything. Bahagya itong lumayo sa kanya at ngumiti, at pagkatapos ay muling lumapit. Hinawakan nito ang kanyang batok at muli siyang hinalikan sa labi – siniil ng halik sa labi ang mas tamang termino dahil mas malalim iyon, mas matagal.

Hindi alam ni Tasha kung ano ang nangyari, kung bakit wala siyang nagawa kundi tanggapin ang halik ng binata. Siguro, dahil sa ngayon lamang siya nahalikan sa buong buhay niya – at ngayon lamang niya nalaman na ganoon pala kasarap iyon.

“Let’s get out of here,” pagkadaka’y mahina nitong sabi at matamang tumingin sa kanya. Saglit na tinapunan ni Red ng tingin ang mga tao sa paligid, na tila may hinahanap at pagkatapos ay hinila na siya nito palayo roon.

“S-saan?” naguguluhan niyang tanong. Halos mapatid na sila sa mga upuan at mabangga ng ibang tao. 

“My place, yours, kahit saan.”

Nang marinig iyon ni Tasha ay biglang kumabog ang dibdib niya. Nang makarating sila sa tapat ng elevator ay pilit siyang kumawala sa pagkakahawak ni Red. Lumayo siya rito at tiningnan itong mabuti. “T-teka!”

“May kaibigan akong may unit dito sa building, puwede nating hiramin sandali. I’ll call him,” anito. Lalong nanlaki ang mga mata ni Tasha nang magsimula itong magpi-pindot sa mamahaling cellphone nito.

“T-teka, teka, a-anong ibig mong sabihin?” mahina niyang tanong para hindi marinig ng mga taong nagdaraan sa likod nila. “H-hindi ko maintindihan ang-“

“No need to play it coy, Tasha.” Muli nitong pinindot ang buton na parang inip na inip na. “Hindi mo na kailangang hintayin ang reunion natin. Heto na ‘ko, sa harap mo.”

Lalong naguluhan si Tasha sa mga nangyayari. “R-reunion?”

“I read your blog post about your first love – and he’s now standing right in front of you.” nakangiti nitong tanong sabay turo sa sarili. 

Siya man ay natawa rin at umiling nang marami. “S-sorry to burst your bubble, pero-“

“Come on, Tasha. Huwag ka nang mahiya. Hindi mo na kailangang magkaila, o magpakipot,” nakangiting tanong ni Red.

“H-hindi ako nahihiya o nagkakaila, at lalong hindi ako nagpapakipot. Hindi talaga ikaw ang tinutukoy ko sa blog post.”

Sinamantala ni Tasha ang pagkatulala ni Red. Nang bumukas ang elevator ay agad siyang pumasok roon at mabilis na pinindot ang elevator button para hindi na makasunod ang binata. Bumuntung-hininga siya nang sa wakas ay mawala na sa paningin niya si Red. Gusto niyang sumigaw dahil sa sobrang pagka-inis.

Ano ba ang naisulat niya sa blog niya at bakit naisip ni Red na ito ang tinutukoy niyang pagsintang-pururot samantalang ni hindi nga niya ito kilala?

For Tasha, it was the most surreal night ever, but it was definitely one of those nights that she won’t soon forget. Napailing siya. Lumabas siya ng elevator nang nakahawak ang isang kamay sa kanyang mga labi, nakangiti.


~~


No comments:

Post a Comment

Popular Posts