Quote of the Day

“Success is getting what you want, happiness is wanting what you get” ― W. P. Kinsella

Saturday, July 16, 2022

So, What's Wrong with Pinoy Teleseryes Nga Ba?


Huwag daw ikumpara ang mga Pinoy teleserye at movies sa mga movies at series from Korea at US kasi magkaiba raw ang kalakaran. Like maliit ang budget dito sa atin, walang creative freedom ang mga writers at ura-urada ang pagsusulat ng kuwento at script kaya madalas, hindi maganda ang kinalalabasan. May sinasabi pa sila na walang kasupo-suporta ang mga Pinoy at walang pagmamahal sa sariling atin samantalang may mali naman talaga at may rason kung bakit mababa na ang kalidad ang mga pelikula at serye dito sa atin. Ang tanong, bakit hindi nila gawan ng paraan?

So, what's wrong with Pinoy teleseryes nga ba?

1. May mali sa characterization. Tipong mahirap ang bida, purong Pinoy naman ang mga magulang pero parang si Casper na sa sobrang puti and her kilays are always on fleek with matching eyeshadow, blush on and lipstick kahit natutulog. Taga-slums pero slang, mga bes. Ganda, kapogian at kasikatan lang talaga ang meron sa mga nagbibida sa mga serye, wala nang pakialamanan sa talent. 

2. Kilig without really the kilig factor. Uyam is the word. O sadyang thunders na ako kaya hindi ako maka-relate sa mga bagets? Ah ewan pero hindi nakakakilig 'yung mga batang parang elementary pa lang, may love team nang nagaganap. Pag-aralin n'yo muna ang mga bata, bago palandiin. 

3. Too much skin. At abs. At kissing scenes pati bed scenes. Para ba makahatak ng audience? Eh para n'yo na ring sinabi na hayok ang mga Pinoy sa laman. 'Yung tipong kahit walang kinalaman sa kuwento, may pahubad scene si mayor para makita ang nagngangalit na abs ng bida! At sa girls naman, ang mga suot, kulang na lang ay mag-bikini na. Conservative much siguro ako? Pero sana naiisip ng mga writers, producers, directors at networks ang impact nito sa mga kabataan.

4. Kulang sa research. Lalo na 'yung mga eksena sa ospital, kapag may ginagamot, kapag mayroong may sakit. Sana man lang, mag-interview muna sila ng nurse, doctor o kahit sinong nasa medical field at alamin ang tamang proseso ng paggamot. Ultimo pag-CPR nga, hindi pa magawa ng tama. Ganoon ba kahirap magpunta sa ospital at mag-research? Oh kahit manood na lang sila sa YouTube kung walang budget o kaya manood ng mga medical Kdramas - ay allergic nga pala sila sa Kdrama. Lol. 

5. Fight scenes. Obvious na kulang sa training. Hindi ka talaga matutuwang manood lalo na kung dinadaan na lang sa iba't-iba at mabilis na camera shots at angles na madalas sobrang nakakahilo na. Mangilan-ngilan lang talaga 'yung mga palabas na pinaghahandaan ng bida ang mga ganitong eksena at most of the time, sa 'p'wede na' ang bagsak nila.

6. Special effects. Nakakalungkot lang na mas magaganda pa 'yung effects na ginagawa ng mga bata sa YouTube at FB kaysa sa mga teleserye. At 'yung iba, naturingang 'fantaserye' pero matatawa ka na lang sa special effects - effects lang dapat tawag do'n, kasi wala namang special hahaha. Again, sa pilot episodes ka lang mapapa-wow, pero sa mga susunod na eps, waley na. Ang nangyayari kasi, bandwagon rin. Uso raw kasi ang mga superheroes, mga Avengers, ganyan pero wala namang sapat na budget. Kung walang budget, ipon-ipon muna bago sumabak sa fantaserye.

7. Soundtracks. Sakit sa tenga, sa totoo lang. Minsan, mas malakas pa 'yung kanta kaysa sa dialogues at madalas, hindi naman tugma sa scenes 'yung background music. Nakakawala ng momentum. Minsan, may gusto lang i-promote na bagong singer kahit walang connect sa story o kaya basta may mai-background music lang. Oo, ako na ang mababaw. Haha.

8. Mabagal at paikut-ikot. Eh bakit nga ba? Siyempre para pahabain dahil ayaw pa nilang mag-abalang mag-brainstorm ng panibagong serye. Tsaka kasi, kinakagat ng masa. Eh, paano ngang hindi kakagatin eh wala namang choice ang masa? 'Yung tipong alam na ng lahat ang sikreto ng bida at siya na lang ang bukod-tanging walang malay. 'Yung kaya namang i-solve ang problema sa current episode pero no, no, no, papaikutin pa sa kung saan-saan ang mga pangyayari, mga isa o dalawang linggo pa bago ma-reveal ang resolution. Sayang kuryente.

9. Halatang minadali at hindi masyadong pinag-isipan. Ang mga serye kasi dito, madalas, sinu-shoot nila ang mga eksena sa mismong araw ng pagpapalabas nito sa TV. Ang story conference, brainstorming, hindi lang nangyayari bago simulan ang production kundi araw-araw yata nangyayari. Hindi ba, dapat, mga artista ang mag-adjust sa kuwento? Pero dito sa atin, umiikot ang storyline sa availability ng mga artista, sa kasikatan ng mga artista. Kapag may mga bago silang discovered artists o mga nagka-comeback at kailangan ng exposure, isisiksik nila 'yan sa mga teleserye, gagawa ng mga bagong characters at subplots, kesehodang magkagulu-gulo na ang storyline basta magkaroon lang ng 'papel' ang mga alaga nila. Kaya ayun, araw-araw, nire-revise ang story at script. 

10. Cliche. Nothing wrong with cliche naman talaga kahit sa pagsusulat pero dapat siguruhin ng direktor at writer na maganda ang atakeng gagawin. Ang dami ko nang napanood na serye na iisa ang iniikot ng plot na kapag tinanggal mo 'yung mga unnecessary scenes and subplots, pare-pareho lang. Formulaic nga siguro. May nabasa ako noon na gano'n raw talaga ang mga telerye. Episodic, formulaic kasi may hinahabol na deadline, may producers na dapat sundin. 

11. Puro conflict. 'Yung katatapos lang mag-away ng mga bida, may pag-aawayan na naman sila. 'Yung katatapos lang nila i-solve ang isang issue, may darating na namang problema. Aba, parang totoo'ng buhay? Hahaha charot. Isang dahilan kung bakit tayo nanonood ng serye, supposedly is to be entertained, para naman kahit paano mabawasan ang mga problema natin pero ano ang hatid sa atin ng mga serye? High blood pressure. Kahit pigilin mo, hindi kaya eh, mapapamura ka talaga sa mga pinaggagagawa ng mga bida. Isa pang gusto kong i-point out, madalas, ginagawang tanga ng writers ang bida. Fine, dapat nga raw pahirapan ang bida para mailabas ang 'character' nito, oo pero huwag naman nilang gawing tanga to the point na ginagawa na rin nilang tanga ang mga nanonood. Hindi na kasi makatotohanan ang mga choices and decisions ng mga characters, nagiging obvious na manipulated na ang mga eksena.

Sabi naman ng iba, kaya iyon at iyon ang ginagawang teleserye, kasi, 'yon ang kinakagat ng mga viewers. No, iyon ang kinakagat ng viewers kasi, iyon lang ang available. See, nang magsimulang makapanood ang mga Pinoy ng Kdramas, they start craving for them kasi nga, something new, something fresh. May nagsasabi pa na mga sikat ang binibida sa serye kasi, sila ang maraming followers. Eh paano naman, sila at sila lang rin ang nakikita ng mga tao sa TV. Mapa-commercial, sa internet. 'Yung iba nga, overexposed na kaya minsan nakakaumay na. 

Huwag rin nating isisi sa mga writers ang pagiging stagnant ng Pinoy serye kasi hindi nila kasalanan 'yan. Wala silang say riyan. At the end of the day, producers at directors ang 'Diyos'. Kapag sinabi ng producers na hindi p'wede 'yan, hindi p'wede ito, dito lang dapat iikot ang istorya, dapat maganda ang image ng mga bida, hanggang ganito lang ang budget, hanggang d'yan ka lang, hanggang d'yan lang ang writer. 'Yung pagiging creative ng mga writers, nawawala 'yan kapag pera na ang usapan. Nakakalungkot pero totoo.

May pag-asa pa ba ang mga Pinoy teleserye? Oo naman pero hangga't money vs. creativity ang labanan, tatambay muna kami sa Netflix at Kdrama.

Art should never ever be rushed. Mapa-painting man 'yan, music, sculpture, script, tula o nobela. Art should be done with passion, from the heart. Kapag walang puso at puro 'negosyo' lang, hindi magiging maganda ang kalalabasan. And art should always be about expressing one's self and not because of the money and fame.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts