Quote of the Day

“Success is getting what you want, happiness is wanting what you get” ― W. P. Kinsella

Friday, July 8, 2022

Tamara Cee under Precious Hearts Romances

Noon, sabi ko sa sarili ko, isang manuscript lang ang ma-publish ko, okay na. Pero iba pala talaga 'yung 'high' kapag nakita mo 'yung sarili mong libro na naka-display sa shelves ng bookstores. And it's the same high I feel whenever I read comments about my novels especially when readers send me messages of appreciation. And that's why I'm still writing despite the difficulties. 



It was December 2014 when my first novel entitled Ang Boyfriend Kong Hindi was published by one of the most popular publishing companies in the Philippines, Precious Hearts Romances. Unang subok magpasa sa isang malaking pubhouse kaya iba ang feeling na mabigyan ng pagkakataon ang isang hindi kilalang manunulat tulad ko na makapasok sa PHR.

Sabi ko nga, nakaka-high ang feeling na magkaroon ng published book kaya ang libro na akala ko'y una't huli na ay nadagdagan pa. Sa ngayon, mayroon nang anim na libro si Tamara Cee under Precious Hearts Romances, kasama na ang isa na available sa digital format.

Hinding-hindi ko malilimutan ang sinabi ng isa sa mga teachers ko noon sa high school na may potential daw ako na maging writer balang-araw. At iyon ang pinanghawakan ko kaya heto ako ngayon.


Ang Boyfriend Kong Hindi

“Bibigyan kita ng mga bagong alaala, magagandang alaala na tatabon sa mga alaala mo sa kanya.”

Unang kita pa lang kay Neil ay sigurado na si Meg na ang binata na ang inilaan para sa kanya. Guwapo, mabait, responsable, at seryoso sa buhay si Neil. And what they had was almost perfect. 

But in a twist of fate, she met Nick, a man who had the capability of captivating every girl in a heartbeat. And he was one hell of a kisser, too. Si Nick ang nagpagising sa natutulog na damdamin ni Meg. Ito ang tanging lalaking nagparamdam sa kanya kung paano ang talagang mahalin. He was equivalent to excitement, passion, and fire. But his name also spelled danger. Now, Meg was torn between Neil and Nick—two men with opposite personalities destined to become a part of her life whether she liked it or not. Dapat bang makontento siya sa “okay na” o kailangan niyang pagbigyang lumigaya ang puso at makadama ng tunay na pag-ibig?




My Lovely Chef Amanda


“Call me possessive, fine. Because when it comes to you, I admit, I am possessive.”

Sabi nila, imposible raw na magkaroon ng platonic relationship ang isang babae at isang lalaki. Pero para kay Amanda, depende iyon. Kung makokontento ka sa pagiging kaibigan lang, posible. Pero kung katulad ni Justin ang magiging kaibigan mo, kalokohan ang platonic relationship. 

Hirap na nga siya sa pagdedesisyon kung mapapatira siya sa iisang bahay na si Justin lang ang kasama, iyon pa kayang makakasama talaga niya ito? Living with Justin in the same house was like a roller-coaster ride—mabilis, exciting, scary. He looked so sexy walking around the house wearing just his bathrobe and boxers. Kaya kahit gaano kagusto ni Amanda na panatilihin ang walang hanggan nilang pagkakaibigan, imposible iyon. It’s either lokohin niya ang sarili at mag-pretend na kaibigan lang talaga ang tingin niya kay Justin o umalis na lang. Pero hindi niya magawa alinman sa dalawa… nang halikan niya si Justin… sa lips… nang matagal.




Tasha's Blog Post #934: Pagsintang-pururot Revisited


Hindi man madaling kalimutan ang unang pag-ibig, hindi iyon sapat na dahilan para hayaan ang sariling makulong sa nakaraan. Dahil sa isang blog post ay nagulo ang tahimik na buhay ni Tasha Suarez—tungkol iyon sa kanyang pagsintang-pururot, na naging usap-usapan sa mundo ng social media.

At sa muling paghahanap sa kanyang puppy love na si Rafael, nakilala niya si Red Esquivel, ang Sly Crooner ng Red Jazz band. Sanay sa limelight ang lalaki at sa mundo kung saan lahat ay nakukuha nito. Pero para kay Tasha, isang salita lang ang makapaglalarawan kay Red—overrated. Dahil masyado itong sikat, masyadong magaling, masyadong guwapo, at masyadong mayabang. Pero hindi rin maikakaila ni Tasha na ang mga titig lamang ni Red ang nakakapagpawala sa kanya sa sarili. Paano pa kaya kung matikman niya ang mapang-akit nitong mga halik?

Paano na ang naipangako ni Tasha sa sarili na hinding-hindi niya ipagpapalit ang kanyang unang pag-ibig kahit na kanino? Kaya ba niyang talikuran ang kanyang unang pag-ibig para sa isang taong puno ng pagkukunwari?


Reservation to your Heart


Magnet si Paige ng complicated relationships. Men came into her life and they always left her. Hindi tuloy niya maiwasang isipin na baka nasa kanya ang problema, na baka masyado siyang possessive o clingy. Ayaw na niyang masaktan kaya ipinangako niya sa sarili na hinding-hindi na uli magmamahal. Pero tinabihan siya ni Glenn sa bar, nginitian at kinausap. Kung kailan gusto na niyang magbagong-buhay ay saka pa siya binigyan ng tuksong kasingguwapo ni Glenn, ang pinakaperpekto na yatang lalaking nakilala niya.

Glenn was her exact opposite, at ito na yata ang lalaking sa wakas ay hindi na mananakit sa puso niya. Glenn was good for her; pinasasaya nito ang kanyang puso. Pero hindi lang pala siya ang napaibig at napapasaya ng binata. Mahal din ito ng perpekto niyang kapatid na gusto niyang pasayahin. Paige had to choose between her own happiness and her sister’s…




Tagu-taguan ng Feelings


“Kung aagawin ba kita sa kanya, magpapaagaw ka ba?”

Ang ma-in love, talo. Iyon ang madalas sabihin ni Liv sa sarili—na hinding-hindi siya mai-in love sa best friend niyang si Manolo kahit ano pa ang mangyari. Dahil para sa kanya, corny iyon, cliché, at masyadong pathetic. Pero sa huli, tuluyan na rin niyang pinagnasaan—este, minahal ang kaibigan kahit pa may mahal na itong iba. Aamin ba siya o iiwas na lang?

Kung ayaw niyang ma-friendzone at masaktan, kailangan niyang pigilan ang sarili na hawakan ang kamay ni Manolo, haplusin ang pisngi, at halikan ang mapupula nitong labi… Pero paano iyon gagawin ni Liv kung tuwing tinititigan siya ni Manolo, pakiramdam niya ay siya na ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa? Pareho na ba sila ng nararamdaman, o sadyang “pa-fall” lang ang kanyang best friend?




When Anne Meets West Again

“If I could only leave everything behind just to be with you, trust me, I would do it.”

Gusto nang maniwala ni Anne sa kasabihang, “Kapag successful ang career, zero ang love life.” She had everything in this world a woman can ask for. Bonggang career, kotse, bahay, mapagmahal na pamilya, a best friend for keeps. Ang kaso nga lang, wala siyang love life. Dahil may isang tao mula sa nakaraan na hanggang ngayon, hinihintay pa rin yata niya—si West. Her one great love. Ang lalaking iniwan at ipinagpalit niya noon para lang maabot ang kanyang mga pangarap.

They met again after three years. Anne was ready to sacrifice everything just to be with West again. Bagay na hindi niya nagawa dati. Na-realize niyang mahal na mahal pa rin niya ang lalaki, mula noon at lalo na ngayon. But the problem was, nag-iba na si West. Hindi na niya makita rito ang dating lalaking minahal. He was cold, rude, and arrogant. And the saddest part? May mahal na itong iba.


You can still avail these books here: Precious Pages ebook store or ask the Precious Pages Bookstore near you! 


No comments:

Post a Comment

Popular Posts