Quote of the Day

“Success is getting what you want, happiness is wanting what you get” ― W. P. Kinsella

Friday, July 15, 2022

The Medium is a Possession Movie You Don’t Want to Miss

WARNING: 
This movie is rated 18 due to sensitive theme and scenes.
May mga eksena na obscene and  gruesome so better be ready.


Disturbing. This is probably the most accurate word to describe the movie The Medium. It is a Thai-Korean horror movie that will stay with you for quite some time. It’s not for the faint of heart, let me tell you. If you can’t deal with gore and sensitive subject matter, better think twice before watching.

I have high expectations about The Medium upon knowing that it was also by those responsible for the successful Korean horror movie The Wailing and the Thai horror Shutter. And it did meet my expectations. The Medium is definitely one of those exorcism movies that you don’t want to miss. If you are a fan of Asian horrors, you are in for a treat.

Ipapanood mo na sa akin lahat ng klase ng horror, huwag lang tungkol sa possession. Na-trauma ako no’ng una kong napanood ‘yung The Exorcist at lalo na ‘yung movie ni Julie Vega na nasapian siya sa kubo at sa tingin ko, hindi ko pa rin sila kayang panoorin uli nang nag-iisa. Pero sumugal ako sa The Medium. Bukod kasi sa magaling ang mga gumawa, may kasama akong manood. Ha, ha. 

Anyway, back to the review. Naka-set ang pelikula sa Isan, isang rural area sa Thailand na kung titingnan ay halos kaparehong-kapareho ng mga probinsiya dito sa Pilipinas. Kahit ang mga tao at tradisyon nila, parang sa Pinas din - may makaluma at makabago. May mga naniniwala sa mga sinaunang tradisyon at mayroon ding niyakap na ang makabagong gawi at relihiyon. 

The movie starts with a team of documentary makers who interviews Nim, isang shaman na sinapian umano ng espirito ng isang lokal na diety na si Ba Yan. She talks about her daily life and her family, that Ba Yan has chosen their family to be Its shaman. For generations, pumipili si Ba Yan ng isang babae sa angkan nila para maging medium na siyang magiging tulay para makipag-communicate kay Ba Yan.

According to Nim, she’s not Ba Yan’s original choice to be the shaman but her older sister, Noi. Pero hindi iyon tinanggap ni Noi dahil hindi na ito naniniwala sa mga ritwal at mas pinili nito ang maging Christian sa halip na yakapin ang tradisyon ng kanilang angkan. 

Nang mamatay ang asawa ni Noi, may mga kakaibang pangyayari na ang nararanasan ng nag-iisang anak na babae nitong si Mink. Dahil dito, naisip ni Nim na si Mink na ang susunod na magmamana sa pagiging shaman. Pero tulad ng ina nito, hindi rin naniniwala si Mink sa tradisyon ng pamilya lalo na sa Shamanism at pinili rin nitong yakapin ang Kristiyanismo. 

As days go by, Mink’s condition deteriorates but Noi still doesn’t want to believe that it’s because Ba Yan wants her daughter to be its medium. She starts seeking help but to no avail.

So, ang tanong, bakit kaya nagkakaganoon si Mink? Dahil nga ba sa siya ang napili ni Ba Yan na maging shaman o may iba pang dahilan? 

Aside from the cinematography and the jump scares, what I love about the movie is how the actors portray each character. Sobrang effective sila na parang hindi sila uma-arte lang. Bukod sa superb acting, akmang-akma rin ang mga itsura nila sa characters. They are like just normal people na hindi mo maiisip na artista sila talaga.

Medyo gasgas na ang mockumentary style sa horror films pero para sa akin, nagawa ito nang mahusay sa The Medium. Maraming jump scares at creepy scenes kaya ihanda ang puso bago manood. Again, this is probably one of the best possession movies I’ve seen in a while. Sobrang disturbing ang ilang scenes na minsan gusto ko nang i-fast forward!  

Medyo mahaba ang movie, more than two hours kaya mag-CR na at maghanda ng snack bago manood. Pero worth it. 

Did you know? 

Kung napanood mo na ‘yung The Wailing, masasabi mo na may pagkakahawig sila, especially sa mga ritual scenes. Sabi kasi, sa umpisa, sequel dapat itong The Medium ng The Wailing na dapat magpo-focus sa character no’ng shaman pero dahil sa maraming pagkakapareho sa shamanism ang Korea at Thailand, the creators decided to make it a standalone film.


Rating: 10/10 


The Medium Official Trailer:



No comments:

Post a Comment

Popular Posts