Quote of the Day

“Success is getting what you want, happiness is wanting what you get” ― W. P. Kinsella

Monday, July 11, 2022

Will The Incantation Movie Curse You?

 

I love writing romance but I love watching horror. And this weekend, I made a pretty good decision to watch Incantation on Netflix. It’s a 2022 Taiwanese found-footage horror movie which tackles rituals, curse, sacrifice and mother’s love. Medyo mahaba ang movie, almost two hours but it’s worth it. Just make sure na may kasama kayong manood o matatag ang puso ninyo dahil sa mga jump scares. 

Bukod sa atake sa movie at sa mga nakakatakot na eksena, nagustuhan ko rin ‘yung mismong story. Hindi siya ‘yung usual horror flick na gugulatin ka lang o maraming gore o ‘torture porn’ na tinatawag. May laman ‘yung story, may puso. 

Dahil na rin nga siguro sa umikot ang story sa mother and child. ‘Yung kahit ano kayang gawin ng nanay para lang sa ikabubuti ng anak.

So, here it goes. Ronan, the mother, suffers from mental illness and had to stay in an institution, leaving her only child  behind to a foster care. After six years, she comes back and reunites with her daughter Dodo. At sa unang araw pa lang nila sa bahay, may mga kakaibang bagay na nangyari sa kanyang anak, na alam ni Ronan ay may kinalaman sa nangyari noon, six years ago.

Sa flashback, ipapakita si Ronan kasama si Dom, her boyfriend, and his cousin, Yuan. They were making a documentary about a ritual for their internet channel called Ghost Busters. And while doing the film, they unfortunately broke a religious taboo - the reason why Ronan went mad.

I don’t want to spoil the movie for you so I better stop here. For me, it’s one of the best horror films I’ve watched recently. Just like what I’ve said, hindi lang siya nakakatakot. Medyo nakakalungkot din siya at oo, nakakainis na rin dahil sa mga maling desisyon ng mga karakter sa pelikula.

Sa simula, natakot akong ituloy kasi ayun nga, magkakaroon daw ng curse ang sinumang makapanood ng “video”na nakunan nila sa loob ng tunnel. Reminds me of the movie The Ring. Kaya napa-research muna kami ng mga review about the movie and good thing, safe naman. LOL. It’s just the movie's technique to scare the audience and I must say that yes, it piqued our interest, so good job. Very effective din ‘yung found footage cinematic technique at 'yung simula ng pelikula na inimbita ni Ronan ang mga viewers to participate. Talagang mahu-hook ang audience since feeling nila, kasali talaga sila sa kuwento.

The moral lesson of the story? Don’t delve too much into something that you don’t understand. Makinig sa nakatatanda, huwag matigas ang ulo at sumunod sa instructions, ha, ha.


Did you know?

The movie is actually based on a true story na nangyari sa Taiwan noong 2005. Naging usap-usapan daw ‘yung incident no’ng panahong pino-promote pa ‘yung film so hindi rin sure kung totoo nga ba o for publicity lang. Ayon sa kuwento, isang pamilya raw ang nasapian ng Gods. Hindi sila kumain ng ilang araw, sinaktan ang isa’t-isa at sinunog ang mga balat nila ng insenso. Urban legend or not, the ‘rumor’ once again helped the movie gain the interest of the audience. 

Ah, this tragic story of the family reminds me of the Burari Deaths in India. You can watch this documentary on Netflix if you want to be scarred for a long time. 

Rating: 10/10

OFFICIAL TRAILER:



No comments:

Post a Comment

Popular Posts