“RISE and shine, my Sweetie. It’s almost eight o’clock so you better get your sexy ass off of
bed or I’ll go there and do it myself!”
“How I wish you could,” halos pabulong na tugon ni Agnes sabay pindot sa kanyang itim na clip-on mobile ear cuff o MEC device na nagsisilbing hikaw sa kanyang kanang
tainga. She used to love his low baritone voice every time he wakes her up in the morning but after a couple of years, it’s starting to irritate her. Pero alam niyang hindi naman ang boses na iyon ang ikinaiirita niya
tuwing umaga, kundi ang katotohanan na halos isang dekada na siyang gumigising nang mag-isa.
Tinalukbong niya ang makapal na blanket, pilit idinilat ang mga mata at dahan-dahang minasahe ang sintido. Ano’ng oras na ba siya nakauwi mula sa company party na dinaluhan
kagabi? Sa totoo lang ay hindi na niya maalala. Ni hindi na nga niya maalala kung paano siya nakauwi at kung paano siya nakapagpalit ng damit.
Bigla niyang tinanggal ang blanket na nakatalukbong sa kanyang ulo para ilibot ang paningin sa paligid. Champagne pink wallpaper, check. Ivory colored satin curtain, check. Opaque
sliding glass door, check. Nakahinga siya nang maluwag nang malaman niya na naroon nga siya sa loob ng kanyang kuwarto at nakahiga sa sarili niyang kama.
“You have a new message, Sweetie. Do you want me to read it for you?” narinig niyang sabi ng kanyang ever-reliable voice assistant na si Blake sa kanyang MEC.
“Yes, please.” Tumayo siya at wala sa sariling tumangu-tango.
“Alright then, opening message…It is from your friend, Eve…kadarating lang raw niya sa lobby. May client meeting raw kayo at nine o’clock this morning.”
“Oh, shit!”