It was December 2014 when my first novel entitled Ang Boyfriend Kong Hindi was published by one of the most popular publishing companies in the Philippines, Precious Hearts Romances. Unang subok magpasa sa isang malaking pubhouse kaya iba ang feeling na mabigyan ng pagkakataon ang isang hindi kilalang manunulat tulad ko na makapasok sa PHR.
Quote of the Day
Friday, July 8, 2022
Tamara Cee under Precious Hearts Romances
Thursday, July 7, 2022
For the Love of Agnes (Chapter 3)
“OH my gosh. Choosy ka pa, bessy? That Amiel guy is the hottest I have ever seen in my entire existence, no exaggeration! Tapos, sasabihin mo lang na you’ll think about it kung ibo-boyfriend mo o hindi? Naku naku, Agnes! Gusto mo bang i-untog ko ang ulo mo sa pader para matauhan ka? 2090 na ngayon, baka nakakalimutan mo. Aba, isasabuhay mo ba talaga ‘yang Maria Clara peg mo?”
Kumunot ang noo niya dahil wala siyang ideya kung sino ang Maria Clara na sinasabi nito.
“Oh, I forgot. Hindi mo nga pala kilala si Maria Clara. Well, ‘lemme give you a quick Philippine history lesson. Si Maria Clara ang heroine ni Dr. Jose Rizal sa nobela niya na Noli Me Tangere noong 1887. Si girl lang naman ang epitome ng isang dalagang Pilipina noon - mahinhin, conservative, mayumi, submissive, hindi makabasag-pinggan. Parang inaasta mo, ngayon.”
Umiling siya at nagsalin ng wine sa kanyang baso. Kung hindi lamang siya pinilit ni Eve na pumunta sa bar na iyon pagkatapos ng trabaho. Pero marami na siyang utang na pangako sa kaibigan na hindi niya natutupad kaya iyon lamang ang pagkakataon para mabayaran niya ang lahat ng iyon.
The bar was one of the newest in the city where the old meets the new. Neon lights mixed with the Japanese inspired interiors complete its aesthetic appeal. It’s already her favorite hangout place to date, she’s got to admit and if not for Eve’s connections, she wouldn’t be able to discover it.
Bukod sa malawak na dance floor ay mayroon din itong high-tech bar kung saan p’wedeng um-order sa isang robotic bartender na bukod sa mukhang totoong tao ay kaya ring makipag-usap na parang tao. Sabi nga ni Eve, it’s going to be the future - machines and artificial intelligence. Dahil ngayon, hindi lang doon sa Futurum mayroong AI employees kundi maging sa mga bangko, malls at ospital.
Artificial intelligence at workplace isn’t new. It has been around for almost a century but the emergence of the most advanced human-like AI robots had just started for about two decades ago.
Wednesday, July 6, 2022
Art on Mask by Craft with Cee
![]() |
![]() |
Monday, July 4, 2022
For the Love of Agnes (Chapter 2)
“Yes, plan. Ano ang gusto mong gawin natin ngayong araw?”
“Ahm…may trabaho ako ngayong araw…ikaw ba, wala?”
Umiling ito nang hindi inaalis ang napakagandang ngiti. “Fortunately, I don’t have to work because I’ve got everything I need. Especially now that I’ve met you.”
Alam niyang hindi dapat pero talaga namang kinilig ang mga internal organs niya sa narinig. Paano ba namang hindi samantalang ngayon lang siya nasabihan nang ganoon, ng isang napakaguwapong lalaki na para bang nabuhay mula sa isang Men’s magazine? Pero bago pa siya tuluyang mahulog sa nakakatunaw nitong mga titig ay ginising ni Agnes ang sarili sa katotohanan - na hindi niya kilala ang binata at wala siyang alam na ano pa man tungkol rito.
“I’m sorry pero…ano nga pala uli ang pangalan mo at saan at paano tayo nagkakilala?”
Popular Posts
-
Most of the mini-figs I create and feature on the site are made with cold porcelain. It is a great alternative to polymer clay because the ...
-
The thing about cold porcelain and polymer clay is that it is not an "either/or" case. They have specific pros and cons and choosi...
-
Warning : Before you attempt reading Verity, please make sure that you don’t have anything that needed to be done immediately. If you have a...
-
1. Mga ‘User Friendly’. ‘Yung todo comment na ang ganda-ganda ng gawa mo, na lahat ng works mo, naka-save sa reading list niya, na matag...
-
WARNING: This movie is rated 18 due to sensitive theme and scenes. May mga eksena na obscene and gruesome so better be ready. Disturbing....
-
modelling tools [photo from lazada.com] I've started working with cold porcelain without any clay sculpting tool, which, I admit...
-
Kung mas pipiliin mo ang pagsusulat kaysa matulog. May katabi kang notebook at ballpen sa pagtulog para laging handa. Mas gusto mong ...
-
Bukod sa writer’s block na sabi ng iba ay imahinasyon lang, na katamaran lang raw talaga at excuse ng mga writers na ‘tamad’ magsulat, ma...
-
I love writing romance but I love watching horror. And this weekend, I made a pretty good decision to watch Incantation on Netflix . It’s ...
-
BENJAMIN tried to visit his uncle as often as he could. Lumaki siya na ito ang kasa-kasama lalo na’t masyadong abala ang kanyang ama sa m...