Quote of the Day

“Success is getting what you want, happiness is wanting what you get” ― W. P. Kinsella

Friday, July 22, 2022

The Wailing: A Horror Masterpiece

They were startled and frightened, thinking they saw a ghost. He said to them, “Why are you troubled, and why do doubts rise in your minds? Look at my hands and my feet. It is I myself! Touch me and see; a ghost does not have flesh and bones, as you see I have.” - Luke 24:37-39

A 2016 Korean horror, The Wailing opens with this Bible passage, which instantly gives us some kind of an unsettling feel. Easily one of my favorite Asian horrors, The Wailing didn’t just scare the hell out of me. It made me reassess my faith.

Siguro, kaya masyadong effective ang Asian horrors sa atin ay dahil madalas sa hindi, umiikot ang kuwento sa pamilya. You won’t just get affected by the jump scares, the gore and such but you will also be invested in the relationships and the dynamics of a close-knit family. And being Filipinos, we relate too much to this.

The movie revolves around the four main characters - Jong-Goo, isang pulis na magiging masyadong ‘involved’ sa mga insidente ng pagpatay sa kanilang bayan, si Hyo-jin, ang anak ni Jong-Goo na magiging biktima rin ng possession, The Jap or The Stranger, ang dayong Hapon na siyang itinuturong dahilan ng mga nangyayaring kababalaghan sa kanilang bayan, at ang isa pang importanteng karakter - isang misteryosang babae na makikita sa simula na may mahalagang papel sa kabuuan ng pelikula.

Wednesday, July 20, 2022

Sneak Peek of Tasha's Blog Post #934: Pagsintang-pururot Revisited



“Ikaw ang babaeng gusto kong maging girlfriend noon pa, Tasha. At hindi ko alam kung bakit hindi mo ‘yon maramdaman. Have I already lost my charm with women? Because with you, I can’t seem to make anything right.”


EXCERPT:

ISANG araw bago ang Valentine’s, nakatanggap siya ng tawag at text message mula sa road manager ni Red, para sabihin na susunduin siya ng isang limo sa kanyang apartment, eksaktong alas nuebe ng gabi. 

Limousine. Kahit kailan ay hindi pa siya nakakasakay sa isang limousine. Ano nga ba ang bumabalot na misteryo sa pag-imbita ng isang Red Esquivel sa isang tulad niya na isang hamak na blogger lamang? Oo nga’t popular rin siya – pero sa social media lamang at hindi siya kailanman magiging ka-lebel ni Red. At sa tingin niya ay hindi rin naman siya ganoong kagandahan para pag-aksayahan ng panahon at sunduin pa ng limousine.

Tasha never considered herself as a head-turner - she’s as simple as any girl could get. Hindi siya katangkaran, hindi rin naman kaputian. Noon ay tampulan siya ng tukso dahil sa singkit niyang mga mata, na kinaiinggitan na ngayon ng karamihan dahil na rin sa pagka-uso ng Kpop at mga Koreanobela.

Siya ang tipo ng babae’ng tipikal na makikita sa harap ng laptop – nakasalamin, naka-pusod ang buhok, walang lipstick, walang make up. Nerdy, geeky. At kahit eksperto siya pagdating sa fashion dahil na rin sa trabaho, wala siyang hilig sa kung ano ang usong pananamit o itsura at wala siyang pakialam sa sinasabi ng ibang tao na mukha siyang manang o kaya ay masungit na librarian.

Marami na ang nagsabi sa kanya na kaunting make-up lang, kaunting ayos lang, papasa na siyang pang-cover ng men’s magazine. Because yeah, she’s got the body pero madalas naman niya iyong itinatago sa pamamagitan ng pagsusuot ng maluwag at mahabang damit, na hindi naman talaga nakakatulong. There were a lot of times when she hated her body because she couldn’t wear fitted shirts or tanktops or shorts or skirts without looking too provocative.

Tasha is not comfortable every time somebody calls her gorgeous. She’d rather be adored by her simplicity, wit and her infectious smile. Tasha is far from being called a ‘Diyosa’ but her charm got her the nickname ‘Chinita Sweetheart’, especially in different social media. 

Paano na lamang kapag pinagtabi sila ni Red Esquivel? Hindi kaya siya magmukhang personal assistant nito? Kaya ang payo ni Jene, mag-effort naman raw siya kahit kaunti, bumili ng bagong damit at magpa-parlor. It was too much of a hassle, but just for this time, for the sake of her job, she’ll try to come out of her comfort zone.

Isang light yellow floral summer dress ang napili niyang isuot at dahil sa natural na maganda ang mahaba niyang buhok, the stylist just made a texture that’s a bit undone, making her overall look more alluring. Kahit siya ay medyo nagulat nang makita ang sarili sa salamin. Jene’s right – with a bit of effort, she could look gorgeous and decent at the same time.

And then, the time has come. Eksaktong alas nuebe ng gabi nang may humintong kulay puting limousine sa harap ng kanyang apartment.

Wala siyang ibang kasama sa sasakyan kundi ang driver. Pagkasakay na pagkasakay niya sa limousine ay naamoy agad niya ang lavender na pabango sa loob. Kulay krema ang car seats na gawa sa authentic leather, may mga wine glasses, personal refrigerator at isang bote ng red wine na nakalagay sa ice bucket. 

It was a half-hour drive. Nagulat pa siya nang biglang bumukas ang pinto ng sasakyan at may isang naka-barong na malaking lalaki ang sumundo sa kanya. Maraming tao sa labas ng establisyimentong iyon, maraming ilaw at maraming reporters na may mga dalang camera. Hindi niya inaasahan na ganoong eksena ang madaratnan dahil ang alam niya ay isang simple’ng dinner lamang ang magaganap sa gabi’ng iyon.

May dalawa pang malalaking lalaki’ng nakabarong ang lumapit sa kanila na agad siyang pinalibutan habang papasok ng building. Parehong may dalang radyo ang mga ito, at ang isa ay may kausap sa kabilang linya. Sumakay siya ng elevator na kasama pa rin ang tatlong lalaki, hanggang sa huminto iyon at bumukas sa rooftop. 

Napakadilim roon at wala siyang maaninag kundi ang mga maliliit na ilaw na iba-iba ang kulay. Laser lights, disco lights, string lights, at lahat na yata ng klase ng ilaw. Halos magsiksikan ang mga tao sa dance floor habang ang iba ay nakapalibot sa mahabang bar sa kanang bahagi ng lugar. Bukod sa napakadilim, ay napakaingay rin roon at napakausok. Malakas ang tugtog na hindi niya alam kung ano, at sinabayan pa iyon ng mga sigawan at hiyawan ng mga tao.

Inalalayan siya ng kasama niyang security sa siko at iginiya papunta sa kaliwang dulong bahagi ng lugar at nakahinga siya ng maluwag nang sa wakas ay nakalanghap siya ng sariwang hangin.

“Boss Red, narito na po si Miss Tasha,” sabi ng sumundo sa kanya sa limousine kanina. Pilit niyang inaninag ang lalaki’ng nakatalikod sa kanila na nakatingin sa napakagandang skyline. Ilang saglit pa bago ito humarap sa kanila at itinaas ang kanang kamay bilang senyales na pinapaalis na nito ang mga lalaki’ng iyon.

Tuesday, July 19, 2022

Location, Location, Location


Aside from powerful characters, isa sa mga dapat bigyang pansin sa pagsusulat ng nobela ay ang lokasyon. Dapat sa umpisa pa lang, madala mo na ang mga readers mo sa mundo mo. Dapat, chapter 1 pa lang, maramdaman na nila na parang nando'n sila mismo sa lugar ng pinangyarihan, mapa-coffee shop man 'yan o gubat o kahit sa ibang planeta pa.

You have one goal - to convince your readers that they are actually 'there', with your characters. Therefore, you need vivid desriptions of the place, things, weather, etc. 

Mahirap? Oo naman. Sobra. 

Popular Posts