Thursday, August 29, 2019

Writer Ka Nga Ba?

  1. Kung mas pipiliin mo ang pagsusulat kaysa matulog.
  2. May katabi kang notebook at ballpen sa pagtulog para laging handa.
  3. Mas gusto mong magsulat kaysa gumala.
  4. Mas gusto mong magsulat kaysa maligo. Lol
  5. Kapag nasugatan ka, hindi dugo ang papatak kundi KAPE!
  6. Hindi ka naiinip sa traffic kasi marami kang nabubuong ideas habang nasa biyahe.
  7. Mahilig kang mag-people-watch. Mahilig ka ring mag-imbento ng kuwento tungkol sa mga tao sa paligid mo kahit hindi mo sila kilala.
  8. Kahit ano’ng ginagawa mo, bigla-bigla na lang may papasok sa isip mo na magandang ideya.
  9. You are a master procrastinator. Minsan, gagawin mo lahat para lang iwasan ang pagsusulat.
  10. Excited kang mag-CR kasi doon ka lang nakakapag-isip nang mabuti para sa susunod na eksena sa ginagawa mong istorya.
  11. Wala kang pakialam kung magka-eyebags ka o magka-pimples dahil sa puyat para lang magsulat.
  12. Gising ang diwa mo sa gabi hanggang madaling-araw dahil sa ingay ng mga characters mo.
  13. Madalas kang tulala at malayo ang tingin hindi dahil sa iniisip mo si crush kundi dahil nag-iisip ka ng conflict para sa nobela mo.
  14. Hanggang sa pagtulog ay napapanaginipan mo hindi si crush kundi ang mga characters mo.
  15. Madalas ay marumi ang bahay mo at hindi mo agad nahuhugasan ang mga pinggan dahil sobra kang focused sa pagsusulat.
  16. Wala ka nang pakialam sa nangyayari sa paligid at minsan, mas gusto mo na lang mag-stay sa ginawa mong ‘mundo’ kaysa sa realidad.
  17. 95% of the time, may writer’s block ka. 
  18. May secret notebook ka kung saan mo isinusulat ang pangalan ng mga tao’ng may atraso sa’yo. Future reference para sa villains sa future novels mo.
  19. May special folder ka sa computer na punung-puno ng ideas at drafts.
  20. Isa pang special folder para sa listahan ng mga paborito mong libro, quotes, characters, scenes, movies at dialogues for inspiration.
  21. Mahilig kang mag-drama. ‘Yung kahit kaliit-liit na bagay, ginagawan mo ng drama. 
  22. Ang dami mong napapansin sa mga napapanood mong pelikula at teleserye at hobby mong okray-in sila.
  23. Napapakunot ang noo mo sa tuwing may nababasa kang mali ang grammar. 
  24. Weird ka. Kinakausap mo ang sarili mo, tumatawa ka at umiiyak mag-isa.
  25. Parati mong iniisip na hindi ka magaling magsulat at gusto mo nang sumuko pero ayaw ng utak mong tumigil sa kaiisip ng mga kilig scenes.
So, sa tingin mo, writer ka nga bang talaga?

~~

No comments:

Post a Comment

What's New

The Girl From The Coffee Shop 3 EPILOGUE

KUNG tatanungin kung gagawin ko pa rin ang mga desisyong nagawa ko noon, ang sagot ko, oo. ‘Yung tungkol kay Noel, alam ko na nakatakda i...