Saturday, July 6, 2019

Writer's Block: Bakit Nga Ba?

Oh, sige na. Wala raw writer’s block pero minsan talaga, darating sa buhay ng isang writer na bigla na lang maba-blangko ang utak, na kahit ano’ng gawin ay waley pa rin. Bakit nga ba?

1. Kahit sa pagsusulat, dapat may right timing. At kumbaga sa pagluluto, kailangan mo munang ihanda ang ideas mo - ayusin ang mga ingredients, painitin ang kalan at pakuluin ang dapat pakuluin bago mo isulat. Kapag isinulat mo kasi agad ‘yan nang hindi pa handa, mahihilaw. Hindi masarap ang lasa. Pero minsan, sa kahihintay natin ng 'right timing', hindi na tayo nakakapagsulat. Parang love, hintay ka nang hintay nang Mr. Right, hindi mo na napapansin na nariyan na pala si Mr. Right for you. Cheret.

The Girl From The Coffee Shop 3 Prologue + Chapter 1

PROLOGUE

HAPPY ending. ‘Yan rin ang kinahinatnan ng love story nina Maya at Benjamin pagkatapos ng lahat ng mga nangyari. Happy ending. At ngayong nakabalik na sila sa Manila, balik trabaho at balik realidad na uli.

Naging masalimuot ang mga nakaraang buwan noong nakaraang taon para sa buhay ni Maya. Noong nakaraang taon, napagdesisyunan niyang bumalik sa The Forum at magtrabaho bilang isang freelance interior designer sa Contreras-Contreras Architectural Firm. Noong nakaraang taon, muli niyang nakaharap si Engineer Benjamin Contreras III at noong nakaraang taon, naramdaman niya ang iba’t-ibang emosyon na lalo lamang nagpatibay ng pag-ibig niya para sa binata. 

Akala ko talaga, tapos na ang lahat sa amin. Sobra ko siyang nasaktan nang umalis ako nang walang paalam at nang muli kaming nagkita, sinigurado niyang mararamdaman ko rin ang sakit na pinadama ko sa kanya. At oo, naramdaman ko ‘yon at mas higit pa. Pero tinanggap ko lahat ‘yon dahil alam ko na tama lang naman sa akin iyon. At kung kailan sinukuan ko na ang pag-asa na mapapatawad ako ni Benjamin, ay parang nagmilagro ang langit at muli niya akong minahal.

Ano nga ba ang nangyari?

Friday, July 5, 2019

Natapos Mo na ang Manuscript Mo, Ano Na?

So, natapos mo na ang manuscript mo. Congrats! Pero ang tanong, handa na ba ang pinaghirapan mong MS na maipasa sa pubhouse? 

1. Na-proofread mo na ba? Kahit feeling mo ay sayang oras o nakakatamad, kailangan mong i-proofread ang MS mo bago mo ito ipasa. Siguruhin na tama ang grammar, punctuation, formatting, etc. Make sure to check everything - as in everything. Laging best foot forward dapat. Parang panliligaw lang ‘yan. Nililigawan mo ang mga evaluators kaya dapat, maganda ang maipapakita mo sa kanila. Huwag na huwag magpapasa sa publishing house ng hilaw na manuscript. Bukod sa siguradong mare-reject ‘yon, baka magkaroon ng first bad impression sa iyo ang mga editors.

Thursday, July 4, 2019

The Girl From The Coffee Shop 3 Teaser

“I already did what you wanted me to do. I am marrying her and now, I’m miserable. So please, make me feel that you see me...that I still exist...”

Kung inaakala ni Maya na ‘happy ever after’ na ang kasunod ng lahat ng pinagdaanan nila ni Benjamin, nagkakamali siya. Dahil ang mga naganap pala ay ‘patikim’ lang sa mga mangyayari pa.

Ramdam na ni Maya ang pagiging ‘the future Mrs. Benjamin Contreras III’ at handa na siya sa lahat ng bagay na kaakibat ng kumplikadong buhay ng nobyo. Pero bakit kung kailan maayos na ang lahat ay tsaka susulpot sa eksena ang isang tulad ni Nicole Sequia?  Mabuti na lang, to the rescue si Noel, ang kanyang knight in shining armor na parating handang tumulong at dumamay.

Mabuti pa si Noel, parating nariyan. Mabuti pa si Noel, naiintindihan siya at may pakialam sa nararamdaman niya. At naisip ni Maya, baka nga si Noel ang talagang tadhana niya at nakilala lang niya si Benjamin para mas palalimin ang nararamdaman niya kay Noel.

Pero paano kung kabaligtaraan pala ang lahat? Na parati silang pinagtatagpo ni Noel dahil gusto ng Diyos na mas patatagin siya para sa pag-ibig nila ni Benjamin?

Monday, July 1, 2019

The Girl From The Coffee Shop 2 Chapter 10

SA site pa lang ay nakita na ni Benjamin si Noel na sinusundo si Maya. Hindi alam ni Benjamin kung anong pumasok sa utak nito pero hanggang sa paghatid nito sa apartment ng dalaga ay sinundan ni Benjamin ang mga ito. Ipinarada nito ang mamahaling sasakyan sa tapat ng katabing bahay ng tinutuluyan ni Maya, bumaba mula roon at lumapit sa mga ito.

“Maya, can I talk to you?”

Sabay iyong nilingon nina Maya at Noel na kabababa lamang ng sasakyan. Madilim na noon at wala nang tao sa paligid liban sa mangilan-ngilang sasakyan na dumadaan. Lumapit sa kanila si Benjamin, hawak ang susi ng mamahaling kotse.

Nagkatinginan muna sina Maya at Noel bago muling isinara ng dalaga ang pinto ng sasakyan. Agad na lumapit sa kanya si Noel at nang akbayan siya nito ay halatang biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni Benjamin. 

“Ano’ng ginagawa mo rito?” tanong niya rito.

“Mag-uusap tayo, ‘yung tayong dalawa lang, Maya,” matigas nitong sabi. Masama ang tinging ibinigay ni Benjamin sa katabi ni Maya.

“May problema ba kung marinig ni Noel kung ano man ang sasabihin mo?”

Lalong sumama ang mukha ni Benjamin. “’Yung tayong dalawa lang, Maya.”

Umiling si Maya at nang magtangkang lumapit pa nang husto si Benjamin ay mabilis iyong hinarangan ni Noel.

“’Wag mo nang pilitin kung ayaw makipag-usap ni Maya. Pagod siya galing trabaho.”

“This is none of your Goddamn business,” matigas na sabi ni Benjamin. Matalim ang tinging ibinigay niya kay Noel. “Maya, I want to talk to you.”

Sunday, June 30, 2019

On Ending


  1.  I-distinguish mo muna kung para kanino ang isinusulat mo. Para ba sa sarili mo? Tipong ginawa mo ‘yung kuwento dahil gusto mo lang ilabas kung ano ang nararamdaman mo? Isinulat mo lang kung ano ang gusto mong mabasa? If that’s the case, you have all the freedom in the world to write whatever ending you want. Walang pakialaman kung baga. Pero kung ang isinulat mo ay para sa iba, meaning may readers ka na nag-aabang as if their lives depend on you, kailangan mo silang i-consider. Isipin mo kung ano ang mararamdaman nila sa isusulat mong ending. They took time and effort to read your story so make sure to give them the ending they deserve.

What's New

The Girl From The Coffee Shop 3 EPILOGUE

KUNG tatanungin kung gagawin ko pa rin ang mga desisyong nagawa ko noon, ang sagot ko, oo. ‘Yung tungkol kay Noel, alam ko na nakatakda i...