Saturday, June 15, 2019

Writer Starter Pack

1. Laptop/pc/cellphone. Basta may MS word/WPS o kung anumang app na p’wedeng sulatan.
2. Papel, lapis. Para kahit on the go at kahit walang kuryente, p’wede pa rin magsulat.
3. External hard drive. Para sa mga ideas at drafts na walang katapusan. Lol
4. Kape. Pampagising. Tsaka cool kasi tingnan ‘yung nagsusulat habang nagkakape.
5. Internet. Pang-research, siyempre.
6. Stock knowledge. Sa lahat ng bagay.
7. Music. Lalo na kapag dramatic scene ang isinusulat.
8. Dictionary. Kung waley internet, useful itey.
9. Picture ni crushy for inspiration.
10. Favorite book/s for inspiration uli.

Friday, June 14, 2019

The Girl From The Coffee Shop 2 Chapter 4

NAMATAAN ni Maya si Benjamin sa kanilang opisina na may kausap na isang lalaki sa di kalayuan. Habang nagta-trabaho ay tinitingnan niya ito, hinihintay kung titingin sa direksyon niya. Imposible naman na hindi nito alam na naroon siya dahil wala pa sa limang katao ang naroon sa mga oras na ‘yon.  

“Miss Maya?”

Saglit niyang tiningnan si Jenny na may hawak na bouquet of red roses, at muling tiningnan si Benjamin. Eksaktong isang linggo na ang nakakaraan nang halos magmakaawa ito na mahalin siyang muli. Pero simula noon ay hindi na siya nito kinausap, nilapitan, o kahit tiningnan. 

Sa totoo lang, inaasahan ko na bibisitahin niya ako sa apartment o tatawagan man lang pero kahit na isang simpleng text message ay wala. Gusto ko na nga lang isipin na hallucination lang ang lahat ng narinig ko para wala na ‘kong isipin. Hindi ko na alam kung anong gagawin, kung tama bang ako ang gumawa ng first move at lumapit sa kanya.

Thursday, June 13, 2019

The Girl From The Coffee Shop 2 Chapter 3

AT kung nalaman lang ni Benjamin na makikita niya si Maya sa opening ng furniture shop ni Jeff,  hindi na sana siya nagpunta pa. Pero hindi naman niya ma-hindi-an ang pinsan dahil matagal na nitong pangarap na magkaroon ng sariling furniture business. Matagal nang pinangangasiwaan ni Jeffrey ang negosyo ng pamilya nito sa California at matagal na nitong gustong makabalik sa Pilipinas para makapagpatayo ng sariling negosyo.

Agad na namataan ni Benjamin si Maya sa di kalayuan habang nakikipag-usap into kay Jeffrey sa harap ng sariling watercolor painting nito na nakasabit sa dingding.

Isang simpleng itim na denim dress na hanggang tuhod ang suot nito na binagayan ng malapad na puting sinturon at puting high heeled shoes. Napakaganda nitong pagmasdan nang nakatayo lamang roon habang tumatawa at nakikipagkuwentuhan sa mga kaibigan. Gusto na lang umuwi ni Benjamin nang mga oras na iyon, lalo na nang may makita siyang isang pamilyar na mukha – si Emman, na matagal nang malapit na kaibigan ni Maya – at hindi niya inaasahan na magkaibigan pa rin ang mga ito hanggang ngayon. Ang totoo ay hindi niya alam kung magkaibigan lang ang mga ito ngayon.

Wednesday, June 12, 2019

Mga Tanong na Kailangang Sagutin Habang Isinusulat ang Nobela Mo: Sino, Ano, Saan, Kailan at Bakit

Sino
Self-explanatory na ito, bes. Sino ang mga bida sa nobela mo? P’wedeng isa, dalawa o marami, depende sa plot mo. Malinaw dapat kung kanino umiikot o iikot ang kuwento.

Ano
Ano ang goal ng bida? Tungkol saan ang kuwento? Ano ang mangyayari sa bida? Ano ang kailangan niyang gawin para ma-achieve niya ang dapat niyang ma-achieve?

The Girl From The Coffee Shop 2 Chapter 2

“S-SINO?” gulat na tanong ni Maya kay Jenny nang sabihin nito ang balitang biglang pagbabalik ng Presidente ng kumpanya. Ayaw man niyang isipin ay tiyak na si Benjamin ang tinutukoy nito. Bigla tuloy siyang nanlamig at pakiramdam niya ay lalabas lahat ng kinain niyang almusal.

“Si Engr. Contreras. Sabi ni Greg, kadarating lang raw kanina. Actually, sa mga magazines ko pa lang siya nakikita pero ang dinig ko, sobrang guwapo raw, Miss Maya,” masayang balita ni Jenny sa kanya. “Kilala mo ba siya?”

Monday, June 10, 2019

The Girl From The Coffee Shop 2 Prologue and Chapter 1

PROLOGUE

KUNG mayroong pangyayari na gusto kong balikan, aaminin ko na ‘yon ay ang panahong nakilala ko si Benjamin at natutunan kong magmahal muli. Pero hindi naman lahat ng kuwento ng pag-ibig ay may happy ending. May mga bagay na talagang hanggang do’n na lang, katulad ng sa amin ni Benjamin, apat na taon na ang nakararaan. Akala ko noon, pagkatapos kong malaman na mahal niya ako, ‘and we live happily ever after’ na ang kasunod. Pero totoo’ng buhay nga pala ito at hindi isang fairy tale.

Ayoko na sanang alalahanin pa ang nakaraan dahil isa ‘yon sa mga pangyayaring sobra kong pinagsisihan pagkatapos. Alam kong kasalanan ko na hindi ko binigyan ng pagkakataon ang love story namin, dahil lang sa isang lumang pag-ibig - sa isang luma, at inaagiw na pag-ibig.

The Girl From The Coffee Shop 2 Teaser

“Bakit ka pa bumalik?
Bakit kung kailan okay na ako,
kung kailan nakalimutan ko na lahat,
tsaka ka pa bumalik?”

Sunday, June 9, 2019

What Is A 'Worthy Read'?

Sa panahon ngayon na maraming p'wedeng maka-distract sa atin sa pagbabasa, mas mahirap i-please ang mga readers - unless super idol nila 'yung writer na kahit ano'ng haba o boring o kagulo ang kuwento ay hindi nila bibitawan ang libro. Pero kung 'normal' na writer ka at wala masyadong followers, the struggle is real.

Sabi nga, dapat sa umpisa pa lang, 'yung bungad pa lang ng nobela mo ay makuha mo agad ang atensiyon ng reader. Tipong first sentence pa lang, mahi-hypnotise na sila na tapusin ang gawa mo.

So, paano mang-hypnotize? I mean, paano mo gagawing interesting ang unang bahagi ng nobela mo? Ang tawag diyan - killer opening lines. Siyempre, iba-iba naman ng taste ang readers pero rule of thumb, dapat alam mo kung anu-ano ang mga elements na magpapa-hook sa mga readers - maganda/kakaibang conflict, kilig, galit, takot, inis, tuwa, tawa.

1. Huwag manlinlang. Baka dahil lang sa gusto mong ma-hook ang readers mo ay kung anu-ano’ng premise na ang isusulat mo na wala namang kinalaman sa kabuuan ng nobela mo. Halimbawa, magsisimula ka sa isang maaksiyong habulan ng bida at kontrabida pero panaginip lang pala at wala namang connect sa kwento. Huwag gano’n, bes. False advertising ang tawag do’n haha!

What's New

The Girl From The Coffee Shop 3 EPILOGUE

KUNG tatanungin kung gagawin ko pa rin ang mga desisyong nagawa ko noon, ang sagot ko, oo. ‘Yung tungkol kay Noel, alam ko na nakatakda i...