Tuesday, June 4, 2019

Bakit Nga Ba Hindi Tinatapos ng Readers Ang Mga Kuwento Natin?

1. Hindi consistent. Ang tono, ang style, plot at ang characterization at motivations ng mga bida. Minsan kasi sa sobrang enjoy natin at sa kagustuhan na matapos agad, may mga importante'ng detalye tayong nakakaligtaan tulad ng mga lugar, mannerisms, voice ng characters, trabaho, backstory, family at educational background. Madalas itong mangyari sa mga super habang mga nobela na sa sobrang haba ay nakakatamad nang basahin.

2. Nakaka-offend masyado. Maraming writers ngayon ang sumusubok na sumulat ng may 'mature' content, meaning more on the erotic side. Wala namang problema rito, p'wera na lang kung bagets ka pa. Always know where to draw the line. Huwag masyadong gumamit ng foul language. Kung maiiwasan, wala masyadong violence at hindi masyadong malaswa ang mga intimate scenes to the point na nakakasuka at nakakadiri na.

3. Masyadong maraming characters. Okay lang sana ito kung gradual ang pagpapakilala. Tipong every chapter, may bago pero huwag 'yung chapter 1 pa lang, ibinagsak mo na agad  ang buong baranggay.

4. Masyadong maraming nangyayari, to the point na mahirap nang sundan. #YesRelateUli. May rason kung bakit may required word count ang mga publishing companies. Kung masyado nang mahaba ang nobela mo, tipong halos doble na ng required word count, i-review mo at tanggalin ang mga hindi kailangang scenes at dialogues. Hangga’t maaari, paikliin ang p’wedeng paiklin. Sabi nga, less is more.

5. Masyadong cliche. Walang masama sa cliche dahil kung susuriin, pare-pareho na lang talaga ang mga kuwento lalo na pagdating sa romance genre. Kung gamit na gamit na ang plot na napili mong isulat, siguraduhing ilahad ito sa paraang makapagpapaangat sa iba. Medyo mapili na ang mga readers ngayon at hindi sila mag-aaksaya ng panahon sa isang nobela na may pagkakatulad sa iba, p’wera na lang siguro kung talagang idolo nila ang nagsulat.

6. Boring ang kuwento. Lalo na sa panahon ngayon na napakaraming writers ang naglilitawan na nagbibigay ng napakaraming options sa mga readers. Marami ring distractions, i.e. social media at kung boring ang kuwento mo, mas gugustuhin ng reader na maglaro na lang ng tagu-taguan (ng feelings) o manood ng Kdrama. Bilang manunulat, responsibilidad mo na mag-offer ng interesting story so make sure to do your job. Dapat, sa unang paragraph pa lang, ma-capture mo na ang attention ng reader dahil kung hindi, baka hindi pa natatapos basahin ang chapter 1 ay maghanap na ang reader ng ibang mababasa.

7. Hindi realistic ang mga characters. ‘Yung tipong isinaksak lang sila sa story para magkaroon ng plot - plot na nangyari lang dahil sa maling desisyon at actions ng mga characters. ‘Yung tipong maglilihim sila just for the sake of keeping a secret o magsisinungaling nang walang rason. Everything that the characters do must have a reason.

8. Puro ‘eksena’ pero walang ‘kwenta’. Para bang kung ano na lang ang maisip na eksena, isusulat kahit hindi kailangan o hindi naman talaga mahalaga. Scenes should be connected, which should lead to something in the end.

9. Hindi ‘likable’ ang mga bida. Hindi naman kailangang perfect ang mga characters. Actually, mas maganda ‘yung characters na may flaws. Pero huwag naman to the point na kaiinisan na siya ng readers. Ano nga ba ang mga unlikable characters? Sila ‘yung mga masyadong pa-victim. Feeling laging api at hindi makagawa ng paraan para ipagtanggol ang sarili. Tipong kahit wala silang ginagawa, inaapi pa rin sila. Dapat, may dahilan kung bakit sila inaapi at bakit sila nagpapaapi. Bigyan ang bida ng malupit na backstory para kahit unlikable siya ay tumatak siya sa mga mambabasa.

10. Masyadong maraming [technical] errors, masakit na sa mata. Responsibilidad ng bawat writer na aralin ang grammar at composition. Sa totoo lang, nakakagulat rin minsan na paano nakakapasa ng elementary kung simpleng noun-verb agreement, nalilito pa. Hindi naman sa nangmamaliit pero kung pangarap mo talagang maging writer, dapat mag-effort na mag-improve lalo na sa grammar. Maglaan ng kahit isang oras bawat araw para mag-aral. Magbasa rin nang magbasa para mahasa ang vocabulary.

No comments:

Post a Comment

What's New

The Girl From The Coffee Shop 3 EPILOGUE

KUNG tatanungin kung gagawin ko pa rin ang mga desisyong nagawa ko noon, ang sagot ko, oo. ‘Yung tungkol kay Noel, alam ko na nakatakda i...